Chapter Thirty-eight

272 15 0
                                    

Tulad ng sinabi ko kay Evan ay doon nga ako nagpalipas ng gabi sa kanila.Pagdating namin sa kanila ay nakita namin ang family niya sa may sala.Nakipag-usap na muna kami sa kanila sandali bago pumanhik sa kwarto,saka ko naman tinawagan si nanay na hindi ako makakauwi.

Agad din naman kaming nakatulog noong gabing iyon.Pagka gising ko kinabukasan ay tulog pa si Evan kaya naman hinayaan ko nalang muna siyang matulog at ako naman ay tumayo para gawin ang morning routine ko.

Pagkalabas ko ng banyo ay nadatnan ko si Evan na nakaupo sa kama at may hawak hawak na parang isang notebook."Good morning love "Bati ko sakanya pagkalapit at umupo sa tabi niya."Ano yan love?"Tanong ko habang nakatingin sa hawak niya.

"Gift ko sayo love"Sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya."Gift?Kakabigay mo lang ng gift sakin diba?"

"Iba naman ito love.."Sabi niya sabay abot saakin.

"Diary?Para saan naman ito?"

"Isusulat mo lahat ng gusto mong sabihin sa diary nayan love or kung anong nangyayari sa buhay mo"Paliwanag niya.

"I know love..pero hindi ko naman na kailangan nito.At saka nandito ka naman para makausap ko."

"Oo nga love..pero baka lang naman may mga bagay na gusto mong sabihin pero hindi mo masabi.Mas madali na isulat mo nalang iyon love diba? "

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot sa kanya."Okay,thank you.I love you"Sabi ko at hinalikan siya.

"I love you too.Mauna kana sa baba love.Ligo muna ako."Sabi niya at hinagkan ako sa noo.Bago pumasok sa banyo.Ako naman ay naunang bumaba.

Pagkababa ko ay walang ni isang tao akong nakita sa sala kaya naman dumeretso nako sa kusina."Good morning everyone!"Ngiting bati ko sa kanila at saka sila nilapitan isa isa.

"Good morning iha.Kain kana."Pag-anyaya ni tita Agnes.Agad naman akong umupo sa nang makita kong may dalawa pang bakanteng upuan na tiyak kong para sa amin ni Evan.Bumati din sa akin ang iba.

"Oo nga pala iha, where's Evan?"Tanong ni Tito.

"Naliligo pa po Tito"Sagot ko at tumango tango naman ito.

"Siya nga pala Claire.Uuwi na kami bukas"Sabi ni Tita Ruth.

"Po?"Gulat na tanong ko."Biglaan po ata?"

"May negosyo pa kasi iha eh."Sagot ni mama Taña

"Nakakalungkot naman yun"Sabi ko pa sa may paghihinayang na tuno.

"Oo nga ate Claire eh...mamimis kita"Malungkot na sabi ni Kate.Bigla namang dumating si Evan at umupo sa tabi ko.Agad na pinaglagyan ko naman siya ng pagkain

"Thanks love.."

"Oh? Ang lungkot niyo ata?"Tanong niya.

"Aalis nadaw kasi sila mama Cynthia bukas love."

"Hindi bali iha,babalik kami dito at sisiguraduhin namin na mas matagal tagal kaming mananatili dito."Nakangiting ani ni Mama Cynthia.

"Oo nga ate.Para more bonding"Sabi ni Kate na sumandal pa sa akin.Nginitian ko naman sila.

"Pwede naman love na dumalaw tayo sa kanila kapag free tayo."Sabi ni Evan.Kaya napabaling naman ang tingin ko sakanya.

"Our Time" Complete ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon