Epilogue

467 13 0
                                    

Dumaan ang isang linggo at inuubos ko lang ang oras ko sa pag aasikaso ng restaurant at pagsama kay Evan sa date.Iyon Ang routine ko araw araw.

Nandito pala ako sa restaurant.Kasama ko si Molly."So kamusta naman kayo ni Evan?"

"Okay naman kami.Eh ikaw? Baka naman may gusto kanang ipakilala sakin.".Sabi ko habang kamakain ng meryenda.

Inirapan niya muna ako bago sumagot."Mukha ba akong may jowa? At saka hay nako! Sakit sa ulo lang yan"

"Sakit sa ulo?bakit ako?hindi naman sumasakit ang ulo ko kay Evan?"

"Eh mabait naman kasi si Evan"

"Exactly!Hindi lahat ng lalake sakit sa ulo.Why don't you give yourself a chance?"

"Diko alam,ayaw kong masaktan at maging tanga"Sabi niya.

"Alam mo Molly.Lahat ng nagmamahal nagiging tanga saka wala pa namang nagmamahal na hindi nasasaktan.Normal lang naman iyon.Kung gusto mong makita yung tao para sayo why not give yourself a chance diba?"Mahabang Lintanya ko.

Napatigil ako sa pagkain ko nang may nagtakip ng mata ko.Sa perfume palang alam ko na kung sino ito."Kumain kana?Tanong ko.Bumaling muna ito kay Molly bago ako sinagot."Hi Molly!"

"Hello Evan gwapo natin ngayon ah?"

"Naman!"Sabi niya kag Molly.

"Waite-"Naputol ang sanay sasabihin ko nang pigilan ako ni Evan."Huwag na love,magpapaalam lang ako"

"Magpapaalam? Bakit saan ka pupunta?"Nakakunot noong tanong ko."May pupuntahan lang love, titingnan ko lang yung sinasabi ko sayong plano kong bilhin na lote para sa new branch ng restaurant ko".

"O sige,pero mag-iingat ka sa pagmamaneho love ha.Huwag mo kalimutang tumawag sakin para hindi ako mag-alala okay?"Sabi ko at hinalikan siya sa noo.

"Yes love,I love you so much.Sobrang love kita.Thank you thank you..thank you for everything.I love you always"Sabi niya habang hinalik halikan ako sa buong mukha."I love you too always."

"Molly,ikaw na ang bahala si girlfriend ko ha"Baling niya kay Molly."Oo naman,ako pa!"

"Oh alis nako love, i love you"Sabi niya at niyakap ako at ginantihan ko naman siya.Hinalikan ko pa siya sa lips bago siya umalis.Bumalik naman ako sa pagkain nag-uusap lang kami ni Molly at maya maya lang ay umalis narin si Molly.

EVAN'S POV

Halos mag-iisang oras narin akong nagmamaneho.Medyo malayo layo pa kasi ang pupuntahan ko.Buti nalang wala masyadong sasakyan ngayon kaya dere deritso ang byahe ko nang biglang nahulog ang cellphone ko.Kaya naman inabot ko ito.Yumuko ako para maabot ito kaso sa pag-angat ko ng tingin ay nakita kong maypapasalubong na ten wheeler track sakin at parang nawawalan ito ng break.Sinubukan kong tabigin ang sinasakyan ko kaso tumama ito sa isang poste.And the next thing i know duguan na ang ulo ko at nawawala narin ang paningin ko.Hanggang sa nag dilim na ang lahat.

CLAIRE'S POV

"May iuutos ka po ba ma'am?"Tanong ng isang waiter ko."Wala na, sige na balik kana sa trabaho"Sabi ko.Habang busy ako sa pagtulong sa restaurant ay tumunog ang phone ko.

[Love!]Sabi ko sa kabilang linya.Ngunit nawala ang mga ngiti ko nang ibang tao ang sumagot sakin.

[Hello? Is this Ms.Claire Abuella?]

[Ye-yes]Paputol putol na Sabi ko.Kinakabahan ako.Mas kakaiba tu sa kaba ko noong nakaraan.

[This is from Misamis general Hospital i just wanna inform you ma'am na naaksidente po si Mr.Evan]Pagkadinig ko niyon ay halos hindi ako makatayo."Ma'am okay kalang po ba?"Tanong ng isang crew.Tumulo nalang bigla ang luha ko.Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko at tumakbo papunta sa sasakyan,buti nalang at senend sa number ko ang lugar ng aksidente.

Habang nagmamaneho ay tinatawagan ko si tita.

[Hello anak?]

Umiiyak ako habang pinipilit ang sarili na magsalita.[Anak? Bakit ka umiiyak?]

[Ti-tita...tita...]

[Iha bakit?Kinakabahan naman ako sayo.]

[Tita..si Evan naaksidente,tita si Evan huhuhu]Hagulhol na sabi ko kay tita.Narinig ko rin ang sigaw at Hagulhol ni Tita sa kabilang linya.Tinext ko sakanya ang address at duon nalang daw kami magkita.

Pagdating ko sa hospital ay nakita ko si Evan na nire revive ng doctor..Kahit na halos hindi nako makapaglakad sa sobrang hina ng tuhod ko at dahil sa takot sa posible kong makita ay pinilit ko parin na lumapit sa kinaruruunan ni Evan.

Pagkalapit ko sa kinaruruunan ni Evan ay napahagulhol nalang ako ng makita si Evan na puno ng dugo.Para akong mababaliw sa nakita ko.Dinaluhan ako ng mga nurse dahil hindi ko na talaga kaya.

Maya maya lang ay lumapit sakin ang doctor na kasama nila."Time of death, 1:30 pm."Anunsyo ng doktor ng nakatingin sa relo nito.."Ginawa na namin ang lahat para ma revive siya ma'am, i'm sorry for your lost"Para akong nabingi sa narinig ko.

Umiling iling ako."No..no..hindi..niloloko niyo lang ako diba?diba?!"Sigaw ko pero hindi nila ako sinagot.Binalingan ko ulit si Evan at sinuntok suntok ang dibdib ni Evan nagbabakasakaling baka magising siya kapag naramdaman niya ang sakit."Loveeeee... Love please..ple-please love don't leave me love.I love you so much love.Huwag naman ganito please...Love hindi ko kaya na Wala ka love!nagmamakaawa ako sayo please...huwag mokong iwan.Please love please"Hagulhol ko.Hindi ko siya binitawan hanggang sa dumating sila tita at tulad ko ay humahagulhol rin na nilapitan si Evan.

"Evan!!!"Umiiyak na dating ni tita lalo itong humagulhol pagkakita sa Wala ng buhay na katawan ni Evan."Wala na siya tita..Wala na huhuhuhu".Sabi ko at sabay kaming napa Hagulhol.

Si tito na ang umasikaso ng lahat dahil hindi na namin kayang asikasuhin pa iyon.Iyak lang ako ng iyak,hindi iniisip na baka mag mukha na akong baliw sa hospital.

Tinawagan ko ang pamilya ko upang ipaalam ang nangyari at tinawagan ko din sila Denise at Kate.

Tinawagan ko din si nanay na siyang agad namang sumunod sa hospital.Nag text sa akin sila mommy na uuwi sila bukas na bukas din.

Nakatulala lang ako,ni hindi tumitigil ang luha ko sa pag-agos.

"Kuya..."Hagulhol ko nang tumabi ito sa akin.Niyakap niya lang ako ng mahigpit at hindi ako iniwan.

Kinagabihan ay hindi ako umuwi,nag decide ako na manatili doon at bantayan si Evan.Lumapit ako sa coffin at tinitigan si Evan.Andoon na naman ang bigat sa dibdib ko."Love,dito lang ako.Mahal na mahal kita.I will always love you."

TO BE CONTINUED...

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon