Thirty Seven: Hangout

32 4 0
                                    

Ashianna's point of view

"LET'S GOO!!!" Napailing na lang talaga ako. Akala ko nagbibiro lang sila na lalabas nga kami pero totoo pala.

Hindi kasi kami basta makakalabas dahil Examinations nga pero dahil nga sila Ryan ang nagyaya aba may paraan ang mga loko! Nakakainis na paraan.

Gisingin ka ba naman ng maaga para lang lumabas ng hindi nahuhuli tas kagabi din anong oras na kami nakatulog dahil kinukulit nila kami. 12 midnight tas ginising kami 4am?!

Apat na oras lang tulog namin! And yes... It's 4:37 in the morning nagpapalipas lang kami ng oras at hinihintay na magbukas yung mga stalls. Nasa may bandang mapuno na part kami pababa sa bayan maganda dito.

"You're still sleepy?"

"Lahat naman ata tayo inaantok pa."

"That's Ryan, Maxine, Jackson and Charlie what do you expect?"

"Akala ko lilituhin nila yung guard para makalabas tayo mamaya hindi yung manggigising sila ng maaga!"

"Expectation vs Reality" indeed. Damn that four.

"I used to sleep here when I was 15..." Ohhhh throwback sa life ni Aljay! Minsan lang ito kaya sulitin natin.

"If I want to skip trainings I'm here... Sleeping. This is just the peaceful place for me inside the Academy was chaos. Section fights and whatever."

"Really? Nangyari din yon dito?"

Nangyari din yon sa School namin but it's not section fights rather School war. If hindi ko nasabi... One block away from the school na pinasukan ko noon ay may all boys school katapat naman non ay All girls school. It was chaotic. Labanan kung aling school ang mas maganda.

"Yeah, Natapos lang last year. It was three straight years. The fight between the seniors."

"Kawawa yung nga Juniors non which is us kasi naiipit kami." Tumabi din samin si Kuya Drake, sya na din ang nag-kwento dahil medyo tamad din itong leader namin. Magiging halimaw yun Pag narinig nya.

"We were forced to voted even we don't want. The teachers don't know single thing about that that's why tumagal ng three years. They are good at hiding."

Nagkwentuhan lang kami at sumali na din si Ate Natalia samin habang yung apat ay nanood ng sunset at si Karina naman tas Aljay ay natulog. Nag stay kami doon hanggang 6:45 saka kami bumaba. For sure bukas na yung ilang kainan doon.

"Dala nyo ba ID nyo? Or cash? KKB tayo ha! Kanya-kanyang bayad!" I forgot again... May cash din dito pero mostly yung ID yung binibitbit namin parang credit card basta!

May Extra na pera pa naman ako. Kasya na siguro yon ngayon. I think may pinasok na pera din ata si Dad ewan lang. Kailangan ding magtipid 'no! Wala pa akong rank kaya mas mababa din yung pera ko.

Dahil Hindi ko feel kumain ng rice or pancakes, bread na lang yung in-order ko tas  coffee. Pwede ng agahan yon.

"Tinapay lang talaga kakainin mo? Want mo rice or pancakes? Sagot ko." Alok pa ni Charlie na inilingan ko.

"No thanks. Hindi ko feel." Bahagya pa syang tumawa at tumango na lang. Peaceful lang din kaming kumain. Nagsisimula ng magdatingan yung mga tourist.

"Let's gooo! Let's spilt up. Magkita tayo sa may fountain sa gitna mamayang 11:30. G?"

"Geh."

"G"

"K."

At ayun nga, naghiwa-hiwalay na kami. Hindi ko din alam kung saan pupunta kaya naglakad lakad na lang ako. Si Ryan, Jackson and Charlie ay pumunta agad doon sa gaming center. Si Karina naman ay hinatak ni Maxine papunta sa isang stall na bilihan ng damit. As usual, si Kuya Drake at Ate Natalia ay pumuntang Bookstore while si Aljay? Ayun... Nakasunod ulit sakin.

Hesxtia Academy: The Survival gameDonde viven las historias. Descúbrelo ahora