Inspired by true events.
First day ko nun magduty ng night shift. Inayos ko muna ang gamit sa locket room habang maaga pa. Biglang dumating si Agustin at may kinuhang gamit sa loob ng locker nya.
First day mo pala mag ninight shift ngayon.
Sabi nya.
Oo nga E.
Sabi ko habang ngumingisi sa kanya.
Good luck ah! Sabi niya.
Salamat pre. Sabi ko.
Sabay tinapik nya ang balikat ko bago sya umalis.
Naka assign ako nun sa frisking area ng papauwi na ang lahat ng tao dun. Maging ang manager hanggang mga janitor papauwi na rin.
Unti-unting nawalan ng tao sa supermarket hanggang sa kaming dalawa nalang ni Nietes, isa ring night duty guard ang natira dun. Unang pumasok si nietes sa selling area, at ilang minuto lang bumalik na sya sa post ko.
Oh. Pre okay ka lang dyan?? Sabi nya.
Okay lang.Sabi ko.
Sige, tulog muna ako ah. Napuyat ako dun sa baby namin. Sabi nya.
Sige lang pre, Walang problema. Sabi ko.
Saka iniwan nya akong mag-isa sa may frisking area at pumunta sa monitoring area ng cctv.
Dahil sa bago ako kailangan kong makisama sa kanila kaya kahit bawal ang matulog sa amin habang on duty ay pinagbigyan ko na sya sa tingin ko ay makatuwiran naman ang rason nya. Kahit wala pa akong asawa't anak ramdam ko ang hirap at sakripisyo kapag naging isa ka ng magulang. Isa na dito ang pagpupuyat sa pag aalaga ng bata.
Mabait naman daw si nietes at magaling makisama kaya lang ito talaga ang ugali nya ang matulog. Naikwento narin yun sa akin ni agustin, pagbigyan ko nalang daw kasi pamilyadong tao at kapapanganak lang ng asawa kawawa naman daw kung malalaman ang ginagawa nya.
Nakatayo lang ako sa frisking area at pasipol-sipol hanggang sa hindi ko nalang namalayang nakaidlip na ako.
Nagising nalang ako ng biglang may narinig na kalabog ng isang mabigat na bagay. Para malaman kung ano ang bagay na yun nagpasya akong pumunta ng selling area para tingnan.
Medyo madilim sa loob at ang tanging ilaw lang na nandun ay sa mga freezer sa chiller. Kinuha ko ang flash light sa lagayan at binuksan ito. Laking gulat ko ng pagbukas sa flash light ay may nakita akong isang babae sa harapan ko. Nakasuot sya ng damit pang cashier gaya ng mga damit ng cashier sa mismong supermarket. Dahil sa pagkagulat bigla kong nabitawan ang flash light at nalaglag ito sa simento.
Agad ko itong kinuha at tinutok muli sa harapan ko pero biglang nawala ang babae. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad sa selling area habang dala-dala ang flash light.
Nang malapit na ako sa may appliance section ng supermarket, may biglang lumakad sa likuran ko papunta sa may beverage section.
Dali-dali ko itong inilawan ng flash light saka dahan-dahang sinundan. Pagdating ko sa beverage section, bigla itong nawala hanggang sa may narinig akong tunog ng bar code reader sa may bandang checkout counter kaya dahan-dahan ko itong nilapitan. Nakita ko ang isang babae na nakatayo sa counter at nakatalikod sa akin na para bang may iniscan sa bar code reader.
Miss? Anong ginagawa mo dito? Diba kanina pa tapos ang shift mo? Hindi mo ba alam na bawal na ang employee ng ganitong oras?
Sabi ko.
Habang papalapit sa kanya. Sabay napatingin ako sa wrist watch na suot ko.
Anong oras na? Bat nandito ka pa?
Sabi ko sabay hahawakan ko sana ang balikat nya para palingunin sya nang biglang may narinig akong isang bagay na bumagsak mula sa appliance section. Napalingon ako dito.
Ano na naman yun??
Sabi ko.
Saka muling nilingon ang babae pero pagtingin ko muli sa kanya bigla itong nawala tulad ng nakita kong babae kanina. Kaya nagtaka ako.
Agad kong pinuntahan ang appliance section para tingnan ang bagay na bumagsak pero pagdating ko dun ay wala naman. Lahat ng gamit ay nakaayos sa ganung pagkakayos.
Bigla akong nakaramdam ng kaba, hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako ng oras na yun. Saka tumingin ako sa relo na suot ko. 12 am na pala. Nang may lumagabog na naman at ngayon sa bandang malapit ito sa elevator kaya agad kong pinuntahan ito.
Papaalis na sana ako ng pagtalikod ko biglang gumalaw ang manikin sa likuran ko. Napalingon agad ako para tingnan ang manikin pero wala namang nagbago sa posisyon nito. Napailing na lang ako at nagtungo sa may elevator.
Inilawan ko agad ng flash light ang pinto ng may kadena at nakalock pa. Napansin kong tumabinggi ang signage na "Off limits".
Nang hindi ko napansin na may tao sa likuran ko at biglang nagsalita.
Moreno!?
Sabi nya.
Agad akong lumimgon at inilawan ng flash light ang tumawag sa akin, agad nyang pinansalag ang mga kamay para hindi masilaw.
Anong ginagawa mo dyan??
Sabi nya.
A wala may narinig lang akong may kumalabog kaya tiningnan ko. Pero wala pala.
Sabi ko.
A ganun ba. Teka, may cellphone ka bang dala dyan?? Nababagot kasi ako dun sa taas ee.. Makikinig sana ako ng baranggay love stories, ang tagal ko ng hindi nasusubaybayan yun E..
Sabi nya.
Sige kinun mo nalang sa may locker ko.
Sabi ko.
Sige.
Sabi nya.
Pagkaalis niya agad kong inilawan ulit ang pinto pero wala na akong narinig na kalabog o ano mang tunog.
Nung gabing yun ang akala ko talaga yun na ang pinaka nakakakabang gabi pero hindi pala. Umpisa palang yun ng mga mapanindig-balihibo kung karanasan sa pag duduty ko.
Wala akong pinagsabihan ng nangyari sa akin ng gabing yun kahit kay agustin hindi ko sinabi. Inisip ko nalang na namalik-mata ako o kaya guni-guni lang yun.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
K W E N T O N G B A Y A N ( C O M P L E T E )
УжасыU R B A N L E G E N D S T H R E E E V E N T S • T H R E E H O R R O R S T O R I E S • O N E T A L E Naghahanap ka ba ng supermarket na pwede kang mag grocery?? May alam akong supermarket na lahat ng hinahanap mo nandito. Pero ingat ka baka ma...
