Kabanata 3

498 20 17
                                    

*MIGTheHappinessYouBrought

Art's Point of View

I just woke up and may naramdaman akong something sa katawan ko. Napanganga ako nang marealized na si Island girl iyon na nakayakap na sa'kin. Agad ko siyang inilayo sa akin. Nakahiga siya katabi ko and hugging my hot body. What the fuck! Maya maya pa ay nagising na siya. Nagulat din siya ng marealized niya na nakatulog siya with me in my own bed! Agad siyang lumayo at inayos ang sarili.

"Patawad! Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa iyong hinihigaan. Hindi ko na nagawa pang bumaba sa higaan ko dahil sa matinding antok. Hindi ko rin ninais na yakapin ka. Akala ko kasi nasa isla pa ako at ang niyayakap ko ay si Lolo."

"Whatever! Just get out of my room !"sigaw ko na agad nakapagpaalis sa kanya sa kwarto ko.

Agad kong tinawagan ang magaayos ng pinto ng kwarto niya. Matagal na namin yung kakilala kaya naman may number niya ako in case na may ganitong klaseng emergency.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Lia na nagluluto ng almusal. Amoy adobo iyon paborito ko kaya biglang kumalam ang tiyan ko.

"Ahmmm Moana mamayang tanghali darating yung mag-aayos nung door knob ng pinto ng kwarto mo. Ikaw na muna bahala kasi need kong bumili ng mga pangangailangan natin."

"Ah Sir Art puwede bang sumama? Gusto ko pong makita ang pupuntahan nito eh."

"Next time na lang ha. Baka kasi dumating yung mag-aayos na si Mang Paolo. Sa susunod hayaan mo isasama kita."

"Sige naiintindihan ko." Ngumiti ito para ipakita sa'kin na okay lang yun. Pero alam ko at some point she is dying to see the world outside the island where she grow up.

——————

After kumain ay agad na akong nagpunta sa bayan upang bumili ng mga needs namin. I can buy whatever I want dahil may tagaluto na ako. Thank you sa babaeng yun siya ang dahilan kung bakit ako nakakakain ngayon ng tunay na pagkain.

Matapos magbihis ay nagpaalam na ako kay Lia na naghuhugas ngayon ng pinagkainan namin. Ngumiti lang siya sa'kin matapos kong magpaalam. Hindi ko alam kung bakit ako biglang natulala dahil sa ngiti niyang yun. Tss nevermind walang meaning yun it's just that super puti ng ngipin niya! Ano kayang gamit niyang toothpaste sa isla nila?

Medyo malayo-layo ang resthouse namin sa labasan kaya kailangan ko pang maglakad  para makapagabang ng jeep sa highway. Puro puno lamang ang lugar na ito at may mataas na damo kaya naman malamig dito. Idagdag mo pa na tabing dagat lamang. Nang makarating ako sa highway ay agad na akong naupo sa isang waiting shade. Sanay naman na akong mag-jeep. Medyo hassle lang ang paghihintay and worse pag siksikan pa.

Mukhang swerte ako dahil  sa unahan ako napapwesto. Last time kasi sa mismong loob halos hindi ako nakaupo nang maayos dahil siksikan na. Napilitan pa akong sumabit dahil may sumakay na ale. Gentleman thingy is life!

Sumilip ako sa bintana ng jeep nakakita ako ng mga pulubong namamalimos doon. I feel so much pity to them. How can they eat if no one give them some money? Where did they sleep at night? How can they survive that kind of life? Naisip ko tulpy kung hindi ko pinatuloy sa resthouse si Lia ganito rin ang magiging kapalaran niya.

Nakarating na ako sa isang grocery store dito sa bayan. Agad akong kumuha ng isang cart. Yung mga kailangan lang talaga ang binili ko. Sa buhay ko ngayon natutunan ko kung paano magtipid. Unlike before na the more the happier.

What if sinunod ko ang gusto ni Dad? Na pinilit ko na lang ang sarili ko kay Alice?

Biglang nagbalik sa alaala ko ang huli naming pagkikita ni Alice.

My Island GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon