Chapter Thirteen

415 28 0
                                    


Hi to my very supportive friend Chelsea!!

She's also a photographer kung gusto niyo po makita ang mga na captured niya just follow her sa instagram😊

@itookthesebefore

Enjoy reading everyone!

________________

Habang nagmamaneho si Evan ay hawak hawak niya parin ang isang kamay ko,kaya diko mapigilang kiligin sa mga gestures niya at bago niya pa mahalata ang pamumula ng mukha ko ay bumaling nalang ako sa labas.

Dahil sa sobrang tahimik ay naisipan ko nalang na magpatugtog at dahil Hindi naman siya umangal kaya naisip ko na baka okay lang sakanya .

Sa hindi ko malaman lamang kadahilanan ay ayun nanaman yung paborito kong kanta na Tadhana.Hayssss parang kami ata ang pinatatamaan ng kanta.

Para bang ginawa ang kanta para saming dalawa.

Napatingin ako sa gawi niya ng pisilin niya ang kamay ko,at napangiti nalang ako sakanya ng sandaling sulyapan niya ako.

Mga ilang minuto lang ay nakarating narin kami sa bahay.

“ Pasok ka muna.”Anyaya ko sakanya. “Sure” sagot naman niya kaya pumasok na kami.

“Good evening iha,iho” bati sakin ni nanay beth pagka pasok namin sa sala.

“Good evening po nay” bati ko pabalik dito at niyakap siya sandali.“Nay ito nga po pala si Evan hmm… manliligaw ko po at Evan ito pala si nanay Beth siya ang tinuturi kong pangalawang nanay,siya ang nag-aalaga samin kapag wala sina mommy.”

“Magandang gabi po”magalang na bati ni Evan.

“Magandang gabi naman iho,kumain muna kayo nagluto ako ng sinigang”.sabi niya samin ng nakangiti.

Nagkatinginan kami ni Evan at sabay na natawa.“Busog pa po kami nay eh, kumain po kasi kami sa restaurant ni Evan bago umuwi,kayo po nay kumain na po kayo” .

Tinignan niya kaming dalawa.“Siya sige,kung may kailangan kayo tawagin niyo na lamang ako ha”.

“Sige po nay” Yun nalang ang nasabi ko at inayang maupo si Evan.

“Ba’t ganyan ka makatingin sakin?”tanong ko nang mahuli ko siyang tumititig sakin.

“Wala naman,naisip ko lang sobrang swerte ng mga kasambahay niyo at nagkaroon sila ng amo na kasing bait ninyo,hindi naman lahat ha pero kasi kadalasan sa mga mayayaman alam mo na…di marunong makisama.Pero kayo itinuturing niyo silang pamilya.”

“Mabait naman sila eh saka ginawa nila lahat para pagsilbihan at magawa nila ng maayos ang mga trabaho nila,wala namang mawawala kung rerespituhin namin sila kasi deserve naman nila yun.”sabi ko.

“Matagal na si Manang Beth sainyo?”

Tumango ako.“Oo di palang naipapanganak si kuya ay nandiyan na siya,kaya laking pasasalamat nila mommy sakanya dahil kahit na may sarili siyang pamilya pinili niya parin na alagaan kami.”

“ Maswerte siya sa inyo at maswerte din ako sayo”sabi niya at napabaling tuloy ako sakanya.

“Paano mo naman nasabi na swerte ka sakin eh pakiramdam ko mas swerte ako sayo”.

“Edi swerte tayo para sa isa't isa” pagsukong Sabi niya pa at napailing nalang ako sa mga banat niya.

Maya maya din ay nagpaalam na siya na uuwi na at bago siya umuwi ay pinabaunan ko muna siya ng sinigang.

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon