• C H A P T E R 1

7.4K 136 7
                                        

Inspired by true events.

Ako si Dave Moreno, 20 years old. First time security guard. Kakatapos lang ng training ko last month, sa wakas nakuha ko na rin license ko at buti nalang may nahanap agad ang agency na inapplyan ko kung saan pwede akong mag duty. Sa isang kilalang supermarket ako naasign bilang night duty guard. Sikat ang supermarket na yun kaya araw-araw maraming tao. Pero ang sikat na supermarket pala kung saan ako nagtatrabaho ay may tinatagong sikreto na ikagigimbal ko.

First day of duty ko, kailangan kong magpa impress sa superior ko kaya maaga akong bumiyahe papunta sa supermarket. Pagbaba ko sa jeep agad akong pumunta sa employees entrance at matyagang naghintay sa head of security. Sa unang kita ko palang sa supermarket, maayos at maganda ito medyo may kalumaan lang pero maganda parin. Maging ang tao dun ay mababait, tiyak mag eenjoy ako sa pagstay ko dito. Yun ang sabi sa isipan ko.

Habang nakaupo at naghihintay sa loob ng office nang head security, biglang may pumasok na medyo may katandaang lalaki na matangkad. Medyo matangkad sa akin ng konti.

5'7 ang height ko siguro mga nasa 5'8 or 9 sya. Tumayo ako habang sinusundan sya ng tingin at nakangiti sa kanya.

Sige, maupo ka!?

Salamat po.

Ikaw ba ang pinadala ng agency para maging replacement dun sa dati naming night guard??

Wala akong idea na may pinalitan pala akong dating guard. Nagtaka tuloy ako kung bakit umalis yun sa tingin ko naman ay maganda ang policy dito.

Opo. Ako nga po.

Anyway, wala kang magiging problema dito kasi mababait ng mga tao siguradong magugustuhan mo ang pagduduty sa supermarket namin, nakita mo naman kahit medyo luma na ang mga facilities pero well maintained naman. At mamaya pala, ililibot kita sa buong sulok ng supermarket para maging pamilyar ka sa lugar tapos ipapakilala kita sa mga magiging katrabaho mo. Okay ba yun.

Sabi nya ng nakangiti sa akin.

Wala pong problema sir, salamat po.

Sabi ko at ngumiti din ako sa kanya

At kung magkakaproblema ka naman E wag kang mahihiyang lumapit sa akin. Nagkakaintindihan ba tayo??

Opo sir.

So welcome sa branch namin mr. Moreno.

Nakipag shake hands ako sa kanya pagkatayo naming pareho.

Pagkalabas namin sa office agad nyang tinipon ang lahat ng naka duty na guard ng araw na yun.
Good after noon sa inyong lahat.

Good afternoon sir.

Sabi ng mga security sa kanya.

Ipinapakilala ko nga pala sa inyo ang bagong makakatrabaho nyo, ito si Moreno! Dahil bago lang sya dito ang gusto ko pakitunguhan nyo sya ng maayos nagkakaintihan ba tayong lahat???

Yes sir.

Sabi ng mga ito.
Oo nga pala Agustin pwede mo ba syang ilibot sa buong supermarket para makabisado nya ang buong lugar??

Sige po sir! ---sabi nito saka bumaling sa akin---tara moreno!

Sige.

Naglakad kami sa hallway papasok ng frisking area ng mga empleyado, pagkatapos ay inilibot niya ako sa loob ng supermarket saka pinuntahan din namin ang sinasabi nila dun na extension warehouse. Malawak ito at mahabang padiretcho halos madadaan mo lahat, ang freezer kung saan nakaimbak ang mga frozen goods pati ang back door ng meat section sakop din ito maging ang stock room para sa mga fresh fruits and vegetables nandun din.

Mahaba itong extension warehouse natin, abot hanggang entrance ng supermarket. Bukod sa pasikot-sikot na daan, may dalawang exit. Ung isa sa may meat section at ung pangalawa malapit sa entrance. Sa una, maliligaw ka pero pag nasanay kana siguradong madali nalang sayo ang umikot dito.

Sabi nya habang naglalakad kami sa pasilyo ng warehouse, nasa baba lang kasi ito at likod lang ng selling area.

Aaa ganun po ba!

Minsan kailangan mo rin umikot dito yun kasi ang gusto ni sir.

Saka lumabas kami sa fruit section na malapit sa entrance mula sa loob ng warehouse. Palakad na kami papalabas ng selling area papuntang frisking area.

Oo nga pala. Paminsan-minsan mag cicivilian guard ka din para manghuli ng shoplifter. Dahil sa matao ang branch natin, hindi maiiwasan na may mga shoplifter na dumadayo dito. Kailangan maging alisto ka para hindi ka matakasan.

Okay po.

Dumaan kami sa bad order section kung saan nakalagay lahat ng items na paexpired na. Pumunta kami sa isang lumang elevator para umakyat sa isa pang warehouse kung saan nakalagay ang mga pagkain. Habang naghihintay kami sa tapat ng elevator.

At tsaka wag ka ng magsabi ng "po". Nakakatandang pakinggan E. Agustin nalang.

Sige, ikaw ang bahala.

Medyo natawa ako sa sinabi nya sa akin na yun.

Nang biglang may kumalabog, napatingin ako sa isang pintuan na nakalock.

Ano yun??

Wala yun baka tunog lang yun ng elevator may kalumaan na din kasi itong elevator natin. Tara!

Sabi nya Pagkabukas ng elevator.

Pagkasarado ng elevator pinindot nya ang botton sa fourth floor kung saan nandun ang isa pang warehouse. Ilang minuto lang at lumabas kaming dalawa mula sa elevator. Walang tao sa warehouse ng mga oras na yun, naka break ata ang bantay dun.

Pagsapit ng gabi dito ka naman pupunta para icheck kung wala ng tao.

Tiningnan ko ang buong lugar, sobrang lawak nito at maraming nakastock na sari-saring items. Pagkatapos nun ay bumalik kami sa baba.

Maging maayos naman ang unang linggo ko sa supermarket, madali ko ding naging close ang mga kapwa sekyu ko. Pero mas close kami ni agustin dahil sa magkababayan kami, taga bicol din sya kaya madali kaming nagkapalagayan ng loob.

Ang akala ko magiging maayos ang lahat sa una kong trabaho pero ngsimulang magbago ang lahat matapos ang tatlong linggo. Mula middle shift nilagay ako sa night shift kung saan talaga ako naka assign. Doon nagsimulang mag iba ang lahat at halos hindi ko inasahan ang mga sumunod na nangyari sa akin dun.

K W E N T O N G  B A Y A N  ( C O M P L E T E )Where stories live. Discover now