Kabanata 5

382 20 8
                                    

*MIGUnderTheCareOfLia

Lia's POV

Maaga ako nagising dahil pupunta raw kami ni Art sa mall. Walang paglagyan ang aking saya sa mga oras na ito. Agad akong lumapit sa kulungan ni Arli. Bigla itong humuni ng makita ako.

"Good morning Arli,"masaya kong sambit.

Agad akong lumabas ng kuwarto at pumunta sa kusina. Magluluto ako ng almusal. Mayroon pa namang hotdog sa ref. Sa totoo lang ngayon pa lamang ako nakakatikim ng mga ganitong pagkain. Pero ang totoo niyan mas masarap pa rin ang mga gulay na tanim ni lola.

"Sir Art kakain na,"sigaw ko habang hinahain ang pagkain. Nagsangag ulit ako ng bahaw. Ang liit kasi kumain ni Art takot sigurong tumaba. "Sir nakahain na po,"muli kong sigaw.

Nakailang sigaw pa ako ngunit walang sumagot. Kaya naman kinabahan ako. Agad akong pumasok sa kuwarto niya. Mabuti na lamang at hindi iyon nakakandado.  Nakita ko si Art na nakatalukbong ng kumot niya. Mukhang giniginaw ito dahil nanginginig pa siya. Mabilis akong lumapit sa kanya at inalis ang kumot na nakabalot sa kanya. Hinawakan ko ang noo niya at sobrang init nito. Pati na ang leeg niya ang parang may baga.

"Sir nilalagnat kayo,"natataranta kong sambit.

Hindi naman siya makapagsalita. Nagtaka lang ako dahil dun. Nawawalan ba siya ng dila pag nilalagnat. Mabilis akong lumabas ng kuwarto niya para kumuha ng bagay na makapagpapababa ng lagnat niya.

Dala ang maliit na planggana na binili niya noong nakaraan may laman iyong maligamgam na tubig. Hawak ko ang telang ipupunas sa kanya. Ipinatong ko iyon sa ibabaw ng kama niya. Isinawsaw ko na ang tela sa tubig. Matapos kong pigain ay inumpisahan ko na siyang punasan.

————

Nagluto muna ako ng lugaw para kay Art.  Makakatulong yun sa kanyang agarang paggaling. Mabuti na lamang ay may gamot pala dito. Sinabi sa'kin kanina ni Art. Matapos ko siyang punasan ay nagising siya. May mga gamot daw siyang nabili at nakalagay iyon sa ibabaw ng refrigerator. Mabuti na lamang at alam ko na yun. May garapon nga sa ibabaw ng refrigerator. At dahil hindi ako marunong magbasa ayon dinala ko yung garapon mismo. Siya na lang maghanap.

"Sir Art kain po kayo ng lugaw para makainom kayo ng gamot pagkatapos." Sambit ko habang pinapatong ang munting mesa sa ibabaw ng kama niya. Nakapatong dun yung isang mangkok na lugaw.

"Ano yan?"tanong nito.

"Lugaw Sir Art,"sagot ko.

"Masarap ba naman yan?"

"Sobra pa sa sobra Sir Art."

"Eh wala akong ganang kumain eh."

"Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot."

"Eh makakainom naman ako ng gamot ah kahit hindi ako kumain."

"Hay naku Sir Art makakasama yun sa tiyan niyo. Kung gusto niyo subuan ko pa kayo."

"Talaga willing I mean sigurado kang susubuan mo ako?"

"Kung yun ang tanging paraan para kumain kayo bakit naman hindi?"

Agad kong kinuha yung mangkok. Naupo na siya sa kama at pinanood ang ginagawa ko. Inilapit ko yung maliit na mesang kahoy sa tapat ko. At nagumpisa na akong subuan siya. Muli sana akong sasandok ng lugaw nang bigla niyang hawakan ang  kamay ko.

"Ako na para akong bata eh." Inagaw niya yung mangkok sa'kin. At nagumpisa ng kumain mag-isa.

"Sige kuha lang akong tubig nakalimutan ko eh."

Agad akong lumabas ng kuwarto niya at tumigis ng isang basong tubig sa pitsel na nasa ibabaw ng mesang kainan. Pagbalik ko sa kwarto ay naubos na niya yung lugaw. Ibang klase ha ang bilis niya kumain.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon