[Valentine's Special] Different Point of view

35 4 0
                                    

Note:
This chapter will have two Point of view from two different person and two different dimension/place.

*I will create Special chapter in important events(including Christmas, New year, Valentines etc.). Hindi kasi sakto yung timeline ng story sa timeline natin Hahaha. Thankyou.

Ashianna Artemis's Point of View

Today is hearts day. Another important day. Everyone is so busy buying some things to give to their boyfriend/girlfriend. And we are here... Together with them finding a gift. Yeah, nasa Bayan kami ng Hesxtia para bumili ng regalo, para kanino? Wala... Samin lang. Niyaya lang nila ako actually.

"Ohh! This one looks good!" Kanina pa ako nakasunod kay Maxine. Iniwan ako nung dalawa sa babaeng ito.

"Maxine, ang dami mo ng binili. Tama na yan, baka maubusan ka ng pera" you know... We earn money from our ranks. Higher rank higher money pwede ding bigyan kami ng magulang namin.

"Don't worry! I have savings!" Then she proceed buying clothes again.

"I'll go check something there okay?" Tinuro ko yung stall malapit samin. Tumango naman sya kaya umalis na ako. Maglilibot talaga ako.

"Yow! San punta mo?" Nakasalubong ko si Charlie at Jackson na magkasama.

"Dyan lang" Umalis na din sila dahil may bibilhin pa daw. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad.

Naagaw ng atensyon ko ang isang stall na gumagawa ng customize bracelet. Hindi ko napansin na pumasok na pala ako doon.

"Magpapagawa ka, iha?" Tumango ako.

"Uh... Gusto ko po sana simple lang peroay nakasulat na 'AANDJCMK'" That's our initials. Aljay Ashianna Natalia Drake Jackson Charlie Maxine and Karina. Pinapili ako ni Lola ng gagamiting beads. Pinili ko na lang yung Gold beads and mga beads with letters na lang din daw ang ilalagay ni Lola.

"Balikan mo na lang mamayang tanghali. Tatapusin ko ito hanggang tanghali" Nagpasalamat muna ako kay Lola saka ako umalis. May stall kayang customize jackets? Or sweaters? Naglibot ako para maghanap.

Swerte.

May nahanap ako sa bandang walang masyadong stall. Lahat kasi ng stall at malapit lang sa Hesxtia.

"Hello po!" Pumasok agad ako. May napansin naman akong anino na bahagyang tumago sa gilid. Hindi ko na yon pinansin.

"Papagawa sana po ako, customize sweaters. Color gray. Apat po!" Masigla kong bati sa nagtitinda.

"Anong ipapalagay mo?" Pinagisipan ko na.

"Pangalan po."

"Ilagay mo na lang dito. Yung kulay, size, tas yung pangalan na ilalagay" Binigyan nya ako ng papel. Sinulat ko na doon yung kulay at yung size sa tabi ng Size ay sinulat ko ang pangalan na ilalagay sa sweater na may ganong size.

Anong isusulat ko? Hindi ko alam yung size nya. Large? No parang hindi. Small? Hindi ba masyadong maliit yon?. 32? 36? Bahala na. Nilagay ko na lang ay Large. Pinatingin din sakin yung size ng Small, medium and large, XL, XXL.

Color: Gray

XXL - Arman Jay
XL - Angel Cristine
Medium - Alkina Ashianna Artemis
Large - Ash Nazzer

Sakto naman siguro sa size nila. Sana lang. Binigay ko na ito sa tindera. Sinabi ko din kung saan ilalagay yung pangalan. Sinabi ko ding babalikan ko na lang mamayang mga 2 or 3pm para sabay ko ng babalikan yung bracelet na pina-customize ko.

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now