Kabanata 56

183 8 11
                                    

*MIGStrandedHeart

Lia's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw sa aking mukha. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas upang bumangon. Idagdag pa na basang-basa ako. Marahil ay sa dagat kami nahulog matapos sumabog ang eroplanong sinasakyan namin. Muli ko tuloy naalala ang nangyaring pagsabog. Daig pa iyong isang napakasamang panaginip. Pero dahil sa sitwasyon ko ngayon malinaw na hindi lang iyon panaginip. Totoo ang pagsabog na iyon.

Naramdaman ko na may kung anong bagay na nakakabit sa braso ko. Napatingin ako sa bandang iyon at nakita kong nakaposas pa rin ako sa buwiset na lalaki. Nakakainis na sa lakas nang pagsabog na iyon ay hindi pa nakalas ang pagkakaposas namin. Naupo ako at doon ko napagtanto ang kinaroroonan ko. Nasa isla kami ngayon at hindi lang ito basta isla. Ito ang islang kinalakhan ko. Nakaramdam ako nang kakaibang tuwa. Para bang nakalimutan ko ang panghihina at mga sakit sa katawan ko dahil sa napagtanto ko.

Napatingin naman ako kay Art na ngayon ay walang malay. Ginalaw- galaw ko siya para magising ngunit walang nangyari. Doon ko rin napansin na tila ba wala na itong hininga. Nakaramdam ako nang matinding takot dahil doon. Muli ko siyang ginalaw sa buong katawan ngunit wala pa ring nangyayari.

"Art gising,"naiiyak ko nang sambit. Kahit pa inis ako sa kanya naging malaki rin naman ang bahagi niya sa buhay ko. At hindi ko itatanggi na hanggang ngayon mahal ko pa rin talaga siya.

Dahil sa sobrang takot ay nanginginig ako habang ginagawa ko ang CPR. Kahit papaano ay may kaunting kaalaman na ako tungkol dito dahil noong nag-aaral kami ay tinuruan kami nito. Gamit ang pinagpatong kong dalawang kamay ay itinuon ko ito sa dibdib ni Art. Medyo mahirap kasi nakaposas ang isa kong kamay sa isa niyang kamay.

Paulit-ulit ko lang ginawa ang mga step na nalalaman ko. Pati na nga ang pag-mouth to mouth resuscitation. Wala na akong pakialam pa basta mabuhay lang ang bugok na to. Pero ito naman at hanggang ngayon wala pa ring pagbabago. Hindi ko na napigilan pa ang maluha. Ang lalaking minsan nang naging bahagi ng buhay ko. Ang lalaking akala ko noon ay makakasama ko nang habang buhay.
Ang lalaking mapapangasawa ng pinsan ko. Ay ang lalaki ngayong wala ng hininga sa harapan ko. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Wala na siya!

Tumingin na lang ako sa karagatan. Wala na yata akong lakas upang mabuhay. Tapusin ko na lang din ang buhay ko ngayon. Sobrang bigat na ngayon ng pakiramdam ko. Bawat paghinga ko ay mistulang hinahabol sa sobrang sunod-sunod at malakas.

"Lia,"dinig kong tinig. Kinabahan ako dahil baka multo na iyon ni Art at gusto na akong isama. Bigla tuloy akong natakot. Joke lang naman kasi ang iniisip ko kanina. Hindi pa ako handang mamatay. Nanatili lang ang mga mata ko sa dagat. Ayokong lingunin ito dahil natatakot ako. Buong buhay ko ngayon pa lang ako makakakita ng multo pag nagkataon. At iyon ang bagay na hindi ko kailanman pinangarap.

"Art marami pa akong pangarap sa buhay. Kung akala mo natupad ko na lahat yon. Mali ang akala mo. Kaya please lang wag mo akong isama. Hindi pa ako ready mamatay Art."

Nagulat naman ako nang marinig ko ay tawa. Teka tumatawa rin ba ang multo? Eh malamang noh. Sandali ibig bang sabihin ng tawa niyang iyon hindi siya papayag na hindi ako sumama?!

"Pinagsasabi mo jan?"tanong nito. Doon na ako lumingon sa kanya. At isa akong malaking tanga na paniwalaang multo na iyong nagsalita. Akala ko patay na talaga ang aswang na to!

"Buhay ka pa pala?"

"Bakit ano bang akala mo?"

"Akala ko patay ka na buwiset ka!"

"Patay na nga ako actually."

"Huhh?"

"Patay na patay sa'yo."

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon