Chapter 12

2.2K 73 1
                                    

Chapter 12



Natigil ako sa paglalakad at nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon.

"E-Enra."

"Hi. What's with your face? Para kang nakakita ng multo."tumatawang tanong niya.

Napalunok ako."I'm...I'm just surprised. Ilang linggo kana kasing hindi bumibisita dito medyo nanibago lang ako."I reasoned out.

Mukha namang naniwala siya at nagkibit-balikat saakin."Well nasa loob ang pamilya ko. Pinag-uusapan nila ang susunod na hearing. And you know..."she said meaningfully. Sinadya niyang hindi tapusin ang sinasabi.

Mabagal akong tumango sakanya hindi pa din inaalis ang tingin sakanya.

Boyfriend ko na si Devon ngayon. At kahit noon ay hindi ako sinaktan o pinagbuhatan man lang ng kamay ni Devon. He is the opposite of the person that Enra is trying to describe.

Nagsisimula na akong maniwala na gawa-gawa nga lang ni Enra ang lahat. Pero kung totoo nga na ganoon she's sick! Sinong taong gagawa ng ganoon para lang makuha ang gusto niya? Handa siyang makasira ng buhay ng iba para lang makuha ang gusto niya. That's pathetic! Hindi ko mapigilan ang pagirap ng mata ko dahil sa inis. How far would she go just to get what she wants?

And what does she want? Si Devon! Pero dahil ayaw sakanya ng binata gusto niyang sirain ito. Ganoon naman siya kahit mga bata pa kami. Kapag hindi niya makuha gusto niya walang ibang makikinabang. She intend to ruin things she can't get. At ngayon wala na siyang pinipili. Akala ko noon mga laruan lang ang sinisira niya kapag hindi niya makuha ang mismong laruan na gusto niya na pagmamay-ari ng iba. Pero ngayon, umabot na siya sa puntong gusto niyang sirain ang buhay ni Devon. Mabuti na lang at hindi lang basta simpleng tao si Devon dahil kung nagkataon ay madali siyang maipapakulong ni Enra.

"Hey! Earth to Yasha!"she snapped her fingers in front of my face that made me blink three times.

"Enra,"

"Yes?"she smiled.

Maganda si Enra at kahit sinong lalaki iyon ang sasabihin but she's a bitch. Wala din itong boyfriend na nagtagal sakanya. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang umaabot ng isang buwan ang mga nagiging nobyo nito.

"Are you really sure that Devon hurt you like what you're claiming in the judge?"I asked her.

Nawala ang ngiti sa labi niya at tila nagulat sa tanong ko.

"What are you saying? And why are you asking me like that?"she eyed me suspiciously. Nang may makita sa akin ay napasinghap siya."D-Don't tell me hindi mo ko pinaniniwalaan? I am your cousin, Yasha! Why would I lie to you and to our family?"she asked in her teary eyes.

"Yasha? Enra?"boses iyon nila papa."Anong nangyayare dito?"nagtatakang tanong ni papa.

"Tito!"tumakbo si Enra kay papa at niyakap ito.

Niyakap naman pabalik ni papa si Enra at nagtatanong akong binalingan.

I just shooked my head and sighed.

"Si Yasha po, tito."sumbong ni Enra.

She is always like that. Palagi siyang nagsusumbong kay papa na minsan ay nakakairita na lalo na at hindi na kami mga bata. Tapos kung umasta siya ay akala mo siya ang anak ni papa na parang gusto niyang siya ang kampihan ni papa kaysa saakin na anak ni papa.

"I just asked her if she's really telling the truth."ako na mismo ang nagsabi. Nakita kong nagulat si Enra sa pagiging prangka ko sa harap ng pamilya namin."I mean if she would tell us all the truth edi matatapos na ang lahat ng ito. Tayo na lang palagi ang laman ng balita."naiiling na sabi ko na parang nauubusan na ng pasensya sa lahat ng nangyayare.

Taste of YouWhere stories live. Discover now