Chance to Move On

131 5 9
                                    


*USOAPartFour

Dahil gusto ko munang magpakalayo, umalis muna ako sa bahay. Hindi na ako nagpaalam pa kay Dad. Kaunting gamit lang ang dinala ko. I just want to go away from this life. I want to forget all the pain. Along the way muli kaming nagkita ni Arthuro. Uuwi din siya sa Isla Selvestre kaya naisip kong sumama na rin. Sa pagbabalik namin sa Isla Selvestre doon langnamin nalamang wala na si Mang Bernardo at Aling Perla. Sa sobrang busy namin ay hindi na kasi namin naisip na bumalik dito. Kaya nang malaman ko mula sa ilang kapitbahay nila ay sobrang nagulat at nalungkot ako. Kahit maikling panahon ko lang sila nakilala ay napamahal na ako sa kanila.

Doon muna ako tumuloy sa bahay nila Arthuro. Kasama niya doon ang nanay at tatay niya. Ang iba niyang mga kapatid ay nagsipag-asawa na. Kaya siya na lang talaga ang pinakamaasahan ng kanyang mga magulang. Natatawa nga ako dahil napagkamalaan pa akong  asawa ni Arthuro ng parents niya. Mabait naman ang parents niya. Kahit nga saglit ko pa lang sila nakikilala ay parang sobrang tagal na. Sobrang welcome na welcome na nila ako as a member of their family. Ewan ko ba hindi ko maiwasan ang mapangiti da tuwing sasabihin nila na boto sila sa'kin para kay Arthuro. Kahit na wala naman akong feelings kay Arthuro ay iba ang epekto sa'kin nun. Minsan lang kasi may magkagusto sa'kin. Karamihan sa mga nakilala ko ay hindi nagugustuhan kung sino ako.  May iba na ang nice pag kaharap ako pero pag tumalikod na ako, then the backstabbing starts.

Ilang araw na ang lumipas nang muli akong bumalik dito sa isla. Naging maayos naman ang stay ko because of Arthuro. Kahit na medyo naiinis ako sa kanya ay hindi ko maitanggi na napapangiti niya ako dahil sa mga gimik niya. Nitong nakaraang araw nga ay bigla niya akong inaya sa kung saan. Yon pala may inihanda siyang surprise. Naglagay siya ng mesa sa tabing dagat at nilagyan ng kung ano-anong designs. Puting cover with matching rose petals sa ibabaw. Andun na rin ang naging dinner namin nang gabing iyon. May patugtog at sayaw pa kami. Naalala ko tuloy ang kwento ni Lolly na nagawa na rin iyon ni Art kay Lia. Pero hindi ko malilimutan ang sinabi niya sa'kin ng gabing iyon habang kami'y sumasayaw.

"Alice, alam kong hanggang ngayon si Art pa rin ang mahal mo. Na kahit na anong gawin ko hindi mo  magagawang suklian ang pagmamahal ko.  Kung puwede nga lang maging ako si Art pero imposible namang mangyari yon di ba." Emosyonal niya iyong binigkas habang ang dalawang kamay ay nasa baywang ko. "Pero ito ako hanggang ngayon umaasa. Umaasa na posible mo rin akong mahalin gaya ng pagmamahal mo kay Art."

"Arthuro I'm sorry," yon lang ang katagang nasambit ko. Nahihirapan na ako ngayong tingnan siya sa mga mata. Para bang ano mang oras mula ngayon ay papatak na rin ang mga luha ko.

"Wag kang mag-sorry. May mga bagay na mahirap ipilit dahil sa huli  makakasakit o masasaktan lang din tayo. Kung hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa'kin tatanggapin ko. Magiging masaya ako kung saan ka sasaya."

"Hindi,"mabilis kong tugon. "Just give me some time para makapag-isip. Gusto ko munang makasigurado sa nararamdaman ko. Ayokong sumugod agad sa giyera na hindi ako sure. But I have a question. Can you wait for me until that time came?"

"Oo naman. Ilang years na nga akong naghihintay eh. Handa akong maghintay hanggang sa tamang panahon na yon."

"Thank you,"tugon ko. Bigla siyang bumitaw sa baywang ko at niyakap ako nqng mahigpit. Hindi ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.

Ayoko siyang saktan o paasahin. Nagsabi naman ako sa kanya nang totoo. Hindi pa nga lang talaga ako sure kung itong nararamdaman ko ba ay kagaya na ng iniisip ko o ano. Basta ang gusto ko lang sa ngayon ay makapag-isip. Aaminin ko may kunti pa akong nararamdaman for Art pero at some point pakiramdam ko may nararamdaman na rin ako para kay Arthuro. At yon ang bagay na gusto kong masiguro.

Sa pagbalik ko hindi inaasahan ang malalaman ko. Hindi ko alam kung imbento lamang ni Lia ang lahat ng yon o ano. Pero may video na siya na malinaw na malinaw. Na hindi atake ang ikinamatay ni grandpa. Sadya siyang pinatay ni Dad!

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon