Chapter 31

2.9K 91 4
                                    

Chapter 31



"Oops! One wrong move and I'll kill him."natigilan ako sa paghakbang at paglapit kay Devon ng may lalaking nasa gilid at may hawak na baril.

Devon on the other side, breathing heavily, duguan habang nakasandal sa dulo ng kama.

"Devon,"I cried."Who are you? Ano bang kailangan mo? Why are you doing this?"umiiyak na tanong ko sa lalaki.

May resemblance sila ni Devon. Pero walang nasabi saakin si Devon na may kapatid siya o kahit na ang tungkol sa pamilya niya. Ngayon ay napapaisip ako kung nasan ang pamilya niya at kung sino ang lalaking ito?

"H-Huwag mong idamay s-si Y-Yasha dito."nahihirapang nagsalita si Devon at nag-angat ng tingin sa lalaki. Doon ko nasilayan ang mukha ni Devon, duguan iyon!

"Devon,"mas lalo akong napaiyak. Ano bang nangyayare?

"I'm sorry little brother of mine but your girlfriend is now part of this."malademonyong ngumiti ang lalaki na parang wala na ito sa katinuan."She's precious to you kaya naman dapat mawala siya. Hindi ko hahayaang maging masaya ka."

"L-Little B-Brother?"litong tanong ko. Nalipat saakin ang atensyon ng lalaki at tila hibang na tumawa.

"You didn't know?"he smiled creepily. His smile is way more creepy than Devon."Hindi ba naikuwento sayo ng kapatid ko na may kuya siya?"he asked, licking the side of his lips as he glance over Devon."Malamang hindi niya din naikuwento sayo kung paano niya pinatay ang mga magulang namin?"he laugh crazily.

Nang huminto siya sa kakatawa ay sumeryoso ang mukha niya.

"P-Pinatay?"

Inosente itong tumango saakin."Yes. Pinatay ni Devon ang magulang namin."

"N-No. Hindi magagawa iyon ni De——"

"HE DID!"malakas na sigaw niya. Sa nanlilisik na mata ay muli niya akong tinignan."HE KILLED OUR PARENTS!"galit niyang sabi.

Bumaling ako kay Devon."Devon..."

"He's a monster, Yasha..."ngumisi ang kapatid ni Devon saakin."And you can't love someone like him right?"

Sa sobrang gulat at takot ay wala ng boses ang lumabas sa bibig ko ng magsalita ako.

"Paano ba yan, Devon? She already knew your secret."binalingan niya si Devon at humalakhak."You'll lose her for good this time."

Hindi umimik si Devon at nanatili pa ding nakayuko.

"Cat got your tongue, huh?"nanunuyang tanong nito kay Devon."Asan na ang pinagmamalaki mong girlfriend? Sa tingin mo kapag nalaman niya ang totoo hindi ka niya iiwan? You're a monster, little brother. No one's gonna accept you and that means no one will love you as well. Kaya gumising ka na sa kahibangan mo. May bahid ng dugo ng magulang natin ang kamay mo at hindi iyon mabubura kahit ilang beses mo pang hugasan ang mga kamay mo."

Did Devon really killed his parents? Why? Bakit niya gagawin iyon?

Pero kaya nga ba talaga niyang gawin iyon?

Nagtiwala noon saakin si Devon. He trusted me and waited for me to open up to him. He was always there for me. Alam kong mali ang pagpatay pero siguradong may rason siya kung bakit niya iyon nagawa.

Mariin akong pumikit at inalala ang Devon na nakilala ko at minahal ko.

Nang magmulat ako ay matapang kong sinalubong ang lalaki na nakangisi.

"Nagkakamali ka. Mahal ko si Devon. At kahit ano pa ang nalaman ko...pipilitin kong intindihin iyon dahil mahal ko siya at mananatili ako sa tabi niya."matapang na sabi ko."Devon is always there to save me, help me and love me. Kaya naman kung dumating ang oras na ako naman ang kailanganin niya sisiguraduhin ko na hindi ko siya tatalikuran. Ipinangako ko iyon sa sarili ko. Hindi na ako tatakas sa problema at haharapin ko iyon. I want to fight for him, for us."

Taste of YouWhere stories live. Discover now