Chapter 14

2.2K 68 3
                                    

Chapter 14



"Taxi na lang tayo."Ling suggested. Nilingon ko siya at tinanguan."Sige."

Biglaan kasing nasira ang gulong ng sasakyan ko kaya dinala na lang namin sa malapit na talyer mabuti na lang at may malapit na pagawaan kung saan tumirik ang sasakyan ko kaya hindi na kami masiyadong naabala pa.

Pumara siya ng taxi ng may dumaan at agad namang huminto iyon saamin. Mabuti at walang pasahero dahil rush hour pa naman ngayon.

Wala sa sariling napabuntong hininga ako ng makasakay na kami sa taxi. Nakakapagod ngayong araw sa trabaho. Madaming mga big client ang inasikaso ng firm kaya talagang busy kami. Hindi ko na nga namalayang nalowbat ang cellphone ko kaya hindi ko na macontact si Devon para sabihing pauwi na ako. Ichacharge ko na lang amg cellphone ko pag-uwi ko sa bahay mamaya.

Napakunot ako ng noo nang makita na iba ang dinaanan ng driver ng taxi. Hindi shortcut at mas lalong hindi ito ang daan papunta sa mga bahay namin.

"Ah, manong."tawag ko sa driver ng taxi."Mali ka po ng dinaanan. Dapat po sa kabilang way."sabay turo ko kung saan dapat kami dumaan pero nakalayo na kami doon at hindi ko alam kung saan ang punta nitong tinatahak ni manong driver pero alam ko na may masama siyang motibo lalo na ng nakangisi siyang lumingon saamin ni Ling ay doon na agad ako kinutuban.

Napahawak sa kamay ko si Ling na nakatitig na din sa driver at mukhang parehas na din kami ng iniisip.

"Kuya ibaba niyo na lang kami. Dito na lang kami."utos ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Madilim na. Kahit natatakot na ako ay tinatagan ko ang boses ko at hindi nagpahalata na nasisindak na ko sa driver.

Nakarinig ako ng click sa magkabilaang pinto ng sasakyan na siyang nagpaalerto lalo saakin.

"MANONG!"tumaas na ang tono ng boses ko. Akmang medyo sisilip ako sa harap ng nilingon niya ako at gamit ang isang kamay ay itinutok niya ang baril saamin ni Ling.

Parehas kaming napasinghap ni Ling sa takot at gulat.

"Wag kayong maingay. Ibababa ko din naman kayo e pag nabigay niyo na ang mga pera niyo saakin at kapag..."nangmamanyak namang tumingin saamin ang driver.

"TULONG!"Ling shouted. Pinukpok niya ang glass window ng sasakyan pero wala naman iyong nagawa.

"TAHIMIK!"galit na sigaw ng driver kaya napayakap kami sa isa't isa ni Ling.

Huminto ang driver sa madilim na lugar.

"Wag kayong magkakamali kung hindi..."banta niya bago lumabas ng sasayan at binuksan ang back seat."Baba!"hinila niya ko dahil ako ang malapit sa pintuan.

"YAS!"Ling cried.

Sumunod na din siya at lumabas na.

"Ling! Takbo!"utos ko sakanya ng magawa ko pang iispray sa mukha ng taxi driver ang alcohol spray na nasa bag ko at naihanda ko kanina nuong kutuban ako ng masama sa driver.

"HUMINGI KA NG TULONG LIN---AHHHH!"napahawak ako sa braso ng driver na ngayon ay nakasambunot na saakin. Matalim ang mga mata habang wala ng nagawa nang tuluyang makatakas at makalayo si Ling.

"Lagot ka saakin!"pagalit niyang sinabi at mas lalong diniinan ang pagkakahawak sa buhok ko na siyang nagpangiwi saakin dahil sa sakit. Kinilabutan din ako sa ginawang pagbulong sa tenga ko ng driver.

Hindi ko alam kung sinong darating para iligtas ako. Impossibleng si Devon dahil hindi naman niya alam na pauwi na ako at mas lalong hindi niya alam kung nasan ako!

Sana ay makahingi ng tulong si Ling. I prayed silently. Please Lord.

Pilit akong hinubaran ng taxi driver at hindi ako makapalag dahil tinutukan niya ako ng baril.

Taste of YouWhere stories live. Discover now