Chapter Twenty nine: Rest day

38 4 0
                                    

Ashianna's Point of view.

Nagising ako ng may araw na. Tirik na tirik na ang araw kaya masakit sa balat. Pinilit ko na lang na tumayo. Sinarado ko yung bintana ko ay naghilamos lang at nag toothbrush.

Napatingin ako sa suot ko, ganon parin hindi na ako nakapagpalit kahapon dahil natulog agad ako at hindi na nagising nung gabi. Tinali ko na lang yung buhok ko ay lumabas na.

"Magandang umaga!" Sarkastikong bati sakin ni Ryan. Tinignan ko yung oras. 2pm. Ang  Haba pala ng tulog ko.

"Good morning!" Sarcastic na bati ko din sa kanya at inirapan sya. Umupo na lang ako sa couch katulad nila.

"Any updates?" I have a urge to slap Aljay. It should be rest day! No stress! No missions! No assignment! Just us chilling!

Tinampal ko sya, malapit lang naman sya sakin katabi ko nga lang actually.

"Aww!"

"Manahimik ka nga! It's rest day! Shut up if you are going to talk about school stuff!" He was about to protest but I glared at him. Hindi na sya sumagot at nanahimik na lang din.

"Anong plano nyo?"

"SLEEP!" sabay sabay na sagot namin kay Maxine. Duh! Our body need sleep! Magyaya lang naman si Max na mag-shopping. Don't want. 

"Are you going  shopping? I can accompany you... If you want?" Malakas akong tumawa kay Ryan, inis namang syang tumingin sakin.

"Gentleman yan?" nang-aasar na sabi ko at tumawa ulit. Inis naman sya sakin at hindi na ako pinansin. 

"Ako na. Ako na sasama sayo" Biglang prisinta ni Charlie dahilan para tumigil ako sa pagtawa. Masama ang tingin ni Charlie kay Ryan. Natawa naman ng bahagya si Ryan at tinaas ang kamay na parang nagsu-surrender. 

"Dude, Stop glaring. I don't like your Girlfriend, I like someone else" Natatawa pang sabi ni Ryan. Wow, who's that someone kaya?

"Hindi ko sya Girlfriend"

"He's not my boyfriend!" sabay na deny nilang dalawa at nag-iwas ng tingin. Hindi pa ba sila sa lagay na yon? 

"Oh? I thought... Nevermind!" hind na nila pinansin yung sinabi ni Ryan. Sa huli, napagkasunduan namin na pumunta na lang sa bayan para... mamasyal? 

Ayos na din yon dahil hindi ko masyadong nalibot yung Hesxtia noon. Hindi ko alam kung saan kami dadaan, kung sa likod ba or sasakay ulit ng pegasus. That cute creatures na lumilipad! Ang cute kaya nila! 

"Sa likod tayo dadaan." Pahabol samin ni Aljay bago kami pumasok sa loob ng kwarto namin.  Naligo na ako saka ako naghanap ng damit sa walk-in closet ko. I decide to wear my off shoulder black dress with long sleeves and belt. Minsan lang ako magsuot ng ganito, sayang nakatambak lang sa closet. Wala din akong dalang bag. Tanging ID ko lang kung nasan yung pera ko.

"Let's go!" Hyper na hyper si Maxine dahil nga pumayag kaming mag-shopping. Pumunta muna kami sa Headmaster para magpaalam. Luckily, pinayagan nya naman kami. Katulad nga ng sabi ni Aljay kanina ay sa likod kami dumaan.

Yung Likod na tinutukoy ko ay yung back door. Doon lumalabas kapag pupunta ka ng bayan ng Hesxtia, pero kailangan mo pang bumaba dahil nga pababa yung Lugar dito sa Hesxtia.

Napapaligiran din ng mga puno ang Academy kaya mahangin. Nahuhuli kami ni Max na naglalakad dahil naka skirt sya. It was a white turtle neck top and beige skirt. May dala din syang LV na bag. Yayamanin. Tinulungan naman sya ni Charlie para hindi lipadin yung skirt nya.

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now