Chapter 42

268 14 0
                                    

Pagkapasok ko sa banyo ay agad na nakita ko si Evan na nakasalampak sa sahig kaya dali-dali akong tumakbo papunta sakanya.Nakita ko siyang sobrang basa dahil sa tubig mula sa shower.Agad na pinatay ko ito at kumuha ng bathrobe para ibalot sakanya.

Napansin ko ang dalawang balikat niya na tumataas baba senyales na umiiyak siya.Hinayaan ko lang siyang umiyak ,hanggang sa narinig kong humahagulhol na siya.Hindi ko maiwasang masaktan sa nakikita ko.

Kaya naman tumayo ako at nilapitan siya."Evan.. let's go.Magkakasakit ka niyan.."Sabi ko sabay tumingala para mapigilan ang luha kong nagbabadya ng tumulo.

"Bakit?"Tanong niya.Iyon palang ang sinasabi niya pero sobrang nasasaktan na ako.Tumingala siya sa akin saka nagsalita."Bakit iniwan moko? May mali ba sakin?"Sunod sunod na tanong niya at bigla nalang siyang lumapit sakin at lumuhod sa harapan ko.Niyakap niya ang dalawang braso sa akin habang ang mukha ay nakasubsob sa may tiyan ko at humahagulhol.

"Love, please.I promise kung ano mang ayaw mo sa akin,babaguhin ko huwag mo lang akong iiwan."Hagulhol na sabi niya sanhi ng pagtulo ng mga luhang pilit kong pinipigilan.

Umiiyak na lumuhod ako sa harapan niya at inangat ang mukha niya.Hindi ko mapigilang mapapikit sa nakikita ko."Hindi naman kita iniwan...walang mali sayo.Ayaw ko lang maging selfish.Naiintindihan kita,pero at the same time naiintindihan ko din si Cheska,gusto kalang din niyang makasama kahit sa maiksing panahon lang". Paliwanag ko sakanya.

Umiling siya saka tinignan ako sa mga mata."I want to be with you.Handa kang ibigay ang gusto niya kahit masaktan ako?"Tanong niya na nakapagpapigil sa akin.

"Love..hindi naman sa ganun.Alam ko na maintindihan mo ako,please kahit ito lang.One month lang"

"Paano kapag ginawa ko ang gusto mo?paano kung makahanap ka ng iba?Love...i don't want to see you with someone else.."

Hinarap ko ang mukha niya sa akin at pinatitigan siya sa mga mata."Promise...ikaw lang.Hihintayin kita okay?"Paninigurado ko sakanya.

Tumango naman siya sa sinabi ko.Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya."I love you.."Emosyonal na sa sabi ko.

"I love you too,so much"Sagot niya sa akin at hinalikan ang mga kamay ko.

"Maligo kana.Magkakasakit ka sa ginagawa mo.Kapag ikaw nagkasakit sasapakin talaga kita.."Banta ko sa kanya na ikinatawa niya.Inalalayan ko siyang tuamayo at inayos ang buhok niya.Hinalikan ko pa siya ulit bago lumabas ng banyo."I'll wait for you outside".

Pagkalabas ko ay naghanap agad ako ng maisusuot niya.Mga ilang minuto lang ay lumabas na siya ng banyo."Evan,uuwi na ako.Huwag mong kalimutang i lock ang pinto."Sabi ko sabay kuha ng bag ko.Tinignan ko siya ng walang makuhang sagot mula dito.At nakita kong sobrang simangot ng mukha niya.

"What?"

"Evan? Really?"Hindi makapaniwalang tanong niya na ikinatawa ko.

"Hahahaha love then.Aalis na ako"Sabi ko at maglalakad na sana palabas kaso pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pag yakap sa akin mula sa likuran.

"Love,stay with me.Pleaseeee"Humarap naman ako sakanya at saka sinukbit ang dalawang braso ko sa leeg niya."Sige na nga... pasalamat ka talaga mahal kita......"Sabi ko sa kanya sabay pisil ng ilong niya.

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon