Kabanata 59

203 7 14
                                    

*MIGBackToPainfulReality

Art's POV

Nagising ako sa sinag ng araw sa aking mukha. Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Nakahiga siya sa braso ko habang nakayakap sa akin. Nakasuot na siya ngayon ng damit at ako ay hindi pa. Napapangiti na lang ako kapag naaalala ko yung kagabi.

Gumalaw siya senyales na siya ay gising na. Ngumiti siya nang magtama ang aming mga mata. "Ngiti-ngiti ka jan?"

"Masaya lang ako na hindi pala panaginip ang lahat,"tugon ko.

"Ako rin ang saya sa pakiramdam na magising akong katabi ka."

"Don't worry pagbalik natin sa Manila wala ng makakahahadlang sa'tin. Ipaglalaban kita kahit kanino pa."

Naupo na kami parehas at humarap sa isa't-isa. "Natatakot lang ako dahil may mga taong masasaktan natin." Hinawakan ko ang kanyang mukha at tiningnan nang diretso sa mga mata.

"Wag kang matakot. Sigurado naman akong maiintindihan din nila tayo."

"Paano kung hind—"

"Shesshhhh wag muna nating isipin yan. Ang mahalaga ang ang tayo ngayon. " Niyakap ko siya pagkasabi nun.

Ang tanging gusto kong iparamdam sa kanya ngayon ay kaya ko siyang ipaglaban. Handa akong gawin lahat para sa kanya. At walang kahit na sino ang makakahadlang sa'min this time.
Sa ngayon kahit  hindi pa ako handang makabalik sa Manila umaasa ako na may makapagliligtas sa amin.

—————

Nasa tree house kami ngayon at magkatabi. Nakatingin lang kami sa kung saan at pini-feel ang masarap na simoy ng hangin. Perfect moment kumbaga pero sa kabila ng lahat ay nandito pa rin talaga kami at stranded. Hindi namin alam kung makakaligtas pa ba kami o ano. Pero kagaya ng palagi kong sinasabi—ang mahalaga ay magkasama kami.

"Lia anong first impression mo sa'kin?" Napatingin naman siya sa akin at ngumiti.

"First impression ko sa'yo? Ahmmm masungit, mayabang at—"

"Teka bakit puro negative?"

"First impression nga di ba? Saka iyon naman talaga. So ikaw anong first impression mo sa'kin."

"Baliw,"tugon ko.

"Alam mo ang judgmental mo rin noh?! Dahil lang sa suot ko at itsura."

"Pati sa mga sinasabi mo."

"Hay kamiss yung mga panahon yon. Mga panahong parang ang saya lang ng buhay." Sinabi niya iyon na parang inaalala ang mga araw na iyon. "Sana puwedeng balikan ang mga araw na yon." Saad niya sabay tingin sa malayo.

"Bakit pa babalikan kung puwede namang gumawa tayo ng bagong mga alaala." Hindi lang iyon basta banat, totoong yon ang gusto ko. Na sa aming pagbalik sa Manila magiging smooth na ang lahat, madaling matatanggap ng lahat ang tungkol sa amin.

"Pero bago mangyari yan kailangan nating gumawa ng aksyon."

At ayon bumaba na kami ng tree house at nagsulat ng SOS sa buhangin. Dahil baka sakaling may dumaang eroplano at magawa kaming tulungan. Matapos iyon ay naupo kami sa buhanginan. Pakiramdam ko ay hinang-hina na ako sa sitwasyon namin. Si Lia na lang ang nagbibigay lakas sa akin.

Nakaramdam ako ng hilo kaya napakapit ako sa noo ko. Napansin naman iyon ni Lia. "Art okay ka lang?"

"Parang nahilo lang ako pero ayos lang talaga."

"Kailan ba naman tayo maliligtas di—" Natigilan siya nang maramdaman ang parating na eroplano. Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. "Tulong! Tulong! Tulong!" Sunod sunod na sigaw ni Lia.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon