Chapter Twenty: 2nd Mission(On the way)

54 4 0
                                    

Ashianna's Point of view.

Umaga pa lang at pinatawag na agad kami sa council room para sa mission namin. Naayos na namin lahat ng dadalhin namin para aalis na kami pagkabigay ng lokasyon.

"Sa bundok sa bayan ng Hanna. Doon nila dinala ang mga kinuha nilang estudyante. Sasalubungin kayo doon ng namumuno sa kanilang bayan." Lahat kami ay tumango. Malayo ang bayan ng Hanna dito. Iyon ang pinakamaliit na bayan dito at pinakamalayo mula saamin kaya hindi na ako nasopresa na doon sila dinala.

"May makakasama kayo sa inyong misyon" nagtaka naman kami. The last time I know kami-kami lang ang sinabihan.

Nagulat ako ng biglang pumasok si Ryan. Ryan Dei Chan. 2nd Rank.

"Simula ngayon ay kasama na sya sa inyong mga misyon pati sa inyong klase." Muling Sabi ng pinakamatandang konseho.

"Ryan brooo! Welcome back!" Agad naman syang sinalubong ni Jackson at Charlie. Tanging ngisi ang ginanti nya.

"Humayo na kayo. Nais kong bumalik kayo pagtapos ng inyong tungkulin. Nais ko ding bumalik kayo ng ligtas" ang makapangyarihang boses ng pinuno ng konseho ay umalingawngaw sa buong silid.

"Nag-aalala ka ba para sa iyong anak?" Sumilay ang isang mapaglarong ngisi doon sa babaeng sinagot ko noon.

"Habang nakaupo ka sa upuang iyan ay isa kang pinuno at hindi ama. Hindi dapat maaapektuhan ang iyong mga pasya dahil isa sa iyong anak ay sasabak sa misyon" habang palabas kami ay narinig namin iyon. Kaya napahinto kami.

"Mas nag-aalala ako sa mga makakaharap ng mga anak ko. Ang mga batang nasa harap mo ay tinuturing kong anak." Gumanti ng ngisi si Papa. Ngunit nahalata ko na parang double meaning yung 'mga anak ko'.

Unti-unting nawala ang ngisi sa labi nung babae kaya umalis na din kami. Nakangisi naman sila Jackson at Charlie.

My father is a sweet man. Kahit na seryoso kaya nya maging sweet type of person. Katulad kanina.

"Brooo! Pumayag ka na? Na sa section ka na namin?!" Mas excited pa ata si Jackson kesa sa lilipat samin.

Nasa pinakaharap si Aljay at Ate Natalia para i-lead ang group namin. Sa likod naman nila ay si Kuta Drake na tumutulong sa kanila. Sunod naman ay si Karina at Maxine, sa likod nila ay ako at ang nasa likod ko naman ay sila Jackson, Charlie, at Ryan. Nasa bayan kami ng Hestia kung saan nakatayo ang Hesxtia. Ang Hestia din ang pinakamalaking bayan dito.

"Yeah. Kasama nyo na ulit ako. Saka may kailangan akong bantayan" Hindi ko na sila pinansin at nagtingin-tingin na lang.

"Sino?!"

"Nandito na tayo! Shut your mouths" Aljay. Nauna din syang sumakay sa Train pero bago yon ay mariing tumingin sya kay Ryan.

"Sit here!" Agad akong hinila ni Aljay para umupo sa tabi nya pagpasok ng train. Tinitigan ko naman sya at napakurap-kurap dahil ang weird nya.

"Staring is rude without a permission, Ashianna" biglang sabi nya at ngumisi. Inirapan ko sya at mukang nakita nya dahil humarap sya sakin.

Nanlaki ang mata ko ng biglang lumapit sya kaya napaatras ako hanggang sa nakasandal na ako pero malapit pa din sya.

"If you want to stare at me just tell me. It's free for you" he smirk then wink. I can't move for a few seconds then I pushed his face and sit properly so no one can notice what he did. I blush? I blush! I fvcking blush! Why? Why?! Nevermind. I look like a idiot asking herself why did she blush after that kind of situation.

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now