Inspired by true events.
Nabalitaan ko nalang kay nietes na sinubukan daw ni sir bong na magduty ng gabi sa supermarket. Ginawa daw nya ito upang tuldukan na ang mga usap-usapan tungkol sa mga multo at patunayan sa lahat na hindi totoong may nagmumulto sa supermarket.
Ang akala nga daw nila ay nagbibiro ito ngunit ssryoso sya na gawin yun.
Sigurado po kayo sir??
Hindi na po ba namin kayo mapipigilan??
Sabi ni agustin.
Oo. Sigurado ako. Para matapos narin ang mga haka-haka tungkol dyan sa multo na yan.
Sabi nya.
Kayo po ang bahala.
Sabi ni Agustin.
Nietes, Akin na yung susi ng supermarket. Ako na ang magduduty mamaya at wala ng ibang guard ang sasama sa akin. Nagkakaintindihan tayo.
Sabi nya ng buong tapang.
Pinaalis nya daw ang lahat ng mga sekyu na magduduty ng gabing yun, sya lang ang mag-isang nag ikot sa supermarket para romota.
Pagbaba nya ng ground floor, agad nyang binuksan ang lahat ng ilaw at nagsimulang maglakad papuntang frisking area. Matapos ang isang oras na pag iikot ay nagpasya itong pumunta sa opisina.
Pakanta-kanta pa si sir bong habang naglalakad hawak ang flashlight sa kamay.
Bago pa sya makarating sa frisking area biglang may narinig syang naglalakad kasunod sa likuran nya kaya napalingon sya ngunit walang tao doon kaya nagpatuloy parin sya sa paglalakad habang kumakanta ngunit, bago tuluyang makapasok sa opisina, nakaramdam sya na may tao sa likuran nya na panay ang sunod simula pa kanina.
Muli nya ito tiningnan pero biglang nawawala. Nang walang makita ay napailing ito sabay buntong-hininga at nang pagharap nya ay biglang nagpakita sa kanya ang isang pamilyar na mukha.
Tumambad sa harap nya ang multo ng dating chief security guard. Hindi sya nakagalaw sa kinatatayuan nya dahil sa takot sa kaharap nya habang sinasakal sa leeg nito. Ilang saglit pa at marami ng mga kamay ang nakasakal sa kanya at mga ksluluwa ng mga empleyadong nakapalibot sa kanya. Maya maya pa at isang malakas na sigaw mula kay sir bong ang umalingawgaw sa buong ground floor.
Pagkatapos ng night duty ni sir bong. Nagsimula itong maging tulala at naging matatakuyin. Hanggang sa ang management na mismo ang nagtanggal sa kanya at pinalitan ni agustin bilang bagong chief security ng supermarket.
Alam kong hanggang ngayon, nagpaparamdam parin sila. Naghihintay ng tulong mula sa mga buhay. Para bigyan sila ng katahimikan sa kanilang paglalakbay sa kabilang buhay at ipagdasal ang katahimikan ng kanilang mga kaluluwa.
YOU ARE READING
K W E N T O N G B A Y A N ( C O M P L E T E )
HorrorU R B A N L E G E N D S T H R E E E V E N T S • T H R E E H O R R O R S T O R I E S • O N E T A L E Naghahanap ka ba ng supermarket na pwede kang mag grocery?? May alam akong supermarket na lahat ng hinahanap mo nandito. Pero ingat ka baka ma...
