Chapter Twenty Five: 2nd Mission(Saved)

33 4 0
                                    

Ashianna's Point of view

Nagsimula syang umatake kaya iniwasan ko yon. Rinig mula dito ang mga kidlat na pinapakawalan ni Kuya Drake. Malamang nahihirapan din sya don dahil madaming sumunod sa kanya. Halos lahat sumunod samantalang napatay ko na yung ibang natira.

"Dark Space!"

"Air Shield!" Patuloy kami sa palitan ng atake. Nagpakawala sya ng malaking atake kaya gumawa ako ng shield para hindi tamaan. Tumakbo din ako sa paloob sa Kuta nila para mas malawak yung labanan.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay. May lumabas na hangin sa magkabilang kamay ko at tinapat ko yon sa lupa. Nagsiliparan ang mga buhangin kaya napahinto sya sa pagsugod sakin.

Tumakbo naman ako kung nasan sila at pinakawalan sila. Una kong pinakawalan ay si Ryan dahil mas malapit sya sakin.

"Damn it!" Pilit kong tinatanggal yung tali ang higpit! Naglabas na din ako ng Air knife para putulin pero napaka-kapal pala ng tali.

"HAHAHAHHA! SA TINGIN MO MAIISAHAN MOKO?!"

"Damn it! Bilisan mo!" Kahit si Ryan ay pilit na kinalalas yung tali.

"Shut up! It's to tight!" Mas binilisan ko pang kalasin yung tali. Saktong pagwala ng mga alikabok ay nakalas ko na din yung tali sa kamay nya. Kamay lang naman ang tinalian.

"I'll take care of the students!" Nagtanguan lang kami saka nya inasikaso yung mga estudyante.

"Take care Ashianna!" Kahit medyo malayo sa pwesto ko ay sumigaw si Aljay. Tumango ako saka ngumiti.

Nagpaulan ako ng maraming Air Spikes at Air ball. Gumawa din ako ng pwedeng matapakan at hinagis sa ere. Tinapakan ko yon ay gumawa ulit ng panibago at hinagis saka tumapak doon. Ganon lang ang ginawa ko hanggang medyo mataas na din yung narating ko.

"Silverleaf!" Sa isang kumpas ng kamay ay lumabas ang Silverleaf ko na weapon ng Air.

Tinapon ko iyon sa ere at lumaki sya saka nagpaikot-ikot at may lumalabas na malakas na hangin sa kanya kaya nahihirapan ang Leader nilang kumilos. Tapon lang sya ng tapon ng kapangyarihan nya.

"Ashianna!" Lumingon ako ng sumigaw si Ryan at tinuro ang bandang likod ko sa baba. Lumingon agad ako doon at nakitang may paparating na Dark ball kaya tumalon ako pababa kasabay ng pagsalpok ng Dark ball sa inaapakan ko kanina. Umusok yon kaya halos hindi na namin makita ang isa't isa.

"Sh*t!" Mali ako ng bagsak kaya nagkaroon ako ng sugat. Halos punit-punit na din ang damit ko dahil kanina. Tumayo agad ako para hindi ako maisahan.

Ramdam kong papunta sya sa direction ko kaya bago pa mawala ang usok ay muli kong tinaas ang kamay ko katapat ng dibdib ko at hinarap sa harapan.

"Water waves!" Kasabay ng pagkawala ng usok ay paglabas din ng mga water waves at dumiretso iyon sa leader nila kaya dinala sya ng mga waves sa kabilang gilid. Nawalan sya ng malay doon. Nag cast lang ako ng water rope para hindi sya makatakas.

"Hey!" Tumakbo ako papunta sa kanila at tinulungan sila. Kinalas ko yung tali na nakatali kay Aljay. Good thing medyo natanggal na din siguro dahil sinubukan na nyang tumakas.

"Damn those Darks!" Nagulat pa akong napalingon sa gilid ko.

"Kelan ka pa bumalik dito?" Gulat na tanong ko kay Kuya Drake.

"Kanina lang. Hinayaan na kita don." Sagot nya at ngumisi habang kinakalasan si Ate Natalia na hindi ko nakitang nakuha pala nila. Agad ko syang hinampas. Nakarating na pala sya kanina tas hindi pa ako tinulungan!

Hesxtia Academy: The Survival gameWhere stories live. Discover now