Kabanata 53

165 7 12
                                    

Part 3 of 5 Special Flashback Chapters of Lia

*MIGQuestionableComeback

Matapos ang pagkamatay ni Nay Perla at Tay Bernardo ay umuwi ang iba pa nilang mga anak. Oo tuluyan ng namaalam si Nay Perla. Si Tay Bernardo naman ay atake sa puso ang ikinamatay. Hindi niya siguro kinaya nang makitang wala ng buhay ang babaeng pinakamamahal niya. Labis ang pagdadalamhati ng lahat kasama na ako. Napamahal na ako sa mag-asawang iyon at hindi akalaing sa muli kung pagbabalik dito sa isla ay pagluluksa ang mararanasan.

   

Sinabihan ko nga sila Lolly at Lilly na huwag nang sabihin pa kay Art ang nangyari. Alam kong napamahal na rin siya sa mag-asawa pero sigurado akong busy siya sa school. Saka isa pa ay ayaw ko siyang makita pa. Hindi pa ako handang harapin siya sa ngayon. Selfish na kung selfish pero kailangan kong gawin iyon para iwasan siya.

   

Abot langit ang naging pasasalamat sa amin ng mga kapamilya nila Nay Perla. Sinabi ko naman noon na kulang pa iyon sa laki ng naitulong sa akin ng mag-asawang iyon.  Inilibing ang labi nila sa isang sementeryo sa bayan. Napuno ng iyakan ang araw na iyon. Pati ako ay hindi ko napigilan ang maging emosyonal. Alam kong masaya na silang mag-asawa sa kalangitan ngayon. Pero ang hirap pa rin talagang tanggapin na hindi ko na sila nakasama pa nang matagal pagbalik ko dito sa Pinas.

Bumalik na ako sa Manila matapos ang libing. Ayon nalungkot na naman kami dahil magkakalayo na namin kami nila Lolita.Sinabi ko naman sa kanya na babalik ako anytime soon.

Nasa mall ako ngayon para bumili ng sapatos. Kailangan ko ngayong bumili ng sapatos. Iyon ang utos sa akin ni Lolo Fabs matapos akong bigyan ng pera. Tumanggi nga ako sa una dahil marami pa naman akong mga sapatos sa bahay. Pero nagpumilit siya dahil iyon daw ang isusuot ko sa nalalapit niyang kaarawan. Susunduin niya nga ako dito mamaya para samahan sa pagawaan ng gown.

Naglalakad na ako ngayon kakabili ko lang ng sapatos. Isa iyong high heels. Medyo sanay naman na ako dahil sa sinanay na ako sa States. Napalingon ako bigla nang may makita akong lalaki. Ang lalaking hindi pa ko pa handang makita. Malapit na siya sa akin at para bang naistatwa na ako sa kinatatayuan ko. Ngunit laking pasasalamat ko nang may mabunggo siyang matandang babae. Nahulog ang mga dala nitong gamit. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataong iyon. Mabilis akong naglakad palayo.

——————

Mabuti na lamang at hindi ako nalapitan ni Art kanina. Dahil hindi ko talaga alam ang gagawin o sasabihin ko kung nangyari 'yon. Agad akong umuwi pagkatapos nun. Hindi ko na hinintay pa ang sundo ko. Baka kapag ginawa ko pa iyon ay makita pa ulit ako ni Art. Sasabihin ko na lang na ipagpabukas na lamang ang pagpapasukat ng gown.

Lumipas pa ang mga araw at dumating na rin ang kaarawan ni Lolo Fabs. Maaga kaming pumunta sa venue upang hindi makasabay sila Art pati na sila Alice. Nakaupo ako ngayon sa may kama sa isang kwarto dito sa third floor ng hotel. Dinig ko ang boses ng nagsasalita sa ibaba. Mula sa pagbati at kung ano-ano pang panimula hanggang sa kumanta na ang lahat ng birthday song. Nalaman ko na noong nakaraang araw ang tungkol sa engagement nila Art. Hindi naman na ako nagulat pa nang malaman ko iyon nooon. Ngayon nga ay kasabay pa iyo ng birthday at ng pormal na pagpapakilala sa akin bilang parte ng Buenaobra family.

Nakaramdam ako ng kaba nang dumako na sa  pagsasalita ni Lolo Fabs na bukod daw sa birthday at engagement ay may isa pang dahilan ang party na nagaganap ngayon. Iyon ay walang iba kundi ang pagpapakilala sa akin sa lahat ng taong naririto.

"May I call on my long lost grand daughter, Francine Buenaobra." Iyon na ang hudyat ng aking pagbaba. Lumabas na ako ng silid at naglakad papunta sa hagdanan. Doon bumaba na ako suotang gintong gown. Unang pumukaw ng atensyon ko sa aking paglakad pababa ay ang gulat na mukha ng mag-amang Alice at Axel. Ngumiti ako upang hindi mahalata ang naguumpaw na kabang nararamdaman ko.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon