Inspired by true events.
Dumaan ang mga sumunod na araw, pero hanggang ngayon nasa isipan ko parin ang lahat. Ang lahat-lahat ng mga nangyari ng gabing yun. Binago nito ang lahat sa akin, pati ang araw-araw kong trabaho ay nagbago narin. Sa tuwing papasok ako ng trabaho bigla nalang ako nakakaramdam ng takot na hindi ko maipaliwanag. Ang mga tanong sa isip ko noon, mas dumami at ang akala kong mga bagay na nasagot na ay nagbukas ng mas marami pang tanong, mga tanong na hindi ko alam kung papano hahanapan ng kasagutan.
Nanatili akong night duty guard ng mga sumunod na araw. Naka poste ako ng gabing yun sa pinto at chinecheck ko ang mga bag at gamit ng mga empleyado bago pirmahan ang checklist nila saka pagbuksan ng pinto.
Nang oras na yun, huling nag-uwian ang mga closing supervisors na mga babae, isa-isa kong tinngnan ang mga gamit nila.
Oo nga pala, si daisy nasaan na??
Sabi ng isa sa mga supervisor.
Baka nasa baba pa!?
Sabi naman ng isa pa.
Aa moreno, pakicheck naman kung nandun pa si daisy, uuwi na kasi kami, pakitanong naman kung sasabay sya sa amin.
Sabi niya.
Sige po ma'am.
Sabi ko.
Agad kong binaba sa lower ground ang isa pang supervisor. Tiningnan ko kung nandun sya sa locker room pero wala sya dun. Ilang saglit lang at narinig kong bumukas ang pintuan ng ladies rest room kaya tumingin ako dito at nakita ko ang isang babae na lumabas mula sa loob.
Ma'am daisy! Sasabay daw po na kayo sa pag-uwi nila ma'am Eula??
Sabi ko.
Pero hindi nya ako nilingon at sa halip ay dumirecho papasok sa loob ng frisking area. Agad ko syang sinundan habang tinatawag ngunit hindi sya lumilingon sa akin.
Ma'am daisy! Ma'am daisy!?
Sabi ko.
Pagkalagpas nya sa frisking area lumiko sya sa B.O. section at dumirecho sa office nya saka binuksan ang pinto at binuksan ang ilaw. Ngunit ng isara nito ang pinto biglang namatay ang ilaw sa loob.
Nang makalapit ako sa office nya, agad kong hinawakan ang door knob at aakmang bubuksan ang pinto pero naka lock ito. Nagtaka na akong bigla, alam ko na nakita syang pumasok sa loob. Naisipan kong silipin sya mula sa salamin ng pinto, dahan-dahan kong dinikit ang mukha sa salamin at ipinangtakip ang dalawang kamay sa magkabilang parte ng mukha ko para mas makita ko kung may tao sa loob o wala.
Nang silipin ko ang loob ng kwarto biglang may tumapat sa akin na isang mukhang nakakatakot, bigla akong napaatras sa nakita. Dun ako nangilabot at nagsimulang tumindig ang mga balahibo ko. nang may nakakakilabot na boses ang nagsalita.
Tulungan mo kami...
Sabi nito.
Niligid ko ang mga mata para hanapin yun pero wala kahit saan ako tumingin. Maya-maya lang at muli itong nagsalita, sa pagkakataong ito, maraming boses ang narinig ko. Nakakakilabot ng sobra, mas lalo akong natakot.
Tulungan mo kami...
Tulungan mo kami...
Sabi nila.
hindi ko tinigil ang pagligid ng mga mata, panay din ako linggon ko sa lahat ng parte ng kinatatayuan ko upang makita ko sila. Hanggang sa muli kong narinig ang boses na yun sa pangatlong pagkakataon.
tulungan mo kami..
Sabi nito.
Paglinggon ko sa likuran ay tumambad sa harapan ko ang maraming multong namatay dun, lahat sila gusto akong lapitan, dahil sa sobrang takot ko ay napasandal ako sa pintuan at napapikit ng mata sabay sabing.
Our father
Who art in heaven
Holy be thy name
Thy kingdom come
Thy wil be done
On earth as it is in heaven
Give us this day our daily bread.
and forgive us our sins,
As we forgive those who sin against us.
do not bring us to the test
And deliver us from evil.
Amen.
Pagkatapos kong magdasal, dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at hindi ko na sila nakita.
Napabuntong hininga ako pagkatapos nun. Ang akala ko talaga yun na ang huling gabi ko.
Pag-uwi ko ng bahay kinabukas pagkatapos ng night shift duty ko. Agad kung hinubad ang suot kong uniform at pinagtatanggal mga gamit na nakalagay sa buong katawan.
Ilang saglit lang at nahiga ako sa kama at nagpasyang huwag ng kumain pa ng almusal dahil sa wala akong gana.
Kinumutan ko ang aking katawan sabay pinikit ang mga mata. Maya-maya lang at naging mahimbing ang tulog ko. Nang biglang magising ang aking diwa kaya napadilat ang mga mata. Bahagya kung binangon ang katawan ng magulat ako sa nakita. Tumambad sa tabi ko ang mga nakahigang bangkay na inipon matapos humupa ang baha sa supermarket.
Ilang sandali at may lumapit na lalaki at biglang isinara ang zipper ng cadaver bag kung saan ako nakahiga.
"Hindi, hindi! Wag!!"
Pakiusap ko sa kanya habang sumisigaw ngunit hindi ako narinig nito at tuluyang sinara ang bag hanggang sa dulo kung saan naruruon ang ulo ko.
Bigla akong napadilat ng mata habang hinahabol ang hininga.
Siguro nga, nalagpasan ko ang gabing ito, pero hindi ko alam kung papano ko malalampasan ang mga darating pa ngayong mas tumindi pa ang pagpaparamdam nila sa akin. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko.
YOU ARE READING
K W E N T O N G B A Y A N ( C O M P L E T E )
HorrorU R B A N L E G E N D S T H R E E E V E N T S • T H R E E H O R R O R S T O R I E S • O N E T A L E Naghahanap ka ba ng supermarket na pwede kang mag grocery?? May alam akong supermarket na lahat ng hinahanap mo nandito. Pero ingat ka baka ma...
