Chapter 29

2.4K 65 1
                                    

Chapter 29



"Sigurado kang hindi pa nakakaalala iyang si Devon mo?"nakangusong usisa ni Ling saakin.

Kaarawan niya ngayon at inimbitahan niya ako. Kakauwi ko lang kanina sa bahay namin. Tatlong araw din akong nagstay sa bahay ni Devon. At ang lalaki inaaraw-araw ako sa loob ng tatlong araw.

"Hindi pa."sagot ko.

"Ganoon. Hindi halata ah. Tignan mo,"sabay pasimpleng ngumuso sa kinaroroonan nila Devon. Kasama nito sila sir Alec at sila Fox. Ang sabi ni Ling si sir Alec daw ang nagpahanda sa birthday niya kaya naman sinabi niyang puwede ito magimbita ng kaibigan nito dahil ito naman ang gumastos sa lahat. Sa bahay lang nila Ling ginanap. Hindi ganoon kalakihan ang bahay nila Ling pero maayos naman at malinis.

They don't live in a fancy house pero masaya at makulit ang pamilya nila. Mababait ang magulang ni Ling at kami lang nila Devon ang imbitado. Wala naman daw talagang balak maghanda si Ling sa birthday niya, gusto niya lang isang simpleng salo-salo at bukod pa doon ay wala siyang balak mag-imbita ng mga kakilala maliban saakin.

Pero ngayon ay hindi lang basta simpleng salo-salo ang nangyare. Kahit na kakaunti lang naman ang bisita. Ako, si Devon, ang mga kaibigan niya at si sir Alec. Pero ang pagkain parang pang100 kataon ang kakain. At si sir Alec ang gumastos ng lahat ng 'to.

"Nay,"tawag ni Ling kay Aling Nila na siyang ina ng babae."Ibibigay niyo po sa kapitbahay iyang dala niyo?"tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga dala nitong paper bag na siguradong pagkain ang laman.

"Oo. Napakadaming pagkain at kakaunti lang naman tayo dito kaya sinong kakain ng mga sobra?"sagot ng ginang."Ang mabuti pa magbigay tayo sa iba."nakangiting suhestyon ng ginang na kaagad namang sinang-ayunan ni Ling.

"Ako na po ang magbibigay, nay. Doon na lang po kayo sa loob."kinuha ni Ling ang dalang paper bag kay aling Nila.

"Ah, samahan na kita, Ling."presinta ko.

"Sige. Para matour din kita dito sa barangay namin."natatawang tumango saakin si Ling.

"O siya sige at mag-iingat kayo."

"Opo, nay."

Kinuha ko ang isang hawak na paper bag ni Ling at ako na ang nagbitbit nun.

"Hindi naman malalayo ang mga kapitbahay namin. Atsaka hindi na din tayo lalayo dahil gabi na."she said.

Tinanguan ko siya at saka muling bumaling sa unahan.

"Salamat pala sa pagpunta. At sa pagsama sasakin ngayon na maghatid ng pakain sa kapitbahay."she chuckled.

"Salamat din sa pagimbita saakin. Nakakahiya. Hindi ko alam na birthday mo pala ngayon,"napanguso ako."Wala tuloy akong regalo sayo."

Mahina siyang natawa."Ayos lang iyon.  Maging masaya ka lang ayos ng regalo saakin iyon."

"Pero parang ako ang niregaluhan mo nun?"nangunot ang noo ko.

Muli siyang natawa saka napailing. Huminto kami sa labas ng pinto ng kapitbahay nila at kumatok naman si Ling doon.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at bumungad ang isang may edad na babae.

"Ling, ikaw pala!"nakangiting bati ng matanda.

"Opo, la. May kaunting...uh...salo-salo po saamin at ito po..."inabot ni Ling ang plastic sa loob ng paper bag sa matanda."Para po sainyo."

"Naku! Salamat. Bakit may salo-salo sainyo? Birthday mo ba?"

"Opo."

"Ganoon ba! Happy birthday kung ganon. Salamat sa pagkain, Ling. Napakabait mo talagang bata."

"Walang anuman po. Sige po alis na po kami. Salamat din po."

Pagkatapos ay sunod na bahay naman ang kinatok namin. Napansin ko na halos lahat sa kapitbahay nila ay kilala sila at mukhang kaclose nila.

Natapos na naming ibigay ang mga pagkain sa kapitbahay at pabalik na kami sa bahay nila Ling ng may mga grupo ng kalalakihan ang nakasalubong namin.

