Kabanata 10

311 16 16
                                    

*MIGHiddenFeelings

Lia's POV

Hindi muna sumama si Art sa pangingisda kaninang madaling araw. Baka raw kasi himatayin na naman. Ewan ko ba sa lalaking ito marami namang inuming tubig hindi uminom. Ayan tuloy natutuyuan na.

"Sige mauna na ako Art ha kaw na bahala jan sa bahay." Paalam ko dito habang lumalabas. Nakahiga pa rin ito sa papag.

"Wag ka na rin kaya muna magtinda."

"Art hindi na nga ako nakapagtinda kahapon pati ba naman ngayon. Ano pa ang kikitain ko nito?"

"Sorry,"sambit nito.

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad okay. Hindi ka customer noh."

Agad na akong pumunta kay Aling Perla upang kumuha ng paninda. Naabutan ko roon si Lolly na puro tsismis na naman.

"Alam mo Aling Perla feeling ko si Raul na talaga ang forever ko."

"Forever ka jan! Eh naiirita na nga yun sa kadaldalan mo. Saka wala nga yun balak ligawan ka maging forever mo pa kaya."

"Ang nega mo talaga Aling Perla."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Eh ikaw lang naman itong palaging dikit kay Raul eh."

"Pangit po ba ako?"

"Hindi naman sakto lang."

"Grabe ha."

"Ikaw Lolita trabaho muna ang atupagin mo. Wag mo muna isipin yang lovelife na yan masyado pang maaga para diyan. Baka pagsisihan mo pagdating ng araw na nag-asawa ka agad."

"Oh andito na pala si Lia."

Agad niyang binitbit ang dalawang bilao na naglalaman ng tuyo at tinapa iniabot niya ito sa'kin. Kinuha niya naman ang dalawa pang bilao na naglalaman naman ng biniklad at tinapa rin.

Nasa palengke na kami. Nakaupo ako habang nambubugaw ng langaw na dumadapo sa paninda namin. May sariling pwesto naman si Aling Perla dito. Hindi na raw niya kinakayang magbantay dahil sa palaging sumasakit ang likod niya. Nang may lumapit ay agad na pinagbentahan iyon ni Lolly.

Kinuha ko muna ang cellphone ko. Nakakatuwang marunong na akong gumamit nito. Tinuruan na ako ni Art bukod sa pagbabasa,pagsusulat at english. Kahit papaano ay marunong na akong magtype dito. Mabagal nga lang hindi tulad ng ibang bihasa na.

Ako: Uy kumusta ka jan?
Kumain ka na ba?

Art: Oo nagluto
ako ng itlog

Ako: Goodjob

Art: Abaw umienglish
ka na ha

Ako:Siyempre
magaling ang teacher
ko eh.

Art: haha miss na kita
asawa ko

Natigilan ako dun sa sinabi niya. Ang sarap makita ang mga katagang iyon. Na para bang iyon ang ang pinakamagandang salita dahil nagmula sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasan ang isiping siya ang maging kabiyak ko balang araw. Na para naman sa'kin ay malabo. Hanggang pagpapanggap lang kami siguro.


Ako: Hindi kailangan yan
Wala naman nakakakita.

Art: Ayos lang yan
Para masanay
na tayo.

Ako: Masanay ka jan.
Loko ka! Sige na.

Art: Ambilis naman
uspa pa tayo.
Tawagan kita gusto mo?

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon