Thirty nine: 71st Anniversary

34 4 0
                                    

Ashianna's point of view

After ko mag open sa kanila at walang nagsalita halos, iniiwasan din nila na i-open ulit yung topic na yon they are lowkey comforting me and I'm glad.

After that Examinations week, gaya nga ng sabi nung Iba na cancel daw yung pakulo ng seniors pero celebration naman ng Hesxtia. Ang seniors din ang umayos non.

"Tara na! Opening na!" Open ang Academy para sa mga tao sa bayan pati na mga tourist. May nga booths sa loob ng Hesxtia hanggang sa bayan para makalaro din yung mga bata.

"Tara na!" Lumabas na kami at pumuntang gym. As usual nasa taas ang pwesto namin. Nandoon na din yung mga council.

"Good morning students! Today, we are celebrating the 71st Anniversary of Hesxtia. Our celebration will last until tomorrow. The Academy is open for everyone we are hoping that you'll give the visitors hospitality..." Madami pang sinabi about sa event na hindi ko na pinakinggan at binuklat na lang yung libro na dala ko.

"The announcing of Ranks will be held tomorrow morning. But let me introduce to you the last Rankers!"

Tinamad din akong pakinggan. Wala naman talaga akong pake sa ganito eh.

"Rank 10 Caroline Estrada!" Oh? Nasa Ten pa sya. Wow.

"Rank 9 El John Lopez!" Sunod sunod naman na tinawag ang mga pangalan ng kasama ko.

"Excuse me?" Lahat ay napatingin kay Caroline ng tumayo sya.

"Can we know Ashianna Mendoza's rank? Gusto kong malaman, mas mababa pa ata rank nyan kesa sakin. She doesn't deserve to be part of Special Section!" What the hell?! Bakit ba ako pinag-iinitan ng babaeng ito?

"I'm sorry Miss Estrada but clearly the councils said that the rank will be post tomorrow morning."

"Ano na namang problema nya?"

"Malakas naman si Ashianna ah. Mendoza ba naman"

"Exactly! She's a Mendoza! Probably... She..." Wow. Kahit hindi nya tinuloy ang sinabi nya alam ko ang pinararating nya.

"Excuse me? Are you saying that I'm using my father's position and power?" I was offended.

"Yes!" This girl...

"Don't ever show your freaking face in front of me if my Rank is higher than you or else I'll make you my slave." Malamig kong sabi. She smirked.

"Deal then. If my Rank is higher than you leave the Hesxtia!" Napangisi na lang ako.

"Bet."

Third Person's Point of view

"Aren't you going to stop your daughter, Mister Head council?" Walang sagot ang pinuno ng Council, nanatili syang pinapanood ang kanyang anak na nakikipagsagutan sa isang Estrada.

"That daughter of yours is nothing compared to that Estrada!"

"You think so, Miss Fiona?" Gulat sila ng marinig pala ni Ashianna ang sinasabi ng miyembro nila.

"Don't be surprised. Malapit ka lang malamang maririnig talaga Kita." Walang pakeng umupo ulit si Ashianna at muling nagpatuloy sa pagbabasa. Lahat parin ng mata ay nakatutok sa kanya.

"Staring is rude. Proceed." Winasiwas pa nito ang kamay na sumenyas na magpatuloy.

She's really my daughter. Namana yung ugali ng Kuya.

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now