Chapter 9

2.3K 79 0
                                    

Chapter 9



"Si Mr. Au ba iyon, Yas?"sabay turo ni Ling sa itaas, kung nasan ang mga VIP.

Nangunot ang noo ko at pinakatitigan ang tinuturo ni Ling."Si Mr. Au nga!"siguradong sabi niya."Teka...sino iyong babaeng kasama niya?"nakataas na kilay na tanong ni Ling saakin.

"Si Anne."sagot ko ng makilala ang babae na kausap ni Devon sa itaas. She's a supermodel! Bukod pa doon galing ang babae sa mayamang pamilya.

"Anne?"she said suspiciously."Grabe ang ganda niya! And here is your cousin accusing him of doing horrible things to her! E ang daming babaeng nagkakandarapa pa din kay Mr. Au."

Dapat ngayon kami magkikita ni Devon katulad ng sinabi niya kaninang umaga. Because he said we need to talk about us! But then again he told me on the phone that he have a sudden business meeting...sa club? Really? Kasama ang supermodel na iyon?

Wala sa sarili akong napailing. Hindi na dapat ako umasa. He didn't mean it. Sinabi niya lang ang mga iyon kaninang umaga ay para kumalma ako dahil may nangyare saamin and he was my first! Siguro akala niya ay magooverreact ako at magwawala dahil doon. That's his way of consoling me but he really didn't mean every words he say.

Mabuti na lang at inaya ako ni Ling na samahan siya pumunta sa isang birthday party kaya agad na napalitan ang disappointment ko kanina ng sinabi ni Devon na hindi kami magkikita ngayon.

Nagpasama saakin si Ling na pumunta sa birthday party ng kabatch ni Ling noong highschool siya at dito sa club ginanap iyon. Hindi naman masiyadong madaming tao ang inimbita nito, puro mga kaclose lang nila, sa tingin ko. Sa tagal ko ng kilala si Ling napansin ko na palakaibigan ang babae kaya hindi nakakapagtaka na madami itong kakilala at kaibigan. I wish my highschool days were like hers. Siguradong masaya ang highschool life nito dahil madami itong kaibigan unlike mine.

Hays...

"Let's not talk about them, Ling."I said.

Tumango si Ling."Sorry. Bihira ko lang kasi makita ang isang Devon Au at nasa iisang club pa talaga kami."mukhang excited si Ling dahil doon.

I smile and nodded at her. Hindi ko naman siya masisisi. Majestic Five is really a well known name, despite the fact that they are beast in business hindi naman maikakaila na parang mga Greek Goddess ang mga ito. Sobra pa sa salitang pinagpala para madescribe ang kagwapuhan at ang kakisigan nila.

"Pero sabagay tama ka. Huwag na natin pansinin baka mahuli tayo. Iyan ata iyong babae na nagkaroon ng issue last month? Oo tama! Naalala ko na. Mataray daw ang isang iyan."pagkukuwento niya."Grabe ganon talaga siguro pag mayaman, may pangit na ugali."komento niya pa.

Nang mapasulyap siya saakin ay parang namutla ang mukha niya."Hindi ka kasali doon ah? Kasi ikaw lang ang nakita kong mayaman na hindi halata e. Sobrang down to earth mo. Hindi ka matapobre at nakikipagkaibigan ka sa dukhang tulad ko."tumawa siya sa huling sinabi.

"Dukha talaga."hindi ko mapigilan ang mapailing sa sinabi niya.

Wala siyang pagdadalawang isip na tumango saakin."Uh-huh! Teka! Nauuhaw ako. Kukuha lang ako ng inumin doon."sabay turo sa bar section.

Akmang tatayo na sana siya ng may tumawag sakanya.

"Ling! Halika may ipapakilala ako sayo!"

"H-Huh? T-teka nauuhaw ako e."napangiwi si Ling.

"Ako na ang kukuha ng inumin mo, Ling."tumayo ako at nginitian sila.

"Really? That's great! Thanks! Andoon lang kami sa kabilang table. Punta kana lang doon ah? Hintayin ka namin!"nakangiting sabi ng babae."Let's go, Ling!"sabay hila kay Ling, ni hindi na nakapalag ang babae.

Taste of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon