Kabanata 49

190 9 10
                                    


*MIGMostPainfulConfession

Art's POV

Hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ang isip ko ng mga nangyari kahapon. Ewan ko ba dapat wala naman na akong pakialam sa kanya eh. Sinabi ko na noon pa sa sarili ko na kakalimutan ko na lamang siya. Pero nang makita ko siya para bang may kung anong pwersa ang tumutulak sa akin na pilitin siyang linawin lahat ng sa amin.

Nandito ako ngayon sa bahay ng amo ni Lilita. Kaharap ko ngayon si Lilita. Nang malaman kong nakabalik na siya eh agad akong pumunta dito. Ilang Linggo rin siyang nasa Isla Sevestre. Ako naman ay hindi magawang pumunta doon dahil sa mga nangyari. Nakaupo kami ngayon sa may garden. May mga upuan at mesang gawa sa bakal doon na may kulay puting pintura.

"Si Daniel yung kausap ko kanina, boyfriend ko."

"Naks una Si James tapos si Joshua then si Ronnie tapos ngayon si Daniel. Ano name ng next Enrique? Miguel?"

"Gagi nagkataon lang yon."

"Nakaapat na jowa ka na sa loob ng sampung taon."

"Samantalang ikaw, siya pa rin ba?"

Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Siya pa rin nga ba? Siguro, ewan, hindi naman siguro ako magkakaganito kung wala na akong katiting na pagmamahal sa kanya 'di ba. Siguro kaya ko lang nasabi ang mga sinasabi ko noon ay dahil sa natakpan ng letter na iyon lahat ng pagmamahal ko. Pero noong muli ko siyang nakita nagbalik lahat.

"Hindi naman ako magkakaganito kung hindi na."

"Ngayong alam mo na si Francine ay si Lia talaga anong next plan mo?"

"Wala,"tugon ko.

"As in wala talaga? Hahayaan mo na lang na makasal kay Alice nang hindi nalilinaw lahat kay Lia? Gugustuhin mo bang habang-buhay balutin ng regrets ang life mo? "

"Siyempre hindi! Pero ano pa bang magagawa ko kung siya na mismo ang nagsabi na kalimutan ko na siya. Dahil siya nga kinalumutan na talaga ako."

"Sigurado ka ba na totoong wala na siya kahit katiting na nararamdaman sa'yo?"

"Meron siguro, galit dahil sa hindi ko matukoy na eksaktong dahilan."

"Kaya nga dapat makausap mo siya nang maayos."

Umayos ako ng upo at nag-isip. Paano ko pa siya makakausap kung palaging ganoon ang ginagawa at sinasabi niya kapag inuungkat ko ang nakaraan namin. "Siguro tama siya. Mag-focus na lang dapat ako sa kasal namin ni Alice. Malapit na rin iyon."

"Naku Artot bahala ka."

"Matututunan ko rin sigurong mahalin si Alice."

"Eh bakit kailangan mo pang mag-aral magmahal kung may minamahal ka naman na?"

"Eh paano kung kahit marunong ka na eh siya naman ang nakalimot?"

"Naku ewan na lang basta feeling ko may feelings pa rin sa'yo si Lia. Sige na marami pa akong gagawin."

"Sige salamat sa oras."

———————

Kahit pa alam kong ipagtatabuyan lang niya ako ay pinuntahan ko pa rin siya. "Oh Art sino hanap mo?"tanong ni Sir Fabriseo.

"Si Francine po ba andiyan?"

"Ay nasa mall siya. Kasama niya yung kaibigan niya."

"Sino pong kaibigan?"

"Nakalimutan ko ang pangalan pero lalaki siya."

Sure naman akong sa Buenaobra malls sila pumunta. Kaya agad na akong nagpaalam kay Sir Fabriseo. Dumiretso ako sa mall nila. Curious ako kung sinong kaibigan ang tinutukoy niya. Mabuti na lang at hindi traffic kaya mabilis akong nakarating doon.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon