Chapter 10

2.5K 85 0
                                    

Chapter 10



Ang sakit ng ulo ko ng magising ako kinabukasan. Napabalikwas ako ng upo ng makitang katabi ko si Devon na mahimbing na natutulog.

B-bakit siya ang kasama ko? A-asan ako? Si Ling?

Doon ko lang napansin na wala ako sa kuwarto ko sa bahay kundi sa kwarto ni Devon!

"Are you awake now?"nagmulat ng isang mata si Devon at napapitlag ako ng diretso ang tingin niya saakin."Hindi mo ko pinatulog kagabi."nangingiting sabi niya saakin. Parang good mood. O talagang ganito siya sa umaga?

Mula sa pagkakadapa ay umayos siya ng puwesto at tumihaya.

"A-Ano?"nalilitong tanong ko sakanya. Napatingin ako sa suot ko. I'm wearing his clothes! Wala akong suot na bra at underwear lang ang tanging suot ko panloob.

"A-anong ginawa mo sakin, Devon?"I glared at him.

Mahina siyang tumawa at umupo sa kama."Nothing."sagot niya, this time he's facing me now.

"Why am I wearing your clothes and I'm not wearing my bra."

"You said it's too hot that's why you stripped your dress in front of me."he shrugged his shoulders.

"I...I...WHAT!?"

Nangingiti siyang tumango saakin."Yeah. You heard it right, Yas. You we're naked in front of me last night. Hindi ko alam kung lasing ka lang o talagang balak mong akitin ako."he teased.

Nakakunot noo ko naman siyang tinignan. Wala akong naalala sa kahit na anong sinabi niya kaya hindi ko alam kung totoong ginawa ko nga ba iyon. Pero baka nga! I was so drunk last night. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapunta dito sa kwarto ni Devon e.

"S-Sorry..."nahihiyang sabi ko at napayuko ako."Lasing na lasing ako kagabi. Hindi ko alam ang mga nangyare."paliwanag ko.

"I know."he nodded."But what worried me the most is that you didn't even tell me you're going there. Sinong kasama mo?"nanunuri ang mga mata niya ng magtanong.

Napaiwas ako ng tingin sakanya."Si Ling. Birthday ng kaibigan niya at napadami lang ang inom ko hindi ko namalayan."paliwanag ko. Gusto ko din siyang tanungin kung bakit kasama niya si Anne pero...

"Do we have a problem, Yas?"he sighed.

Mabilis akong umiling at napabuga ng hangin. How should I deal with this? Hindi pa naman ako naging ganito kalapit sa ibang lalaki. Am I jealous? Hindi ko din alam kung bakit naglasing ako kagabi.

"Devon..."alanganing tawag ko sakanya.

"Yes?"he grinned at me.

"Ah, nakita kasi namin ikaw ni Ling e."I gulped nervously."You're with Anne, she's a supermodel right?"I tried to sound casual but I ended up sounding suspicious and jealous.

Ugh! This is harder than I thought!

Mariin akong napapikit at parang gustong saktan ang sarili.

Wala naman kayong relasyon, Yas. Kaya anong pake mo kung may iba siyang babae! Ayan ka nanaman e! Umaasa ka nanaman!

Napabuntong hininga ako at nilingon si Devon."I'm sorry about that. Huwag mo na lang sagutin."

"If you know Anne then I supposed you know her scandal last month?"he asked.

Napatango ako. Hindi ko alam iyon pero nakuwento saakin iyon ni Ling kagabi.

"She just asked for help. Nagkita lang kami doon kagabi. I was really in a business meeting like what I've told you."nanatili saakin ang tingin niya na para bang naghihintay ng magiging reaction ko.

Taste of Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें