Chapter 18

2.1K 72 0
                                    

Chapter 18




Walang sinabi saakin na kahit ano si Devon ng ihatid niya ako sa bahay. He just kissed me on my forehead and left.

Hindi ko alam kung ano na ang status namin. I didn't totally broke up with him pero parang ganoon na din iyon?

"Ang tamlay mo? What happened to you?"usisa ni Ling saakin.

"Wala. Ah, pagod lang siguro."I reasoned out.

"Ganoon ba? Gusto mo kape? Ibibili kita?"nakangiting alok niya saakin.

"Thank you."I smiled at her.

"Welcome. Atsaka namiss din kita e. Parang ang tagal mong nawala sa kompanya kahit na dalawang araw lang naman."she said.

Pagkatapos ng nangyare saamin sa taxi ay napagdesisyunan namin na huwag na iyong pag-usapan pa at kalimutan na lang. It was surely traumatic at parehas kaming nagdesisyon na kalimutan na lang. At sa susunod hindi na kami sasakay ng taxi. We'll just ride a bus o kahit ano basta hindi na taxi. Iyong maramihang pasahero na ang sakay.

But the best solution I got is to always bring my car. Iyon pa naman ang unang beses na nagtaxi kami ni Ling tapos iyon pa pala mapapahamak pa kami.

"Ling!"nagulat ako ng humahangos na dumating ang boss namin at walang sabi-sabing niyakap si Ling.

Natigilan at gulat na gulat naman ang reaction ni Ling sa ginawa ni sir Alec na pagyakap sakanya.

"I heard what happened. God! Are you okay now? Did he hurt you? Tell me?"punong-puno ng pag-aalalang tanong ni sir Alec sakanya pero iling lang ang sinagot ni Ling sakanya at binigyan ng distansya ang mga katawan nila.

"Ayos lang ako, sir."she answered in her formal tone.

Parang natauhan doon si sir Alec at doon lang napalingon sa paligid na ngayon ay pinagtitinginan na silang dalawa pero parang wala lang iyon kay sir Alec at focus siya kay Ling.

"I was worried. I'm sorry."hinging paumanhin ni sir Alec dahil kita ko ang pagkadisgusto sa mukha ni Ling dahil sa atensyong nakukuha nilang dalawa ngayon sa mga tao sa paligid.

"Hindi mo kailangan mag-alala, sir. Boss kita at sana alam mo ang limitasyon mo sa mga empleyado mo."malamig na wika ni Ling at akmang aalis na ng pigilan siya ni sir Alec at hinawakan sa braso.

"We both know we are more than being a boss and employee relationship, Ling."

Ling just shrugged her shoulders."Hindi ko alam ang sinasabi mo sir Alec. Bibili lang po ako ng kape."paalam ni Ling pagkatapos ay umalis na pero sinundan din siya ni sir Alec hanggang sa mawala na sila sa paningin namin.

Mukhang hindi pa naman nakakamove on si sir Alec kay Ling?

Pero sa kuwento ni Ling...galit na galit si sir Alec sakanya at hindi na siya nito kinausap at lumipas na ang ilang taon at wala na silang komunikasyon.

But that's not what I see...

I turn off my phone when we got out from work. Baka kasi magtext si Devon at iniiwasan ko siya. Bukas ay bibili ako ng bagong sim.

"Daan tayo sa resto? Kain tayo? Libre ko."Ling winked at me.

"Resto? Pero hindi ba may karinderya ang mama mo? Bakit hindi na lang tayo doon?"suhestyon ko.

Napakamot naman siya sa batok na parang nahihiya."Nakakahiya naman kung doon kita dadalhin, Yas. Ang yaman-yama mo tapos sa isang karinderya lang kita aayain? Atsaka pasasalamat ko na din 'to kasi palagi mo kong pinapasakay sa sasakyan mo at dahil ikaw ang only one bestfriend ko."

"It's fine. Parehas namang pagkain ang sineserved sa resto at karinderya e."

"Pero kahit na. Iba pa din sa resto. Sosyal doon at may aircon. E sa karinderya namin hindi pa updated doon. Maiinit dahil walang aircon. Atsaka baka hindi ka sanay sa ganoong lugar dahil hindi ka naman pumupunta doon."she reasoned out.

"Don't worry about me. I'm pretty much sure it'll be fine."paninigurado ko sakanya.

"Nakakahiya talaga, Yas."she pouted.

"Huwag kang mahiya saakin."mahina akong natawa at napailing."I'm your one and only best friend right? Atsaka gusto ko ding matikman ang luto ni tita."

"Sige na nga."she chuckled."Mapilit ka e. Pero pag hindi ka komportable sa ganoong lugar sabihin mo saakin at doon na lang tayo sa bahay namin malapit lang naman iyon doon e."

"Sige."

Paglabas namin ng building ng VG Firm.

Parehas kaming natigilan ng makita namin si Sir Alec at si Devon!

Pagkatapos ay huminto sila sa tapat namin.

"Devon,"

"Alec,"

Sabay na banggit namin sa pangalan nila.

"Anong ginagawa mo dito, Devon?"

"Sinusundo ka."sagot niya.

"E ikaw, sir Alec anong ginagawa mo dito?"tanong naman ni Ling.

"Ihahatid kita pauwi."

"Ano!?"react ni Ling."Hindi na kailangan. Sasabay ako kay Yas."she told.

Napasulyap naman saakin si sir Alec."Hindi ka niya maihahatid. Nandito si Devon."

"Edi magcocommute na lang ako."

"That's dangerous! Simula ngayon ihahatid sundo na kita kaya wag ka ng sumabay kay Yas."anunsyo ni sir Alec na nagpanganga kay Ling pero agad din nakabawe ang babae.

"Ano? Ayoko! Baka kung anong sabihin sa VG Firm pag nalaman nilang ikaw ang sumusundo at naghahatid saakin."mariing tanggi ni Ling.

"Wala kong pake sa sasabihin nila. Gusto mo ianunsyo ko pa sa buong building ko na hinahatid at sinusundo kita e."

"Baliw ka ba!? Bakit mo gagawin iyon? Baka isipin nila may relasyon tayo."naiinis na sabi ni Ling.

"Edi isipin nila. Buti nga iyon para hindi ka na inaaligid-aligiran ng ibang lalaki."

"Aba't!"Ling rolled her eyes.

"Halika na. Ihahatid na kita. Devon, Yas una na kami sainyo."paalam ni sir Alec at hinila na paalis si Ling na wala ng nagawa.

"Ikaw, Devon bakit andito ka pa?"I asked Devon when he's still standing in front of me.

"Andito ka pa din e."simple niyang sagot.

"Dala ko ang sasakyan ko kaya hindi ko na kailangang sumabay pa sayo. Salamat pero makakauwi kana."I smiled politely.

"I didn't say I'll take no for an answer."he shooked his head.

"Devon..."

"Please let me do this. Boyfriend mo pa din naman ako diba?"he sounded begging.

"A-Ano?"

"Ayokong iwan mo ko, Yas. Iniwan mo na ko nuon at hindi ko hahayaang mangyare ulit iyon."

"Pero, Devon."

"Yas, please. Papatunayan ko sayo na wala akong kinalaman sa nangyare kay Enra. So please be with me. Stay with me. Nasanay nanaman ako ulit sa presensya mo. Hindi ko na kaya kung mawawala ka nanaman."

Taste of YouWhere stories live. Discover now