Chapter Thirty-two

299 15 0
                                    

MOLLY'S POV

Hi everyone!!! Sa wakas nagka pov din.Hayssss...sobrang swerte talaga ng best friend ko.May boyfriend siyang mahal na mahal siya samantalang ako ayyy iwannn..Nakaka inggit silang tignan dalawa ni Evan.

"Titig na titig tayo ah, nakakainggit ba?.." Nagulat naman ako ng may bigla nalang bumulong sa mismong tainga ko."Ay kabayo!"Naisigaw ko pa,binigyan ko naman ng matalim na tingin ang salarin sa pagka gulat ko at imbis na masindak ay tinawanan niya lang ako."Hahahha,anong kabayo? Nasa airport tayo tapos ang hinahanap mo kabayo?"Tawang sabi niya habang nakahawak pa sa tiyan niya.

"Walang hiya ka talaga!...kapag ako nakaganti sayo...humanda ka talaga!"Sabi ko at pinaghahampas siya.Nabigla naman ako ng inikot niya ako bigla at niyakap bigla ang isang braso niya sa leeg ko.Bale nakaharap sakanya ang likod ko.(kayo na bahalang mag imagine heheh).Nanindig naman  mga balahibo ko ng ilapit niya ang bibig niya sa mismong tainga ko."Ba't hindi nalang maging tayo?"Sabi niya na ikinapula ko.

"Hoy!Unggoy! Tigilan moko ha..at saka bitawan mo nga ako.."Sabi ko at pilit na bumibitaw sakanya.Binitawan niya naman ako kaso nung akmang aalis nako ay bigla niya nalang akong hinila pabalik.Bigla naman akong kinabahan na baka mapansin kami ng mga kasama namin."Ano ba!"mahinang sabi ko sakanya.

"Tayo nalang kasi..."Sabi niya pa."Hoy! Wala sa plano ko ang pumatol sa isang babaerong katulad mo nuh!"Sabi ko at tinaggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at buti naman di niya nako pinahirapan saka ako umalis at lumapit sa kinaroroonan nila Claire.

Nakasimangot naman akong pumunta kina Claire."Anong nangyari sayo? Ba't nakasimangot ka?"Tanung ni Claire pagka lapit ko."May Unggoy na asungot kasi akong nakita..umagang umaga".Sabi ko habang umiirap, napatingin naman ako sa gawi nung unggoy nayun at mas lalo akong nainis ng makita ko siyang nakangising nakatingin sakin.Narinig ko namang bumuntung hininga si Claire bago magsalita."Wala na talaga kayong pag-asa ni kuya...diko talaga magets kung bakit hindi kayo magkasundo".

"Unggoy kasi yang kuya mo!"Sabi ko at narinig ko naman na tumawa si Evan dahil sa sinabi ko.Kaya naman sinamaan ko din siya ng tingin.Tinaas naman niya ang dalawa niyang kamay na parang sinasabi na suko na siya,pero nagpipigil parin ng tawa."Pppffftt malay mo.. magkatuluyan kayo.."

"Hoy Evan! Hindi mo ba naisip na sobrang nakakasuka nayang sinasabi mo? Ako na tao?"Turo ko pa sa sarili ko."Papatol sa isang unggoy na tulad niya? MALABO!"Sabi ko at natigil naman yung sanay sasabihin niya nang tawagin na ang number ng flight namin.Kaya naman dali dali kong hinila ang maleta ko para hindi ko makasabay si Gino.

CLAIRE'S POV

Pagkaalis ni Molly ay napatingin naman ako dito sa kasama ko. "Alam mo love,magkapareho lang kayo ng kuya ko".

"Hindi noh!tao kaya ako..tapos yung kuya mo unggoy daw according to Molly Pffftt".Sabi niya na tumatawa.Kinuha naman niya ang mga gamit namin at siya na ang nag dala.Sumunod naman na samin sila mom at ang iba pang mga kasama.

Napagdesisyonan pala namin na huwag muna kaming pumunta sa condo ni Denise, bukas nalang sa mismong birthday niya.Sa hotel nalang muna kami."Inaantok ka love?"Rinig kong tanung ni Evan."Hindi pa naman love...ikaw baka inaantok ka tulog ka muna.."Sabi ko at pumikit naman na siya.Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya,naisipan ko na kunin ang phone ko at picturan siya.Nakangiting pinagmasdan ko pa siya saka ako pumikit para matulog.

*******
CLAIRE'S POV

Ang tagal din ng naging byahe namin at ito nanga sa wakas dumating narin kami. " Grabe ang sakit na ng likod ko.."Sabi ni Astaire."Oo nga..sobra" Sang ayon naman ni Cree.Naunang bumaba sila mom kasama sila tita Agnes,saka kami sumunod na bumaba.At kung itatanong niyo kung kasama namin si Nicole at ate Elly ay oo,kasama namin.Gusto din kasi nilang makilala si Denise.

Nakita naman namin agad ang sasakyan na siyang maghahatid sa amin sa hotel na tutuluyan namin.

"Guy's..pahinga na muna tayo saglit sa hotel saka tayo mamili para sa gagamitin natin bukas".Sabi ni Evan."Okay!"Sabi ng lahat.

"Kuya,daan tayo ng mall mamaya ha...bibili pa kasi ako ng gift  para Kay Denise"Sabi ni Kate."Okay".

Maya-maya lang ay nakarating narin kami.Pumunta na kami sa receptionist area and after that saka kami pumunta sa mga room namin."Everyone,after 30 minutes bumaba kayo dahil kakain na muna tayo bago tayo mag iikot ikot"Sabi ni Mommy.

Kaya ayun nga dumeretso na kami sa mga room namin.Kasama ko nga pala sa iisang room si Evan."Ang sakit ng likod koooo..."Ungot ko at dumeretso ng  higa sa kama pagkapasok namin."Okay kalang love?gusto mo i massage kita?"Tanong niya pagkalapit sakin at bahagyang minasahe ang likod ko.Nakatagilid kasi ako ng higa at nasa may likuran ko siya.

"Hmmmm...."Nakapikit na ungol ko, ipinagpatuloy niya lang ang pagmasahe sakin, hanggang sa naramdaman ko nalang ang labi niya na humahalik sa leeg ko,na lalong nakapagpakit sakin."I love you love.."Malambing na sabi niya,binago ko naman ang pagkakahiga ko at hinarap siya.Dahan dahan siyang dumagan sakin habang nakatingin sa mga mata ko.Pinulupot ko naman ang mga braso ko sa leeg niya at saka siya hinalikan."I love you too love.."Sabi ko matapos siyang halikan.

Inilapit niya ang mukha sakin at hinalikan ako.Mga ilang minuto na ang lumipas ay ma's lalong lumalalim ang halikan namin hanggang sa naramdaman ko na ang mga halik niya sa may leeg ko at ang mga kamay niyang naglalakbay sa buong katawan ko.

Habang tumatagal ay nagiging iba na ang pakiramdam ko.Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya sakin.A few more minutes later he's undressing me already.And the rest is history.

TI BE CONTINUED...

*****

Hi guys! I'm sorry napaka lame ng BS at hindi din details,hindi kopa kasi kayang magsulat ng BS and also this is the first time na nagsulat ako ng story.Sa lahat po ng readers thank you for reading and supporting my story.Sana I support niyo po ito hanggang sa huli...😊

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon