• C H A P T E R 7

79 3 0
                                        

Inspired by true events.

Magkasama kaming dalawa ni bogs na pumunta sa tenement kung saan nakatira ang janitress na hiningan ko ng tulong.

Pinayuhan nya akong bumalik kasama si bogs kapag handa na kaming gawin ang sinasabi nya.

Pagkapasok ng sasakyan ni bogs sa parking space ng tenement. Agad nyang pinahinto ang makina.

"Handa kana?" Tanong nya sa akin.

"Oo. Handa." Sabi ko

"Tapusin na natin ito." Sabi nya.

Tumango ako bilang tugon sabay lumabas kaming pareho ng kotse at napatingin sa tenement bago pumasok sa loob nito.

Nagsindi ng kandila sa may altar ang janitress at naglagay din ng kandila sa gitna ng mesa kung saan nakaupo sina bogs at angela.

"Ang kandilang ito ay ang magsisilbing liwanag sa dilim kapag tinawag na natin sya." Sabi nya.

Naupo sya sa tabi ni angela. Nagtinginan sina bogs at angela habang kinakabahan sa gagawin nila.

"Bago tayo magsimula ay nais ko lamang na ipaalala sa inying dalawa na lubhang mapanganib ang gagawin nating ito dahil labag sa batas ng diyos ang tawagin mula sa kabilang buhay ang mga nilalang na namayapa na kaya hangga't maaari ay sundin nyo ang aking mga bilin. Malinaw ba?" Sabi pa nito.

"Opo." Sabi ko.
Tumango lamang si bogs bilang tugon dito.

"Tandaan nyo, kahit anong mangyari ay huwag na huwag kayong bibitaw sa kamay ng bawat isa dahil sa oras bumitaw kayo ay ito ang magbibigay pagkakataon sa kaluluwa upang saktan kayo." Sabi pa nito habang naghawak hawak kaming tatlo ng mga kamay.

Ilang saglit lang ay nagsimula na ang ritwal upang tawagin ang kaluluwa ng babae. Pumikit kaming tatlo at nakikiramdam sa kanyang pagdating.

"Tinatawagan namin ang ispiritu ng babaeng gumagambala sa mga batang ito. Magpakita ka sa amin at sabihin mo ang iyong gusto." Tatlong beses nya itong sinasambit ng may medyo malakas na boses.

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba at takot ng oras na yun. Bumibilis ang paghinga at tibok ng puso dahil sa takot.

Biglang namatay ang mga kandila sa may altar at ang tanging kandilang may ilaw ay ang nasa harap naming tatlo.

"Nandito na sya." Sabi ng janitress sa kanila.

Mas lalo akong kinilabutan at nanindig balahibo ng makaramdam ng kakaibang lamig.

"Sabihin mo ang iyong pakay at bakit mo sila ginagambala." Sabi muli ng janitress.

Isang tinig mula sa hindi ko alam na kung saan nangagaling ang nagsasalita.

"Tulungan nyo ako, Tulungan nyo ako." Sabi nito habang umiiyak.

Hindi sinasadyang napadilat ng mga mata si bogs. Laking gulat at kilabot niya ng makitang nasa tabi ang kaluluwa ng babaeng nasagasaan habang magkahawak sila ng kamay.

Galit at nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay bogs.

"Bakit hindi nyo ako tinulungan." Pasigaw na sabi nito.

Sabay napatingin sa gawi ko si bogs nakita muli ang babae na kahawak nya ng kaliwang kamay.

"Bakit!" Sabi nito.

Sabay kaming dumilat ng mga mata ng janitress at nakitang wala na sa pagkakahawak si bogs at nagsisimula na itong maging hysterical.

"Anong nangyayari sayo? Kailangan mong bumalik sa pagkakahawak sa amin." Sabi ko.

K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Where stories live. Discover now