Chapter Ten

496 36 0
                                    

Sa wakas nakarating rin kami sa patutunguhan namin at masasabi kong napakaganda ng lugar sobra.

Sobrang namangha ako sabi niya tinatawag daw nila itong strawberry hills,napaka relaxing ng lugar at napakaganda pa ng tanawin at sobrang tahimik.Parang gusto kong tumira dito.

Nilibot ko ang aking paningin at nakikita ko na yung mga tanim na strawberries ang ganda nilang tignan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Nilibot ko ang aking paningin at nakikita ko na yung mga tanim na strawberries ang ganda nilang tignan.Napaka perpekto ng lugar nato.

"Nagustuhan mo ba ang lugar?

"OF COURSE!"sigaw ko pa habang tumatango.

"Buti naman akala ko di mo magugustuhan eh".

"Hay nako..Evan sino bang hindi magagandahan sa lugar natu? Tignan mo nga napaka perpekto ng lugar natu"sabi ko pa habang nakapamaywang.

Dahil sa sobrang ganda talaga ng lugar diko na napigilan pang kumuha ng litrato.

Itinapat ko ang camera sa aming dalawa at kumuha ng litrato naming dalawa,naisipan nadin namin mag dinner and after that dahil sa gabi narin napag pasyahan naming dalawa na ipagpabukas nalang ang pag-uwi dahil gabi narin masyado at dilikado na sa daan.

"Ah Claire oo nga pala pasensya kana iisang room lang kasi ang
nakuha ko eh, pero di bale pwede naman ako sa kotse"sabi niya sa tuno ng nahihiya.

"Hindi okay lang kong gusto mo share nalang tayo,Wala namang problem sakin eh"pagtanggi ko pa sa sinabi niya.

"Sure ka okay lang?"paninigurong  tanong niya.

"Oo naman saka alam ko naman na mabait kang tao eh saka alam ko din na wala kang gagawing masama sakin".sabi ko pa at ngumiti.

Pumasok na kami sa kwarto matapos naming makapaghapunan at hindi parin matapos tapos ang paghanga ko lalo na nang tuluyan na kaming makapasok.

"Ang ganda talaga dito"sabi ko pa habang nililibot ko ang maningin sa kwarto nayon.

"Yup agree,kaya nga nung naghahanap ako ng lugar na pagdadalhan sayo at nakita ko ang lugar na ito ay kumuha agad ako ng reservation."sabi niya sakin ng nakangiti.

Ngumiti din ako pabalik sakanya."Salamat,dahil dinala moko dito nakakarelax ang lugar nato".

"Oo nga pala maliligo muna ako."sabi ko pa at pumasok na ng banyo.

Habang naliligo ako iniisip ko Kung paano ko sasabihin sakanya ang naging desisyon ko.pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang bathrobe.Paglabas ko ng banyo ay nakita ko siyang parang may inaayos.

"Anong ginagawa mo?". Tanong ko pa sakanya.

"Ah ito ba pasensya na diko nasabi sayo actually binilhan kita ng damit bago Kita niyaya dito kasi baka kinabukasan na tayo makauwi."Sabi niya pa at nakaturo sa mga damit na nasa kama.

"Ah ganun ba,thank you so much".

"Don't mention it"he said while smiling at me.Pagkatapos niyang magligpit ay siya naman ang naligo at ako naman ay nagmadali ng magbihis at ng makalabas na siya ay nakahiga na ako.

"Evan?"pagtawag ko sakanya.

"Hmmm..?"sagot niya naman habang ang mga paningin ay nasa damit niya na kanyang nililigpit.

"May sasabihin sana ako sayo,tungkol sa mga sinabi mo sakin nung minsang lumabas tayo."

"Ano ang tungkol duon?" tanong niya sakin pabalik habang nakangiti ng bahagya.

Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko sa sobrang kaba."PUMAPAYAG NAKO!"pikit matang naisigaw ko dahil sa kahihiyan, ngunit napamulat din ako agad ng marinig ko ang kanyang tawa.

"Hahahahahaha"pagtawa niya pa sa sinabi ko.

"Ano ba!ano bang nakakatawa sa mga sinabi ko ha?"pikon na pikon na sigaw ko sakanya.

"Okay sorry na".Sabi niya sakin at lumakad papunta sakin at niyakap niya ako pagkaupo sa kama,nararamdaman ko parin na nagpipigil siya sakanyang tawa kaya diko na napigilang hampasin siya sa  balikat.

"Nakakainis ka naman eh!habang ako kinakabahan sa pag amin sayo ikaw naman tatawanan lang ako".sabi ko habang naka pout pa.Nakita ko naman siyang nakangiti.

"Tumawa ako kasi ang cute mong tingnan but seriously payag kanang ligawan Kita?"huminga ako ng malalim at tumitig sakanyang mukha.

"Oo pumapayag nako"tatango tango kong sabi habang may ngiti sa mga labi.

Naramdaman ko nalang na hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo."Claire alam kong hindi ako perpektong tao,di ako mangangako na hindi kita masasaktan pero pinapangako ko papasayahin kita sa abot ng makakaya ko at poprotektahan kita"seryosong sabi niya sakin at mas lalo pang hinig pitan ang akap sakin.

Natulog kami sa gabing iyon na may ngiti sa aming mga labi.Kinaumagahan ay nagising ako sa sinag ng araw,naramdaman ko rin ang mga brasong naka palibot sa bewang ko .

Tinignan ko ang kamay ni Evan na nasa bewang ko at napangiti nalang ako bigla ng maisip ko ang mga nangyari kagabi.Sobrang saya ko pakiramdam ko ngayon lang ulit ako naging masaya ng ganito pagkatapos ng mga napagdaanan ko at lahat ng iyon ay dahil sakanya.

Ang gwapo niya talaga,maamo ang mukha,matangos ang ilong may mahabang pilik mata ,mapula ang labi napaka perpekto niyang tignan.Dahan dahan akong bumangon at tinanggal ang mga braso niya,papatayo na sana ako nang biglang hinila niya ako kaya napahiga ako bigla.

"Hahhahahaha,ano ba!mag-aayos nako."sabi ko at pabirong hinampas siya sa braso."Bitawan mo nako ano ba.."sabi ko pa ulit.Narinig ko siyang tumawa at imbes na pakawalan  ako eh kiniliti niya pa ako.Kaya tuloy naghahabol ako ng hinga nang tumigil siya sa pagkiliti sakin.

"Sige na mag-ayos kana."sabi niya,ngumiti ako sakanya at hinawakan siya sa mukha.

"Okay!maliligo muna ako,Good morning!"sabi ko pagkatayo ko."hmm, good morning"sagot niya sakin at tinanguan ako.

Pagkatapos namin dalawa mag-ayos ay lumabas narin kami para mag breakfast,mas lalong gumaganda ang paligid lalo na at nadadagdagan ng araw ang ganda ng view.

Napatingin ako sakanya ng maramdaman ko ang titig niya sakin."Oh ano? Bat nakatitig ka sakin?"tanong ko pa sakanya habang kumakain kami.

"Wala lang..para kasing nananaginip lang ako di parin pumapasok sa utak ko na ganito... na binigyan moko ng chance na ipakita at iparamdam sayo ang nararamdaman ko."seryosong sabi niya at kinuha ang kamay ko.

Natawa ako sakanya"Bakit naman hindi? Mabait ka saka wala akong nakikitang dahilan para dika pagbigyan"i said habang nakatingin sakanya.

"Thank you".

"Thank you for what?" kunot nuo kung tanong sakanya.

"Thank you sa chance,I know hindi madali para sayo na magtiwala ulit after ng ginawa ng ex mo pero binigay mo parin sakin ang tiwala mo.Hindi man ako perpekto pero gagawin lahat sa abot ng makakaya ko na pasayahin ka." sabi niya na may nagingilid na luha.Ngumiti nalang ako sakanya at pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay napagka desisyonan namin na umuwi na.

To be continued...

Hi everyone thank you for supporting my story.Pasensya na kayo at diko ma upload lahat ng pic ng lugar pero kung gusto niyo po makita search niyo nalang po ang strawberry hills.

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon