Chapter 26

2.2K 69 2
                                    

Chapter 26


Umalingawngaw ang malakas na pagsampal ni papa kay Enra at ang pagsinghap ng mga tao sa paligid, kasama na ako doon na hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Even Enra herself was shock. Napahawak ito sa pisngi na sinampal ni papa at naiiyak ang mukha ng lumingon kay papa.

"Kuya!"

Si tita Claire ang unang nakabawi. Agad nitong dinaluhan ang anak, na niyakap naman ni Enra.

"Kuya, ano bang nangyayare?"lito ngunit may bahid ng galit ang tono ni tita Claire nang kausapin nito si papa.

"Ang anak mo..."galit na dinuro ni papa si Enra na takot namang nagsumiksik sa ina niya. Tita Claire hugged Enra tightly.

"Kuya, bakit mo naman sinaktan si Enra? She's your niece."Tita Claire stated.

"At anak ko naman si Yasha."galit na balik ni papa kay tita Claire na siyang dahilan nang saglit na nakapagpatigil sa kausap.

Tita Claire glanced at me, confused.

"Anong kinalaman ni Yasha dito? Kuya, kung may away man ang mag-pinsan huwag na tayong makisali."tita Claire shooked her head.

"No, Claire. 'Yang anak mo masiyado ng malaki ang sungay kaya kailangan ng putulin iyon."mama interject.

Galit na bumaling sakanya si tita Claire at tinaasan siya ng kilay.

"At sino ka naman para makisali dito? This is between the family. At sa pagkakatanda ko hindi ka kabilang sa pamilyang ito. Kaya sino ka para sumabad diyaan?"mataray na tanong ni tita Claire kay mama. Nilapitan pa ni tita Claire si mama at nanunuyang tinitigan ito.

Bago pa makasagot si mama na alam ko namang hindi magpapatalo ay naunahan na siya ni papa.

"She's my wife, Claire. Respetuhin mo ang asawa ko lalo na sa pamamahay namin o hindi ka na makakatapak...hindi na kayo makakatapak pa dito."papa said seriously.

Tita Claire gasped. Halos hindi ito makapaniwalang binalingan si papa.

"Kuya, she's manipulating you again."giit ni tita Claire at ngayon ay kay papa na lumapit."Pinapaikot ka nanaman ng babaeng iyan dahil gusto ka niyang gamitan, huthutan ng pera. Katulad noon."paratang nito at matalim na tinignan si mama.

"She's my wife and that will never change, Claire."papa said firmly.

Kusang bumitaw ang kamay ni tita Claire na nakahawak sa braso ni papa.

"Kuya...kami ang pamilya mo."she said, like she was hurt.

"And they are also my family. Alam mo ba kung anong ginawa ng anak mo sa anak ko?"

Nanigas sa kinatatayuan si tita Claire at sa reaction niya palang ay hindi na niya kailangan sumagot. May alam siya! Alam niya!

"Anong ginawa ni Enra, Claire?"si tito Endo na ngayon ay nakisali na din, naguguluhan itong nagpalipat-lipat ng tingin kay papa at kay tita Claire.

Tila takot na napalunok si tita Claire at nag-iwas ng tingin kila papa.

"Claire,"tito Endo called her impatiently."Anong ginawa ni Enra kay Yasha?"

"Endo..."marahan at takot na tawag ng asawa niya.

"Mama,"naiiyak na lumapit at tila nagmamakaawa si Enra kay tita Claire na huwag sabihin ang alam.

Mariing napapikit si tita Claire na parang nahihirapan sa sitwasyon.

"Yasha, anong ginawa sayo ni Enra?"si Enren, he looked at me worriedly.

Taste of YouWhere stories live. Discover now