Chapter 12

10.2K 478 89
                                    



Fin's POV

Lumalalim na ang gabi at lumalamig na rin ang panahon. Napansin ko rin na nilalamig na rin si Rose kaya naisipan kong yayain na syang pumunta sa unit.

"Paano ang mga gamit?" tanong nya habang inaalalayan ko syang tumayo.

"Pupunta rito bukas ang mga katulong ni kaliwa para linisin ito. Tara?" hinawakan ko ang kamay nya at naglakad kami patungo sa pintuan.

Bago kami pumasok sa loob ay muling tinignan ni Rose ang paligid. Napangiti naman ako dahil nagustuhan nya ang ginawa namin.

"Thank you." baling nya sakin. "Sobra ko talagang nagustuhan ang ginawa mo." sabi nya.

"Para sayo." hinalikan ko ang kamay nya habang nakatingin sa mga mata nya. "Sobra mo naman akong napasaya dahil sawakas, girlfriend na kita." napangiti rin sya gaya ko. "Sana hindi ka napilitang sagutin ako ah?" biro ko.

"Matagal ko na rin naman gustong sagutin ka." nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Sinabi ko na sayo ito, gusto ko na wala tayong problema kapag sinagot kita. Ang tinutukoy ko ay si Dani."

"Rose─" pinigilan nya akong magsalita gamit ang index finger nya na niligay sa bibig ko.

"Shhh..alam kong may gusto ka pa rin sa kanya pero alam kong wala ka naman pag-asa sa kanya." Medyo nasaktan ako sa sinabi nya. Alam ko naman 'yon.

"Kasi ikaw ang gusto nya." hindi naman sya nagulat na alam kong may gusto sa kanya si Ms. Dani. Siguro hindi na sya magtataka dahil nasa loob lang naman ako ng kwarto nya habang nasa sala sila. Natural lang na maririnig ko ang mga pinagsasabi nila lalo na naiwan nakabukas ng kaonti ang pinto ng kwarto kaya rinig na rinig ko.

"Sinagot rin kita dahil ayokong mabahala ka sa kanya, kanila Rina. Alam kong nasasaktan ka sa mga pinagsasabi nila. Wag mo na lang silang pansinin." hinawakan nya ang kaliwang pisngi ko. "Sa ganitong paraan, masigurado ko sayo na ikaw lang ang pipiliin ko." aww..gusto kong maiyak sa sinabi nya.

"I love you." ayun na lang nasabi ko. Hinalikan nya ako pero saglit lang. Parehas kaming nakangiti sa isa't isa.

"Wag mo na lang silang pansinin, okay? siguro titigil na rin sila sa oras na malaman nilang girlfriend mo na ako." girlfriend ko na sya. Shet. Nakakakilig. Oh my gosh!

"Girlfriend." pigil na pigil ang ngiti ko pero kinikilig talaga ako eh! ang sarap sa feeling!

"Tara na." naiiling na sabi nya pero nakangiti naman na mukhang natutuwa sa itsura ko.

"Okay!" sabi ko at tumuloy na kami sa elevator. "Matutuwa sila Gia nito kapag nalaman nilang tayo na tapos sila Mama! sigurado akong yayayain ka nilang mag-dinner samin." nae-excite na akong ibalita sa kanila na kami na ni Rose.

"About that, pwede mo bang sabihin kanila na wag ipagkalat na tayo na?" nagtataka man pero nakangiti pa rin ako.

"Bakit?"

"Hindi pa ako out sa pamilya ko. Kahit na ako lang ang nandito sa Manila, baka lang umabot sa kanila na may girlfriend ako rito." sabi nya at naiintindihan ko naman sya. Akala ko nga ayun ang dahilan kung bakit ayaw nya pa akong sagutin.

"Okay, sasabihin ko sa kanila. Hindi naman sila madaldal." sabi ko. Pinindot ko ang floor ng unit ko pagkapasok namin sa elevator. "Oo nga pala, yung nakita natin kanina sa elevator." tukoy ko sa dalawang prof. sa school namin na nahuli naming naghahalikan.

"Fin, wag mong ipagkakalat ang nakita mo." babala nya.

"Wala akong balak Rose. Hindi ako ganon 'no." mukhang nakahinga naman sya sa sinabi ko. Nag-aalala sya para sa dalawang prof. "May alam ka ba tungkol sa dalawang 'yon?"

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon