Inspired by true events.
Pilit naming kinalimutan ang lahat ng nangyari kagabi at inisip nalang na panaginip lang ang mga yun. Naghanda na ako para pumasok sa school.
Paglabas ng boarding house ay naglakad ako papuntang kanto para sumakay ng UV express papasok ng school namin. Traffic ng umagang yun kaya nagpasya ang driver ng UV express na magshort cut sa may balete drive. Ilang minuto lang at huminto ang sinasakyan namin. Hindi ko yun napansin dahil nakaheadset ako. Namalayan ko nalang na matagal na pala kaming nastuck sa traffic ng napansin kong hindi na umaandar ang UV express.
Agad kong tinanggal ang suot na headset sabay tingin sa bintana para silipin ang nangyayari sa labas. Napansin kong parang maraming tao ang nagkumpulan habang may mga police ang nandun at nagmamando ng traffic sa daan.
Maya-maya medyo umusad ang sinasakyan ko at tumapat sa isa sa mga police doon. Inilabas ng driver ang ulo nya at sinubukang magtanong sa pulis na nag aayos ng traffic.
"Boss, anong nangyari??"
Sabi ng driver.
"Na na hit and run dito kagabi. Kawawa nga at hindi man lang tinulungan ng nakasagasa."
Sabi ng police.
"Grabe kawawa naman, sana makonsensya yung nakasagasa. Sige boss, salamat"
Sabi ng driver.
Napatingin ako sa kanilang dalawa ng marinig yun, bigla kong naalala ang nangyari kagabi baka yun ang babaing nasagasaan namin. Bigla akong kinabahan ng makita ko ang bangkay na nakahiga sa kalsada. Nakaramdam ako guilt sa nangyari dun sa babaeng nasakasaan ni bogs habang nakatitig dito. Ilang sandali pa at biglang gumalaw ang ulo nito at bumaling sa kinaroroonan ko. Nagulat ako at medyo napaatras sa kinauupuan.
"Miss okay ka lang ba?" Sabi ng katabi kong lalaki.
"Sorry, okay lang ako." Sabi ko.
Hindi ko ng tinangka pang muling tumingin sa kinaroroonan ng bangkay dahil sa sobrang takot.
First day ng practice para sa graduation ng araw na yun. Unang practice na ginawa namin ay ang pagmamarch papasok ng auditorium kung saan magaganap ang graduation.
Pinaghiwalay nila ang mga babae sa lalaki. Sa kaliwa silang parte ng auditorium samantalang kami naman ay sa gawing kanan. Magkasunod kaming pumasok ni faith at tumayo sa harapan ng magkasunod na upuan. Ilang sandali pa at hindi ko na napigilan ang sarili na sabihin sa kanya ang nakita kong aksidente kaninang umaga pagpasok ko.
"Nakita na nila ang bangkay ng na hit and run ni bogs kagabi. Hindi ko na kaya. Sobrang guilty na ako sa ginawa natin." Sabi ko na medyo pabulong sa kanya.
Tumingin sa akin si faith ng saglit bago muling tumingin sa harapan nya.
"Ang akala mo ikaw lang? Ako rin, nakokonsensya sa ginawa natin pero pinipilit kong labanan yun. Kaya pinilitin mong labanan kung anuman ang nararamdaman mo kung ayaw mong mawala sayo ang lahat." Sabi nya sa akin.
"I'm sorry. Hindi ko na kaya" sabi ko.
Pakiramdam ko ng oras iyon ay mawawalan ako ng hangin sa katawan dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman.
Agad akong umalis sa kinauupuan ko para lumabas at sumagap ng hangin bago pa ako himatayin dahil sa ashma attack.
Hindi ko alam na sinundan pa ako ng tingin ni faith papalabas ng auditorium at kalaunan ay sumunod sya pagkalabas ko.
Napatingin sya ng bahagya sa kinaroroonan nila jake at bogs. Sumenyas ng patanong si bogs kung ano ang nangyayarin sa amin kay faith .
Agad namang sumenyas si faith na hindi nya alam. Bago ako sinundan sa labas ng auditorium.
•FAITH•
Ako si Faith Gomez, Isang graduating Senior high school student sa isang sikat na school sa Quezon City. May sekreto akong tinatago sa lahat. Involved ako sa isang hit and run incident ngunit hindi ko maamin sa lahat ang totoo dahil sa natatakot akong makulong at masayang ang lahat ng pinaghirapan ng mga magulang kong OFW sa Middle East.
Sa oras na yun ay nasa bingit ako ng isang sitwasyon kung saan ay kailangan kong pigilan ang kaibigan kong sabihin ang totoo sa lahat. Sinundan ko sya palabas ng auditorium. Panay ang tawag ko sa kanya habang paakyat ng second floor.
Despirado na ako sa pagtawag ko sa kanya habang deadma ito tuloy lang sa pglakad.
Nagtaka na ako ng lumihis sya ng punta sa third floor kung saan nandun ang guidance counselor's office. Sa halip ay pumunta sa madilim na bahagi ng bodega.
Pagpasok sa loob ay bigla syang nawala sa paningin ko.
"Gela, nasaan ka?" Sabi ko.
Habang papasok sa loob ng bodega ng dahan-dahan. Dahil sa dilim ng lugar ay hindi ako makakita ng maayos hanggang sa may makita akong nakatalikod na babae.
Nilapitan ko ito ng dahan-dahan upang tingnan kung si gela ba ito o hindi. Bago ko pa man magawa yun ay may narinig akong boses na sumigaw sa akin.
"Bakit nyo ako pinabayaang mamatay?" Sabi nito
"S-Sino ka?" Natatakot na tanong ko.
Biglang may lumabas na babae mula sa dilim pasugod sa akin habang sumisigaw. Natakot ako kaya agad napatakbo palabas ng bodega papunta sa baba ng building ng mabilis. Kasabay ng paghabol nito sa akin ang pagpatay ng ilaw na nadadaanan patungo sa kinalalagyan ko.
Mabilis akong nakababa ng hagdan patungo ng ground floor. Habol hininga akong tumigil at sumandal sa pader upang magtago sa kanya.
Ilang sandali pa at naramdaman akong may papalapit sa akin kaya agad akong lumingon sa likuran. Sabay muling lingon sa aking harap ng walang makitang kahit ano doon.
Biglang tumambad sa harapan ko ang mukha ng janitres namin sa school. Napaurong ako ng bahagya at nakahinga ng maluwag pagkakita ko sa kanya.
"Okay ka lang ba, Hija?" Tanong nya.
"Oo. Okay lang po." Sabi ko.
Agad akong tumalikod sa kanya at naglakad papalayo. Napatigil ako ng bigla nya akong tawagin.
"Miss." Sabi nito.
Lumingon ako sa kanya ng marinig ang pagtawag niya. Bigla nya akong tinuro kaya nagtaka ako. Agad akong napatingin sa katawan ko at nakitang tinagusan na pala ang palda ko. Hindi ko namalayang magkakaroon pala ako ng araw na yun.
"May tagos ka. Sa tingin ko ay kailangan mo ng magpalit ng napkin." Sabi nya
"Salamat" sabi ko.
Agad akong umalis ng building para pumunta ng ladies restroom at magpalit ng napkin ko.
Hindi ako mapakali matapos ang insidenteng yun. Kaya napagpasyahan kong ikwento ang nangyari sa akin kay Angela ngunit nagdadalawang -isip akong gawin yun. Sa halip ay ilihim nalang ang nangyari at hayaang lumipas nalang yun.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
K W E N T O N G B A Y A N ( C O M P L E T E )
УжасыU R B A N L E G E N D S T H R E E E V E N T S • T H R E E H O R R O R S T O R I E S • O N E T A L E Naghahanap ka ba ng supermarket na pwede kang mag grocery?? May alam akong supermarket na lahat ng hinahanap mo nandito. Pero ingat ka baka ma...
