Chapter 44

356 12 0
                                    

Pinapanood ko lang sila Evan sa parking lot nang bigla itong tumingin sa gawi ko.Sa sobrang kaba ko na baka makita niya ako at pinaharurot ko  na paalais ang kotse ko.

*****

Beyernes pala ngayon,naisipan ko na dito muna sa bahay.Habang pababa ako ng hagdan ay nakita ko si nanay na nakahawak ang isang kamay sa may sentido niya at ang Isa ay nakakapit sa may cabinet,kaya naman dali dali ko siyang dinaluhan.

"Nay,nahihilo ka po ba?dadalhin na kita sa hospital"Nag-aalalang tanong ko.

"Hindi na anak,wala lang ito".

"Pero nay,hindi po pwede.Halika na nay".Sabi ko pa,ayaw niya pa sana kaya lang ay pinilit ko siya.

"Dok,kamusta po yung results?"

"So far,wala naman akong nakikitang malubhang karamdaman kay nanay".

"Eh bakit po siya nahihilo?"

"Sanhi lang ng pagod,kailangan niyang magpahinga lalo na at may edad narin si nanay"Paliwanag nito.Nakahinga naman ako ng maayos.

"Sige po doc, thank you po".Paalam ko.

"Sabi ko naman kasi sayo anak,wala lang Ito."

"Nay,mabuti na yung sigurado tayo".Habang naglalakad kami ni nanay sa hallway ay nakita ko si Cheska.Kaya naman nagpaalam muna ako kay nanay at pinaupo muna siya malapit sa may nurse station."Nay,may titignan lang po ako saglit ha".Sabi ko at nang tumango siya ay agad na sinundan ko si Cheska at buti nalang hindi pa ito nakakalayo.

Nakita ko siyang pumasok sa isang room at buti nalang nakaawang ang pinto niyon kaya hindi ako nahirapan na pakinggan kung ano man ang magiging  usapan nila ng isang doktor.

Pagkasilip ko ay nagulat ako ng makita ko kung paano halikan ni Cheska ang doktor.Mga ilang segudo din ay nag hiwalay na sila.

May kinuhang brown envelope ang doktor at ibinigay ito kay Cheska.

"Here"

"Make sure,na walang makakaalam nito!"

"Of course"Sagot ng doktok.Nang makita kong tumayo na sila ay dali dali akong tumalikod upang hindi nila ako makita. Pagka daan ni Cheska sa harapan ko ay ma's lalo pa akong tumalikod ,nag panggap ako na may hinihintay.Nang maka daan na siya ay saka ko siya maingat na sinundan.Sakto namang ng nasa mas malapit na ako sa kanya ay may naka bungguan siyang babae at nahulog ang envelope na hawak niya kaya dali dali ko itong pinulot at walang lingon lingong naglakad.Narinig ko pa ang sigaw niya habang hinahanap ang envelope.Binalikan ko lang si nanay at inihatid sa bahay.Tinignan ko din ang laman ng envelope kung saan nakita ko ang mga fake results na ipinakita niya sa akin.

Nang araw din na iyon ay pumunta  ako sa unit ni Cree.Sasakay na sana ako ng elevator nang makita ko uli si Cheska na pumasok sa washroom kaya sinundan ko siya.Parang may kausap siya sa kabilang linya.

[Siguraduhin mo talaga na walang makakaalam na fake yung results na binigay ko kay Claire,dahil kapag sumabit ka pati ako masasabit dito!"Dinig kong sabi ni Cheska.Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong pumasok at walang habas na hinila nalang basta ang buhok niya.

Nagsisisigaw lang siya.Hindi parin ako nagpaawat at hinila siya palabas at sinabunutan ko ulit siya.Nagtakbuhan naman ang ilang mga security guards at inawat kami.

Lumapit ako sakanya sabay turo."Ang kapal ng mukha mo!ipinagkatiwala ko ang taong mahal ko para lang mapagbigyan yang gusto mo,tapos malalaman ko na kasinungalingan lang pala lahattt?!Sigaw ko at saka lumapit ulit sakanya at saka sabay sampal ng malakas.

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon