Kabanata 60

205 8 15
                                    

*MIGLettingGo

Lia's POV

Nasa sala kami ngayon ng bahay at kaharap ang attorney na may hawak ng last will and testament ni Lolo Fabs. Nasa mahabang sofa kami samantalang nasa harap namin nakaupo sa maliit na sofa ang attorney.

"I'm sure na may idea na kayo kung para saan ang pag-uusap na ito." Bungad ni Attorney Reyes. Nanatili lamang naman kaming tutok ang paningin at pandinig sa kanya. Hawak na niya ngayon ang papel kung saan nakasulat iyon. "Hindi ko na papahabain to. Ang gusto niya ay mapunta ang 70% ng lahat ng ari-arian at kayamanan niya kay Francine Buenaobra. Ang ang 30 percent ay sa mag-amang Axel at Alice Mendoza."

Hindi ko man masyadong kita ang itsura ngayon ng mag-ama, nakakasiguro akong hindi nila nagustuhan ang nangyari. Dahil tama ang hula nila na mas malaki ang makukuha kong mana kay Lolo Fabs.

"Attorney masyado naman pong malaki yon para sa akin. Ayos nga lang po sa akin na wala na eh."

"Pero iyon ang desisyon ng lolo mo. By the way I have to go na. May client pa ako."

Tumayo na ito at naglakad palabas ng bahay. Hawak na ngayon ni Tito Axel ang papel na naglalaman nung last will and testament. Tumayo naman na ako para pumunta kay Art. Maaga akong naligo kanina at inabot yata ako ng isang oras sa banyo. Ilang araw ba naman akong walang ligo. Suot ko ngayon ay simpleng white shirt at black pants.

"Tito puntahan ko lang po si Art." Paalam ko dito kahit pa nandito rin si Alice.

"At bakit mo naman siya pupuntahan? Ikaw ba ang ikakasal sa kanya? Unang-una sa lahat si Alice ang ikakasal sa lalaking pupuntahan mo."

"Magkaibigan lang po kami. At pupuntahan ko siya sa ayaw at sa gusto mo." Tumayo na ito dahil mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Si Alice naman ay masama na rin ang tingin sa akin.

"Alam kong nagkasama kayo ni Art sa isang isla. Nararamdaman kong nagkaayos na kayo o baka nga higit pa doon ang nangyari eh." Hindi na rin nagpaawat pa ang bibig ni Alice. Mag-ama nga sila.

"At Lia anong karapatan mong sagutin ako nang ganyan!" Tama nga ang hinala kong hindi niya nagustuhan ang inasal ko.

"Tito walang masama sa gagawin ko."

"Masama! Alam kong mahal mo pa siya! At hindi ko hahayaang masaktan ang anak ko!"

Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. "Kung ayaw niyong masaktan ang anak mo. Bakit mo pa siya hinayaang ipagpilitan ang sarili niya sa lalaking hindi siya mahal?"

Sa sobrang bilis ay hindi ko na nagawa pang iwasan ang palad niya. Napahawak na lang ako sa kaliwang pisnge. "Noon pinalampas ko ang lahat. Pero ngayong wala na ang pinagmamalaki mong lolo malaya na akong ilabas ang tunay kong ugali! Ayaw ko sa lahat yung sinasagot ako na para bang  kayang-kaya lang ako!"

"Totoo lang po ang sinabi ko, TITO!"
Pagkasabi ko nun ay mabilis na akong naglakad palabas. "Manong tara na,"sambit ko sa driver.

Gusto kong ipakita sa mag-amang yon na hindi nila ako kayang sindakin. Kahit pa narinig ko ang usapan nila kagabi tungkol sa plano nilang pagdispatya sa akin. Hindi ko hahayaang mangyari yon!

"Pasok ka,"aya ni Art sa akin. Andito ako ngayon sa bahay nila. Ngayon na lang ulit ako nakarating dito.

Kanina habang nasa biyahe ay tinawagan ko siya. May extra phone naman ako kaya hindi na ako bumili pa. Sayang nga lamang iyong mga nakasave doon sa cellphone kong isa. Kaya nalaman kong nakauwi na sila dito. Ngayon na lang ulit kami magkakaharap ng Dad niya.

"Lia nalaman ni Dad na pupunta ka dito. Gusto ka raw niyang makausap. Nasa kwarto siya ngayon."

Sinamahan niya ako paakyat sa kwarto ng Dad niya. Kahit may pagaalinlangan ay pinilit kong tapangan.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon