Jude's POV
HABANG nag aayos ako ng gamit na gagamitin ay bumukas ang pinto at iniluwal non si Sofia
"May misyon ka?" Tanong nito
Mas gusto ko si Sofia kaysa kay Stacy. Si Sofia ang pinakamabait at tutol lagi sa masamang gawain ni Stacy at Papa pero wala naman syang magagawa
Kagaya kahapon yung sa mall, umiyak sya pagka alis namin dun. Paano daw pag namatay yung baby kawawa naman daw at kasalanan nya
"Yes" sagot ko
"Sino naman ang papatayin mo ngayon?" Tanong nya
"Akisha Jane Imperial, Xander's Lover" sagot ko
Bigla na lang syang nalungkot. "Kuya, kailangan mo bang gawin yun?. Pero wala namang kasalanan si Jane atsaka buntis pa sya"
"I know Sofia, pero wala na akong magagawa" sagot ko
"Kuya, please wa-"
Dina nya naituloy pa ang sasabihin nya dahil bumukas ang pinto at iniluwal non ang butler ni Papa
"Lady Sofia lumabas na po kayo dahil aalis na si Jude" sabi nito
Tumingin muna sakin si Sofia na parang nakikiusap bago lumabas
"Eto ang address nya master. Goodluck"
Tumango lang ako atsaka lumabas
*******
AJ's POV
ANG boring naman dito sa bahay, wala akong ginawa kundi ang kumain ng kumain ng Pizza na punong puno ng Pinya atsaka Mcfloat
Si Jack may duty kaya ako lang mag isa dito. Ang sabi nya naman ay uuwi sya mamayang 12:00 pm. Eh 8:00 pa lang, ang tagal ko pang maghihintay
Naubos kona ang Pizza kaya ininom ko naman ang Mcfloat. Habang umiinom ako ay may nag doorbell
Hindi naman si Jack yun, baka yung maglilinis lang. Agad akong lumapit sa pinto at binuksan yon
Room service nga
"Pasok po kayo" sabi ko
Nakayuko itong tumango bago pumasok, Ni lock ko muna ang pinto bago sya sinundan
"Ano po uunahin nyong linisin?" Tanong ko
"Ikaw" sagot nya sa malamig na boses
Nanlaki ang mata ko ng tanggalin nya ang sumbrelo nya atsaka naglabas ng baril tapos tinutok ito sakin
"K~kuya w~wag" takot kong sabi atsaka napahawak sa tiyan ko
Unti unti naman akong napaatras ng lumapit sya
"Pasensya na Ms. Imperial napag utusan lang" sagot nya sa malamig na boses
Kinasa nya ang baril nya kaya napaupo ako at nag umpisa ng umiyak
"Pakiusap wag. Wag mo akong patayin, gusto ko pang mabuhay para sa Anak ko. O~okay lang kahit wag mo akong maalala Pero please wag mo akong patayin" umiiyak kong sabi
"Shhh, Tahan na Aki (Akisha) Di ka papatayin ni Kuya" natigilan ako ng niyakap nya ako at sa sinabi nya din
"Naaalala mo na ako?" Tanong ko
"Oo, kagabi lang. I'm sorry kung nasaktan ka ni Kuya, promise babawi ako" sagot nya
"Thank you Kuya" sabi ko
Humiwalay naman sya sa yakap atsaka ako inalalayan
"Aki, kailangan na nating makaalis dito dahil sigurado akong nagpadala din dito ng tauhan ang Papa" sabi nya

ESTÁS LEYENDO
I'm Babysitting the Billionaire's Kids
Romance~Akisha Jane Imperial Isang simpleng babae na may simpleng buhay. Ulila sa magulang kaya't nag-iisa nalang sa buhay. *Paano kung maging babysitter siya ng mga anak nito at unti unti ng mahuhulog ang luob niya sa kanyang amo *Ano kayang mangyayari...