Pasuray-suray ang lakad at sa tingin ko ay mga nakainom.

"Yas..."humawak saakin si Ling habang ang atensyon ay nasa mga lalaki pa din.

Akala ko ay walang magiging problema at lalampasan na sana namin ang grupo ng mga lalaki ng tawagin nila kami.

Parehas kaming hindi lumingon o huminto ni Ling at sa halip ay binilisan pa namin ang paglalakad pero naabutan nila kami at naharang.

"Teka lang mga miss..."pigil ng isa sakanila saamin."hindi naman kami masasama e. Gusto lang namin kayong makausap. Saan ba kayo papunta?"

"Manong padaanin niyo po kami."pakiusap ni Ling.

"Oo. Padadaanin namin ikaw...pero..."nalipat ang tingin niya saakin at agad akong nakaramdam ng takot. Lalo na sa klase ng pagtitig niya na parang hinuhubaran na ako sa isipan niya."Iiwan mo ang kasama mo."malapad na ngumisi ang lalaki saamin ni Ling.

Maya-maya pa ay malakas na tinuhod ni Ling ang lalaking kausap namin at hinila na ako patakbo paalis nang makakuha kami ng tyempo.

Malapit na kami sa bahay nila Ling pero malapit na din kaming maabutan ng mga humahabol saaming lalaki.

Akala ko ay katapusan na namin kaya laking gulat ko ng mabunggo ako sa kung anong matigas na bagay. Pag-angat ng ulo ko nakita ko ang mukha ni Devon na diretso ang tingin sa mga humahabol saamin na ngayon ay napahinto na din. Sa dibdib pala ako ni Devon nauntog.

Nang lingunin ko si Ling nakita kong hawak na siya ni sir Alec. At sila Devon ay iba na ang dating, madilim ang mga mukha at parang handa ng makipagsuntukan.

"This is all your lucky day."nakangising sabi ni Fox at ang sumunod na nangyare ay nagkagulo na.

Iika-ikang nagsitakbuhan paalis ang mga grupo ng mga lasing na humabol saamin ni Ling dahil wala silang binatbat kila Devon na parang gusto na atang tapusin ang mga nakasuntukan.

"Yas, pasensya kana ah. Hindi naman taga dito ang mga iyon. Ngayon ko lang din nakita ang mga mukha nila. Safe naman talaga dito sa barangay namin. Baka napadpad lang ang mga iyon dito."nag-aalalang paliwanag ni Ling saakin."Ayos ka lang ba?"

"O-oo."napatango ako.

Hanggang ngayon ay hinihingal pa din at abot-abot tahip ng puso dahil sa kaba.

Parang pakiramdam ko ang mga lalaking humahabol saamin kanina ni Ling ay ang mga lalaki din na nagtakang mangrape saakin noon.

"YAS!"

Nagising ako na nasa silid na ako ng bahay ni Devon.

Anong ginagawa ko dito? Paano ako napadpad dito?

"Baby..."napalingon ako sa kabubukas lang na pinto at tumambad saakin si Devon na nang makita akong gising ay agad akong dinaluhan ng yakap."Pinag-aalala mo ko."

"S-Sorry. Ano bang nangyare? Anong ginagawa ko dito?"litong tanong ko sakanya.

"You were trembling right before you collapsed. Mabuti at nasa tabi mo ko kaya nasalo agad kita. May masakit ba sayo?"he explained.

"Wala."umiling ako.

Ilang sandali kaming tahimik hanggang sa magsalita siya.

"Yas..."

"B-Bakit?"

"May nabanggit saakin ang kaibigan mo kanina noong hinimatay ka."he told.

"Ano iyon?"

"May kinalaman sa nangyare sayo noon."

Napalunok ako. Nasabi ko na at naikwento ko na ang totoo kila mama, papa, kay Ling at sa buong pamilya ko. Ngayon na naaalala ko ang bagay na iyon hindi ko pa pala nasabi kay Devon ang totoong rason kung bakit nakipaghiwalay ako sakanya noon. Matagal na niya akong tinatanong tungkol doon at ngayon na sa tingin ko ay kaya ko na at handa na ako ay hindi naman niya ako naaalala.

"Ah...ano naman daw ang nangyare saakin noon?"

"I don't know. You tell me..."sumeryoso ang mukha niya."Bakit hindi ikaw ang magkuwento saakin?"

Taste of YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz