Chapter 48 Mission/ Meet Superior Lucius

8.9K 165 10
                                        


AUTHOR POV

NILAPITAN ni Xander ang dalagang humagulgol

"Shhhh, Tahan na" pag aalo nito atsaka hinagkan si Jane. "Ililigtas ko ang mga Anak natin.."

"Pano kung ikaw naman ang mapahamak?" Umiiyak na tanong ng dalaga

"Mas gugustuhin ko yun kesa kayo ang mapahamak" sagot ni Xander

"Ma, bakit nila kinuha si Xylie at Ate Xyna?" Tanong ni Zane habang umiiyak

"Stop crying Zane. Ililigtas sila ni Daddy at nila Tito" pag aalo ni Ace sa batang si Zane

"Kuya si Ate Anna may tama" sambit ng kapatid ni Xander

Agad naman silang tumayo at nilapitan ang katawan ng dalagang si Anna, may Tama ito sa tagiliran

Duguan ito at namumutla na

"Dadalin ko lang sya sa Hospital" ani ng binatang si Claud atsaka binuhat ang katawan ni Anna

Kasama nyang umalis si Harry upang dalin sa hospital si Anna

"Sasama ako sa pagpunta nyo sa sinasabi ni Xenon. Kabisado kona ang lugar nila" saad ng nakatatandang kapatid ni Jane

"Sige" Sagot ni Xander atsaka bumaling kay AJ. "Aalis na kami. Mag iingat kayo dito.."

"Mag iingat din kayo" sagot ng dalagang si Jane

"Syempre pakakasalan pa kita" sabi ng binata atsaka hinalikan ito sa mga labi

"Daddy, mag iingat ka po don ah" singit ng batang sina Xane at Xace

Lumuhod naman si Xander atsaka niyakap ang dalawang Anak

"Oo, baby. Bantayan Niyo muna ang Mama Niyo" sagot nito

"Opo" sagot ni Xane at Xace at humiwalay sa yakap

"Boys, ingatan nyo ang Mama at Tita Xandara nyo. Maliwanag?" Bilin ng Ama nila

"We will dad" sagot ni Xian

"Take Care" sabi ni June atsaka hinalikan si Sofia

Umalis na sila sa bahay at nagtungo muna sa HQ

*********

Stephen POV

SHIT na malagkit, pinagpapawisan ako sa sobrang kaba

"Sorry late kami" sabi ni Harry na kadadating lang kasama si Claud

"Bakit ka pinagpapawisan Stephen?" Tanong ni Claud

"Uhmm, mainit kasi" pagsisinungaling ko

"Mainit?. Sus, kinakabahan ka lang kasi nandito si Superior Lucius" sabad ni Aries

"Ungol pa more" Gatong ni June

"Manahimik nga kayo" singhal ko kaya nagtawanan sila

Pumasok na kami sa loob

"Andyan ba si Superior Lucius?" tanong ni Xander at pinagdiinan talaga ang salitang LUCIUS kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Opo, boss tuloy" sagot nung lalaki atsaka binuksan ang pinto

Nakita naming nakaupo si Superior Lucius sa swivel chair nya

"Sitdown" baritong boses na sabi nito kaya naupo kami

"Superior we need weapons" sambit agad ni Jack

"I know" sagot ni Superior at nag angat ng tingin. "Nabalitaan kong ni-raid ang bahay nyo. Atsaka kinuha ni Lucius ang dalawang Anak ni Xander at pati na din ang Anak ko.."

"I'm sorry kung nadamay ang Anak nyo" sabi ni Xander

"Bibigyan ko kayo ng lahat nang mga kakailanganin nyo. Basta gusto kong ibalik nyo sya ng buhay" seryosong sabi ni Superior

"Opo" sagot namin atsaka tumayo

"You may go" sabi nito

Tumalikod na kami at akmang aalis nang magsalita sya

"Mr. Stephen Ramirez , mag uusap tayo pagbalik nyo!" Matigas nitong sambit kaya kinabahan ako

Tuluyan na kaming nakalabas kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag

"Your dead Ramirez" pang aasar ni Harry

"Ungol pa more" kantyaw ni Aries

"Shut up!" Inis kong sambit pero nagtawanan lang sila

I'm Babysitting the Billionaire's KidsWhere stories live. Discover now