Chapter 13 Bet

17.4K 421 21
                                        

Chapter 13

Xavier POV

NAPAHIWALAY ako ng yakap sa mga anak ko ng bumukas ang E.R at lumabas ang doctor

"Doc, kamusta si Mama?" Agad na tanong sa kanya ni Xion

"Uhm, okay na ang mama mo. Pero Maaaring magkaron ng temporary amnesia ang Mama nyo pagka gising nya" sagot ng doctor kaya bumagsak ang balikat ng mga anak ko

"Pero, posibleng hindi din po diba" sabi ko

"Yes Mr. Montelfalco" sagot ng doctor

"Pwede na po ba namin syang puntahan?" Tanong ko

"Ililipat lang sya ng room. Excuse" sabi ng doctor at umalis kaya bumalik kami sa pagkakaupo

"No!, hindi sya pwedeng magka amnesia. Hindi nya kami pwedeng kalimutan. No! No!" Sabi ni Xian. "Nawala na si mommy wag namang pati si Mama"

Tuluyan nang napalapit ang loob nila kay AJ

"BRO!" napalingon kami sa sumigaw

Si Aries kasama ang apat

"Nabalitaan namin ang nangyari. Kamusta si Jane?" Sabi ni Jack

"She's okay. Pero baka daw magkaron sya ng temporary amnesia" sagot ko

"No!, hindi sya magkakaron ng ganon" sabad ni Xace

Kaya napunta sa kanya ang atensyon namin

"Diba kuya?. Hindi nya tayo makakalimutan. Nag promise sya at yung promise dapat tinutupad. Diba yan ang sabi mo Daddy" sabi pa nya

Agad naman syang niyakap ng triplets. "Xace, calm down. Hindi nya tayo makakalimutan"

Napaharap naman ako sa mga kaibigan ko

"Tuluyan ng nahulog ang loob ng mga anak mo sa Babysitter" sabi ni Claud

"Malaking problema yan Xavier, maaaring madamay at mapahamak si babysitter" sabi pa ni Harry

"Baka matulad sya sa asawa mong si Xy na nauwi sa kabaong" dire diretsong sabi ni Claud kaya napayukom ako ng Kamao ko

"Claud, Shut up!" Saway sa kanya ni Aries

"What?. Totoo naman ang sinabi ko" depensa ni Claud

"Mabuti pa, puntahan na lang natin si Jane" pag iiba ng usapan ni Jack

Tumayo lang ako atsaka binuhat si Xace tapos umalis na don kasunod ang mga bata, pati na din ang Lima

Pagpasok namin ng room ni AJ ay nadatnan namin syang walang Malay at may benda ang ulo pati ang kaliwang kamay

Dumiretso ako sa sofa pati ang Apat. Samantalang ang mga bata naman ay dumiretso sa tabi ni AJ

"Bro, sensya na sa nasabi ko" sabi ni Claud

"It's okay. Kapatid ka ni Xyleene kaya alam ko ang nararamdaman mo" sagot ko

"Hindi ko lang kasi matanggap na wala na ang bunso kong kapatid. Atsaka hindi pa rin nahuhuli ang mga gumawa non" sambit ni Claud

"Pangako, huhulihin ko---natin ang mga gumawa non" sabi ni Jack

"Tama na nga yan. Napaka drama nyo" sabad ni Steph(Stephen) kaya nagtawanan kami

"So, may Mama na uli ang mga bata. Ibig sabihin ikakasal kana uli" pang aasar ni Aries

"Hinding hindi ko papalitan si Xyleene" sagot ko

"Hindi?. Baka sa huli kainin mo lang ang mga sinabi mo" sabi ni Jack

"Hinding hindi" sagot ko

"YES!! MAY PAG ASA KAY AJ!" sigaw ni Harry

"No! Tito Ninong!. Our Mama is For Daddy only" sagot sa kanya ng Triplets

"Ayaw nga ni Daddy nyo eh" singit ni Steph

"Pusta ko kotseng regalo ni Daddy. Magkakatuluyan sila" sabi ni Xian

"we will bet our bank accounts" singit ng triplets

"I'll bet my car too" sabi ni Xion

"I'll bet my expensive collections" sabi ni Xane

"I'll bet my pamana" sabi ni Xace

Napanganga na lang ako sa sinabi ng mga anak ko

"Sige, pag Tama kayo. Bibigyan namin kayo ng tig-isa-isang bahay" sabi ni Jack

"DEAL!" sabay sabay na sagot ng mga anak ko

I'm Babysitting the Billionaire's KidsWhere stories live. Discover now