AJ POV
DALAWANG araw na akong hindi pinapansin ni Xander. Tuwing lalapitan ko kasi sya lalayo sya
"Mama, magkaaway po ba kayo ni Daddy?" Tanong ni Xylie habang sinusuklayan ko sya
"Hindi naman" sagot ko
"Bakit po hindi kayo nag uusap?" Tanong pa nito
"Nagtatampo lang siguro ang Daddy mo" sabi ko atsaka sya binuhat. "Bababa na tayo dahil lulutuan ko kayo.." Nakangiting sabi ko
"Mama, baba nyo na po ako. Baka po mapano si Baby sa tummy nyo" sambit ni Xylie kaya binaba ko sya
Hinawakan kona lang ang kamay nya tsaka kami lumabas ng kwarto tapos bumaba
Pababa na kami ng makasalubong namin si Xander
"Mauna kana, kakausapin ko lang ang Daddy mo" bulong ko kay Xylie na agad namang tumango
Nilapitan ko naman si Xander mula sa likod na ikinatigil nya sa paglalakad
"Sorry na, pansinin mona ako.." Sabi ko. "Pregnant thingy kasi yun kaya sorry na...."
Humarap naman sya sakin atsaka ako niyakap paharap
"Hayst, Sorry din kung hindi kita pinansin. Nagtatampo lang naman ako sayo kasi binitin mo ako..." Nakangusong sabi nya kaya hinalikan ko sya ng smack
"Ang cute mo kasing asarin.." Natatawang sabi ko
"Iba talaga trip ng mga buntis" Iiling iling nitong sabi
"Baba na tayo, lulutuan kopa yung mga bata" aya ko
Tumango naman sya atsaka ako inakbayan. Pagbaba namin ay nasa sala si Claud at Anna. Pati si Kuya at Sofia, may maleta din silang hawak
"Jane, lilipat na kami ni Sofia sa bahay ko" sambit ni Kuya
"Bibisita kapa rin dito diba?" Tanong ko atsaka sya niyakap
"Oo naman, bibisitahin kita---ko kayo" sagot ni Kuya atsaka humiwalay sa yakap
"Ingat kayo dun" sabi ko
"Kayo den" sabi nya atsaka ako hinalikan sa noo
"Sofia, mag iingat kayo ah" sabi ko
"Oo, kayo den. Lalo kana" sagot nito
Binuhat na ni Kuya ang mga gamit nila atsaka umalis
"Ikaw Anna, San ka pupunta?" Tanong ko
"Uhmm, samin na sila titira ni Ghian.." Sagot ni Claud
"Sir Xander salamat po sa lahat. Lalo na sayo AJ." Sambit ni Anna
"Mag iingat ka don lalo nat preggy ka din" sabi ko
Tumango naman ito
"Mauna na kami" sabi ni Claud atsaka binuhat ang mga gamit ni Anna
"Babay po" sabi ni Ghian atsaka kumaway
Lumabas na sila kaya hinarap kona si Xander
"MAMA!, NAGUGUTOM NA KAMI!!!" sabay kaming natawa ni Xander dahil sa sigaw nina Xane Xace at Zane
"Gutom na daw ang mga Anak natin kaya Tara na"
Natatawang tinanggap kona lang ang kamay nya tsaka kami nagtungo sa Dining
"HAPPY ANNIVERSARY!!!"

YOU ARE READING
I'm Babysitting the Billionaire's Kids
Romance~Akisha Jane Imperial Isang simpleng babae na may simpleng buhay. Ulila sa magulang kaya't nag-iisa nalang sa buhay. *Paano kung maging babysitter siya ng mga anak nito at unti unti ng mahuhulog ang luob niya sa kanyang amo *Ano kayang mangyayari...