Chapter 23

2K 59 2
                                    

Chapter 23



"Papa, ano pong meron? Bakit po maaga niyo akong pinauwi sa trabaho?"nagtatakang tanong ko nang makauwi ako. Tumawag kanina si papa at pinapauwi ako. Akala ko ay emergency kaya nagpaalam agad ako sa boss ko sa trabaho.

Papa remained silent. Nandito ang private investigator ni papa na di kalaunan ay nagpaalam na din at umalis.

"Papa? May emergency po ba? What happened?"nalipat kay mama ang tingin ko na nasa tabi ni papa.

Hindi nakatingin si mama saakin dahil na kay papa ang buong atensyon nito. She was worried. Kita sa mukha nito ang pag-aalala.

"Ma------"nabaling sa ibang direksyon ang mukha ko nang tumayo si papa at malakas akong sinampal.

Hindi agad ako nakabawi sa gulat dahil sa ginawang pagsampal saakin ni mama lalo na at ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ni papa ng kamay. Agad kong naramdaman ang sakit gawa ng pagkakasampal ni papa saakin. Parang namanhid ang pisngi ko na sinampal ni papa.

"YUAN!"gulat na bulalas ni mama na unang nakabawi sa nangyare. Napatayo ito at dinaluhan agad ako."What have you done!"she hugged me and she turn her gazed on my father.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa anak mo, Yuan!?"mama faced papa, in rage.

Ako naman ay nalilitong napatingin sakanilang dalawa. What is going on? May takot na namuo sa dibdib ko sa isipin na baka alam na ni papa ang relasyon namin ni Devon.

"Annie, please..."mariing pinikit ni papa ang mga mata niya."I have to talk to my daughter."pagkatapos ay saakin ito bumaling.

"Kausapin mo. Pero kakausapin mo siya ng andito ako. At hindi kita hahayaang saktan ulit ang anak natin, Yuan. Huwag mo kong subukan."banta ni mama kay papa.

Hindi sumagot si papa.

"Totoo bang may relasyon kayo ng lalaking iyon?"tanong ni papa. His tone is indifferent.

Napalunok ako."Pa..."

"I've raised you well. Kahit na ako lang ang mag-isang nagpalaki sayo alam kong pinalaki kita ng maayos. What are you thinking, Yasha? Nakipagrelasyon ka sa lalaking nagtaka ng masama sa pinsan mo?"papa asked in disbelief. He looked at me as if he was really disappointed in me. And I couldn't help but to look down.

"Yuan, napatunayan na sa korte na walang kasalanan si Devon. Why can't you just accept it?"si mama.

"I'm not asking you. I'm asking our daughter, Annie."papa said coldly.

Hindi nakasagot si mama. Siguro naramdaman din niya ang lamig sa boses ni papa.

"May relasyon ba kayo ng Devon Au na iyon?"he asked sternly.

I couldn't even spoke. All I could is to swallow the lump on my throat. I feel like my cheek swollen.

"Yasha!"papa shouted, demanding an answer from me. At hindi ko mapigilan ang mapaigik at mapapikit sa ginawang pagsigaw ni papa saakin.

"Yuan, please. Don't talk to your daughter like that."mama spoke softly."Tinatakot mo ang bata."hinawakan ni mama ang magkabilaang balikat ko at niyakap habang ang ulo niya ay nakabaling sa gawi ni papa.

"She's not a kid anymore, Annie. Malaki na iyan. Alam na niya ang tama at mali."

"I-I know...but please just listen to your daughter's explanation."mama said, pleading.

Pagak na tumawa si papa saka napailing-iling."I can't believe this. You knew it too. Don't you?"

Naramdaman kong natigilan si mama. Ilang sandali pa ay napabuntong hininga ito.

Taste of YouWhere stories live. Discover now