Chapter 44

10.8K 571 260
                                    




Fin's POV

Kasama ko ngayon si kaliwa papunta sa Hills University para sunduin ang kambal nya. Sumabay ako dahil sinabi ni Dani na hindi nya ako mapupuntahan ngayon dahil magiging busy sya school kaya naman ako na ang pupunta sa kanya.

Habang nasa biyahe ay kanina pa ako sinasabihan ni kaliwa tungkol sa dalawa lalo na nung sinabi ko na nagkita na kami ni Dianne. Hindi ko sinabi na may nangyari na samin ni Dianne dahil sure akong hindi nya ako titigilan.

"Akala ko naman titino ka na pero hindi pa rin pala." sabi nya habang nakatingin sa daan. "Mas lumala pa." dagdag nya. Hindi ako sumagot. May mas malala akong nagawa kaya mas mabuti pang manahimik na lang. "Alam mo, hindi ka na bata para patagalin pa ang panliligaw ng dalawa. Pumili ka na sa kanila kung sino ba sa kanila ang gusto mong makasama sa pagtanda."

Bumuntong hininga ako. "Sana ganon lang kadali." bulong ko habang nakatingin sa labas.

"Fin, payong kaibigan lang, tigilan mo na ang mambabae at isipin mo ang nararamdaman mo sa dalawa. Masyado ng matanda si Dani para maghintay sayo. Okay sana kung kasing edad lang ni Dianne ang mga naghahabol sayo."

Napakamot ako ng pisngi. "I'll try." sagot ko na lang.

"Isipin mo rin ang nararamdaman nila. Nagsisi at gusto nilang bumawi sayo ngayon. Wag mo silang saktan ng sobra. Hindi purkit nasaktan ka nila ay babawian mo sila."

"Hindi ko naman sila sinasaktan." nakaiwas na tingin na sabi ko. "Pinapahirapan ko lang sila."

"Pinapahirapan? ano ka chicks?"

"Oo naman 'no, sa ganda kong 'to?" napailing sya.

"Kung hindi mo sila sinasaktan, tigilan mo ang mambabae. May nanliligaw sayo pero ibang babae ang ine-entertain mo at kinakama mo pa. Ano sa tingin mo ang nararamdaman nila na may kinakama kang iba? Sana pinatigil mo na yung dalawa para hindi sila umasa na sasagutin mo sila." naiistress na sabi nya. "Wag mong idahilan yang needs mo dahil nakakadiri." dagdag nya. Itinikom ko ang bibig ko na dapat na magsasalita. "Para kang lalaki kung umasta dyan."

"Pusong lalaki."

"Seryoso ako, Fin ah." ngumuso ako. Bakit ba ako sumabay kay kaliwa? puro sermon ang natatanggap ko. "Hindi mo ba naisip na mag-settle down? Hindi ka ba naiinggit samin na may mga asawa't anak na?"

"Paano ko maiisip 'yon kung puro duda ako kung masasaktan ba ako sa taong mamahalin ko ulit? At tsaka sa mga taong nagsasabing mahal ako eh halatang katawan ko lang ang habol nila."

"Ayan kasi ang sinasabi ko, tigilan mo na ang lumandi sa mga babae at hanapin ang totoong magmamahal sayo na hindi katawan o yaman mo ang habol. Katulad ni Dani at Dianne." ipinatong ko ang siko ko sa may pintuan ng sasakyan at tumingin sa labas. "Masarap sa pakiramdam na may taong mag-aalaga sayo. Na sa paggising mo sa umaga ay sya ang makikita mo. Ipaghahanda ka ng masarap na almusal, ihahanda ang mga gamit mo sa trabaho at uuwi ka na may sasalubong sayo. Maingay at makulit pero masarap sa pakiramdam na may anak kang aalagaan at papalakihin ng maayos. Yung dating tahimik mong bahay ay magiging maingay dahil alam mong may kasama ka na. Hindi ka na bumabata pa, Fin. Piliin mo na ang taong gusto mong makasama para hindi na sila masaktan pa lalo kakaasa sayo. Mauuna ka pa ni Fynch magpakasal. Isipin mo rin sila Tita na gusto na rin magkaapo. Masyado na silang matanda na."

Wala akong sinabi. Tumatak sa isip ko ang lahat ng sinabi nya. Sa totoo lang, talagang naiinggit ako sa kanila na may mga asawa't anak na. Kitang kita ko sa mga mata nila ang saya kahit na sobrang kukulit ng mga anak nila.

Mi Amore Series#3: My Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon