Chapter 43

289 12 0
                                    

"Basta,nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap."Sabi ni nanay at iniwan na muna ako.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng malalim ng may nag text sa akin.Tinignan ko naman ito at napangiti nalang ako ng makitang si Evan ito.Tumayo narin ako at naglakad papunta sa room ko nang tumunog ulit ang phone ko and this time ay tawag na.

Tita Agnes Calling.....

Agad na sinagot ko ito pagkakita sa caller.

[Hello,po tita?]

[Claire anak?alam mo ba kung nasaan si Evan?Nag-aalala na kasi talaga ako sa kanya.May problema ba kayong dalawa?]Sunod-sunod na tanong ni Tita.Pumasok na muna ako sa room ko saka ako sumagot.

[May maliit na misunderstanding lang po kami tita,pero huwag po kayong mag-alala.Nagkita po kami kani okay naman po siya.Nasa condo po siya ni Cree]

[Sige iha salamat at saka pasensya na sa abala]

[Hindi po kayo abala tita,at saka wala po yun']

[Sige iha,sana maging okay na kayo]

[Sige po tita bye po,ingat]Sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Ayaw ko nalang sabihin kay tita na naghiwalay na kami ni Evan dahil baka ma stress siya.Maya-maya lang ay tumawag si Molly at sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari sa amin ni Evan.At tulad nalang ng sinabi ni nanay Beth ay iyon din ang sinabi niya sa akin.

Siguro ako talaga ang mali.Hindi ko din alam kung bakit sa lahat ng pwede kong gawin ay iyon pa.Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko sa mga ginagawa ni Evan sa sarili niya..Napabalik ako sa wisyo ng tumunog ang phone ko,kaya kinuha ko ito sa kama.

[Hello? Anong kailangan mo?]

[Ayaw paring bumalik sa akin ni Evan]

[Hindi ko na problema yun']

[Hindi mo problema? Diba nangako ka sa akin na ibibigay mo siya sakin'?]Galit na tanong nang nasa kabilang linya.

[First of all,wala akong naaalala na nangako ako sayo' at oo ipapahiram ko lang siya sayo para matupad yung hiling mo pero hindi ibig sabihin na ibinibigay ko siya sayo! Kung hindi mo alam magkaiba ang pinahiram sa binibigay!]

[Pwes!gumawa ka ng paraan para balikan niya ako!]

[Nakipaghiwalay nako sa kanya!Hindi paba sapat yun'?Kung ayaw niya parin sayo kahit na ipinagtatabuyan ko na siya,pwes!problema mo na yun'!Hindi ko hawak ang puso niya para diktahan siya kung sino ang mamahalin at pipiliin niya!]Sigaw ko sabay baba ng tawag.

Imbis na mag mukmok noong araw na iyon ay naisipan ko na pumunta nalang sa restaurant at gawing abala ang sarili ko.Nagdaan ang mga araw at dalawang linggo ay ganun lang ang routine ko.Maagang gigising at uubusin ang oras ko sa pag-aasikaso ng restaurant.

Isang hapon ay naisipan ko na mag grocery na muna bago umuwi.Pagka galing ko sa restaurant at dumeretso na ako sa mall kaso hindi palang ako nakakalabas ng sasakyan ay nakita ko ang dalawang taong hindi ko inaasahang makitang magkasama noong mga oras na iyon.

Habang nasa loob ng sasakyan ay nakita kong magkasama si Evan at Cheska.Nakasubit sa isang braso ni Evan Ang mga kamay ni Cheska.Gustong gusto ko siyang hilahin pero alam kong wala na akong karapatan sa kanya.

Kahit masakit ay tiniis ko lang ang lahat ng nakikita ko.Nakita ko kung paano landiin ni Cheska si Evan.Pero kahit na ganoon ay hindi ko mapigilang maging masaya nang makitang pilit na inilalayo ni Evan si Cheska sa kanya.

*****

EVAN'S POV

Kahit na ayaw ko ay wala akong magagawa kundi samahan si Cheska.Kanina pa ako nagtitimpi sa kanya.Kung hindi lang ako nangako kay Claire baka iniwan ko natu.

"Hon!doon naman tayo.."Sabi nito sa akin at hinila na naman ako sa isang botique.Wala na akong ibang magawa kundi ang bumuntong hininga nalang para pahabain ang natitira kong pasensya.

Kuha lang siya ng kuha ng mga damit na nagugustuhan niya,habang ako ay nakaupo lang at tinatanguan ko lang bawat damit na sinusukat niya.

"Eh Hindi ka naman tumitingin eh!tango ka ng tango pero hindi mo naman tinitigan ang mga sinusukat ko!"Reklamo niya pa.Napapikit ako ng sobrang diin para pigilan ang sarili kong masigawan siya.

"For Pete's sake!tigilan mo nanga iyan!Hindi ka pa ba napapagod?"

"Gusto ko lang eenjoy yung moment natu,na kasama kita.Ito yung pinapangarap ko na sana magkasama ulit tayo".

"Pinapangarap mo?"Tanong ko at nginisihan siya."Kaya pala naghanap ka ng iba"Sarkastikong sabi ko pa.

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang dalawang palad niya at iniharap ang mukha ko sa kanya."I'm sorry,hindi ko sinasadya yun.Promise ko sayo,hindi na ako magpapaagaw sa iba.Sayo lang ako."Malambing na sabi pa nito.Mas ikinainis ko ang mga sinabi niya.Kaya naman inalis ko ang mukha ko mula sa pagkakahawak niya at saka tumayo.Mabilis na naglakad ako palabas ng botique na iyon.Mabilis at halos tumakbo na siya para lang mahabol ako at saka pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagharang sa akin sa sanay daraanan ko.

"Okay,i'm sorry"Sabi niya pa at itinaas ang mga kamay,hindi alam ang gagawin kung hahawakan niya ba ako o lalayo sakin.

"Ipapaalala ko lang sayo Cheska,nandito ako dahil ito ang hinihiling at gusto ni Claire na gawin ko.But it doesn't mean na babalik ako sayo.I have no time for your drama's! Remember that...if ever that you forgot"Sabi ko sabay alis.

Agad na sumunod naman siya sa akin at pagdating namin sa parking lot ay pinulupot nanaman niya ang mga kamay sa isa kong braso,pilit ko itung tinatanggal at agad na lumayo sakanya.Papasok na sana ako sa passenger seat nang may mahagip ang mata ko sa hindi kalayuan sa pinanggagalingan namin.Pinikit ko pa ang mga mata ko saglit at saka nagmulat ulit upang alamin kung namamalik mata lang ba ako o baka sanhi lang ito ng pagkamis ko sakanya kaya kahit hanggang dito sa mall ay nakikita ko siya.Sa muling pagtingin ko rito ay hindi ko ito makita,napailing nalang ako sa sarili ko at agad na pumasok ng sasakyan.Sumunod naman si Cheska sakin at nagmaneho na ako para ihatid muna siya sa kanila.

******

A/N: Follow,Vote and Share 😊

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon