AJ's POV
ONE MONTH na ako sa bahay ng mga Montelfalco at sa One month na yun ay maayos ang lahat
Napagkakamalan kaming mag asawa ni Xander dahil sa sobrang sweet nya. Wala kaming relasyon pero espesyal daw ako para sa kanya
Agad akong napatakbo ng C.R ng maramdaman kong naduduwal na naman ako
Palagi ko itong nararanasan at minsan nahihilo din ako at maselan sa pagkain
Nang matapos akong magduwal ay agad akong nagmumog tapos lumabas na
Nakita ko ang mag-aaama sa Sala habang nakaupo sa sofa kaya nilapitan ko sila
"Mama ang haggard mo" sabi ni Xyra. Napanguso na lang ako dahil sa sinabi nya
Humiga ako sa sofa at yung mga paa ko nakapatong sa hita ni Acer na nakaupo habang nanonood
"Hey ayos ka lang ba?" Tanong nya
"Oo" tamad kong sagot
Gusto ko lang ngayon matulog ng matulog, tinatamad akong kumilos eh
"Xander, gusto ko ng Pizza yung punong puno ng pinya tapos Mcfloat" sabi ko kaya napataas sya ng isang kilay
Nag puppy eyes ako kaya agad nyang kinuha ang phone nya
"Hello Jack...pupunta ba kayo dito?...bili kayo ng Pizza na punong puno ng pinya tsaka Mcfloat Tatlo...sige salamat bye"
Pagkatapos nyang ibaba ang phone nya ay tumingin sya sakin
"Mama, laro tayo ng doll" sabi ng triplets
Agad naman akong tumayo tsaka lumapit sa kanya
Type kong maglaro ngayon ng manika, Ewan ko kung bakit?
"Ang ganda ni Barbie" sabi ko
Tuwang tuwa ako habang naglalaro
"Isip bata" rinig kong sabi ni Xander kaya binato ko sa kanya ang manika na ikinagulat nila
"The fuck! Bakit mo ako binato?" Gulat na tanong nya
"INAAWAY MO AKO EH!" sigaw ko
"Okay, Don't shout I'm sorry" sabi ni Xander
Agad ko naman syang nilapitan atsaka niyakap
"I'm sorry" sabi ko
"Its okay" sagot nya atsaka ako hinalikan sa noo
Napabitaw lang ako sa kanya ng marinig ko sila Jack
"Here's the Pizza and Mcf--" hindi ko na sya pinatapos dahil agad kong hinablot yun
Umupo ako at humarap sa lamesa tapos binuksan yun. Agad akong kumuha ng Pizza na puro pinya
Yummy!
"Ikaw lang kakain nyan?" Tanong ni Aries
"Hindi, dahil bibigyan ko ang pito" sabi ko
Agad naman kumuha ng tig-isa-isang Slice yung mga Bata
"Thank you Mama!" Sabi nila pero ngiti lang ang sinagot ko at nagpatuloy sa pagkain at pag inom ng Mcfloat
Naubos kona ang isang box pero gutom pa din ako
"Wala na?" Tanong ko
"Grabe ka. Isang malaki na nga yan di ka pa nabusog" sabi ni Stephen pero napanguso lang ako
"Ang laki ng bulati mo" sabi ni Claud
Umupo na lang ako sa sofa atsaka napanguso
"Oh eto" sabi ni harry sabay abot ng kinakain nya na maraming Pinya
Agad ko naman kinuha yun at kinain
"Thank you, Labyu" sabi ko
"Don't say bad words Jane" sabi ni Xander na ikinanuot ng noo ko
"Wala namang badwords sa sinabi ko ah" sabi ko
"You said to Harry labyu. That's bad words for me" sagot nya
"Seloso amp!"
"OA mo tol. Wrong spelling naman yung pagkakasabi ni AJ"
"Inlove na si mokong"
"Pinana ni kupido"
"Tinamaan nya"
Kanya kanyang komento ng Lima
"Daddy is cute when jealous" sabi ni Xane
"Shut up!" Inis namang singhal ni Xander pero tumawa lang sila
Ako? Walang paki dahil natulog ako

BINABASA MO ANG
I'm Babysitting the Billionaire's Kids
Romance~Akisha Jane Imperial Isang simpleng babae na may simpleng buhay. Ulila sa magulang kaya't nag-iisa nalang sa buhay. *Paano kung maging babysitter siya ng mga anak nito at unti unti ng mahuhulog ang luob niya sa kanyang amo *Ano kayang mangyayari...