Chapter 40

273 11 0
                                    

"Mag-iingat kayong dalawa okay?"Bilin ni Tita Ruth.

"Opo tita"Sagot naman namin.

"Mamimis ko kayo ate Claire"Sabi ni Kate sabay lapit at yumakap sa akin.

"Mamimis din kita."Sabi ko at yumakap pabalik sakanya.Lumapit din ako kina Jerome and mama Cynthia upang yumakap at magpaalam sa mga ito. "Mag-iingat po kayo sa byahe"

"Kayo din iha.Evan ingat sa pagmamaneho."Bilin pa ni Mama Cynthia."Opo ma"Sagot ni Evan.Narinig naman namin ang Pagtawag sa flight number nila kaya naman niyakap pa muna nila kami saglit bago kinuha ang mga gamit nila at nung hindi na namin sila nakita ay saka lang kami umalis ni Evan.

"Love.."Tawag pansin ko kay Evan.

"Hmm?"

"Mall tayo?kung hindi ka busy"

Lumingon naman siya sa akin sandali saka sumagot."Sure love!"Sabi niya bago minaneobra ang sasakyan.

Pagkadating namin sa mall ay naisipan namin na mag arcade.Naglaro lang kami ng naglaro.Saka lang kami kumain nung naramdaman na namin ang gutom pareho.Kumain lang kami sa isang sikat na fast food and after that ay naisipan naming manood ng movie.

Nakasandal lang ako sakanya at tahimik na nanood ng movie.Habang nasa kalagitnaan kami ng panonood ay biglang nag ring ang phone ko.

Cheska Calling....

Pagkakita ko sa pangalan ng caller ay kinabahan ako bigla."Sino yan love?"Rinig kong tanong ni Evan kaya dali dali kong tinurn off ang phone ko at inilagay sa bag."No-Nothing love"Kinakabahang sabi ko at binigyan siya ng pilit na ngiti,mukhang nakombinse ko naman siya kaya binalik na niya ang atensyon niya sa pinapanood.

Pagkatapos naming manood ng movie ay nagpaalam muna ako sakanyang magpunta sa washroom.

Pagkapasok ko sa washroom ay agad na ini on ko ang phone ko.Timing naman na tumunog ulit ito.

"What?"

"Claire nasabi mo naba sakanya?"

"Sa tingin mo ganoon kadali iyon?"

"I know hindi madali Claire but please isang buwan lang Claire,iyun lang ang hihilingin ko"

"Give me time Cheska"Sabi ko at binaba ang tawag saka ko inayos ang sarili ko at lumabas ng banyo.

Pagkalabas ko ay naisipan narin namin na umuwi na.Pagka dating namin sa tapat ng bahay namin ay pinag buksan at inalalayan ako ni Evan pababa ng kotse.

"Evan..."Tawag ko sakanya.

"Hmm?bakit ka umiiyak love?"Nagtatakang tanong niya,akmang lalapitan niya ako nang lumayo ako sakanya.

"Love...may problema ba?"

"Let's take a break"

"Break? What do you mean?"

"Maghiwalay na muna tayo"Sabi ko at gulat na napatingin siya sa akin.

"Maghiwalay? Bakit?may nagawa ba akong mali?"Tanong niya sabay lapit sa akin.Pilit na binabawi ko naman ang mga braso ko sa pagkakahawak niya.

"Love no... please don't do this to me ..."Nagmamakaawang sabi niya sa akin.

"Umalis kana..."Umiiyak na sabi ko at tumalikod na ng biglang hilahin niya ako papalapit sakanya at niyakap.

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon