Chapter Twenty Six

306 14 0
                                    

Pagkapasok namin ng bahay ay nakasalubong namin si kuya.

"Hi kuya!"Bati ko sakanya sabay halik sa pisngi niya.

"Hello baby"Sabi niya at hinalikan ang noo ko." Akala ko ba mag babar kayo?Yun kasi ang sinabi ni nanay.Bro!Sabi niya at tinanguan si Evan na nasalikod ko at tinanguan din siya pabalik nito.

"Eh kasi kuya...dumating si Teo at nag eskandalo sa bar.Kaya naisipan nalang namin na dito nalang kami at saka dito ko nalang din sila naisipan na mag stay ngayong gabi"

"Gago talaga yang ex mong yan!wala na siyang ginawang tama."Iiling iling na sabi ni kuya."Mabuti at naisipan niyo na dito nalang,mas safe yun."

"Ay! Oo nga pala kuya,sila po pala si Denise kapatid ni Evan,si Kate and Jerome pinsan niya and sila Morris, Astaire and Cree naman mga kaibigan niya.Guys siya naman si kuya Gino ko."

"HELLO PO!"Bati nilang lahat.

Tumango naman si Kuya at kinawayan sila sabay ngiti."Hi!Oo nga pala kain muna kayo"Paanyaya niya na sinang-ayunan naman naming lahat.

"Nga pala bro..you wanna join us? mag-iinuman kami mamaya"Evan said to him.

"Sige ba!So?kain muna tayo?"

"OKAY!"Sigaw naming lahat."Ay!oo nga pala,mauna na kayo sa kusina sasabihan ko na muna ang mga kasambahay na ayusin ang mga guest room.Kaso kulang ng isang room eh"namomoblemang banggit ko.

"Kung ganuon iha,ba't hindi mo nalang patulugin si Evan sa kwarto mo?"Suhesyon ni Nanay.

"Okay lang love?pero kung Hindi naman pwede akong making share kina Cree"Tanung ni Evan

"Hindi,wag na love okay nayun.Sige po babalik din ako agad"Sabi ko at umalis para puntahan ang dalawa pa naming kasambahay.

"Excuse me?"

"Ay!ma'am magandang gabi po.May kailangan po kayo?"

"Ahm..pwede po bang pakiayos ng mga guest rooms?ngayon na sana kung okay lang?"

"Ay,oo naman po maam! Wala pong problema"

"Sige po,maraming salamat at kapag tapos na po kayo sa lahat ng gawain ay magpahinga narin po kayo"Nakangiting sabi ko sakanila.

"Eh,paano po kayo ng mga kaibigan mo?baka may kakailanganin pa po kayo?"

"Hindi na po,kami na po ang bahala don.Sige po thank you!"

"Sige po maam, salamat din po!"Ang bait talaga ni ma'am sobra! Rinig kong bulungan nila na ikinangiti ko nalang at nagtuloy tuloy na papunta sa dining room.

Naabutan ko silang lahat na masayang nag-uusap at pati narin si manang ay nakikisali sakanila.Umupo na ako sa upuan na katabi ni Evan."Ito love,kain kana"Sabi niya at nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

"Thank you love"Nakangiting sabi ko.

"So,kuya tapos kana pong mag-aral?"Dinig kong tanung ni Kate.

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon