AJ's POV
PABABA na kami ni Xace ng marinig namin ang sigaw ni Sir Xavier kaya huminto muna ako
"HINDI TALAGA KAYO NAGTATANDA!! ANG DAMI NYO NG BABYSITTER NA NAG RESIGN DAHIL SA UGALI NYO!" rinig kong kong Galit na sigaw ni Sir Xavier
"Pinapagalitan sila Kuya at ate, Ate AJ awatin mona baka mapalo na naman sila" sabi ni Xace na nakapasan sakin
"5 LASHES PARA SENYONG PITO!" sabi uli ni Sir Xavier kaya dali dali akong bumaba
"Sir tapos na pong maligo si Xace" sulpot ko kaya naagaw ko ang atensyon nila. "Kids diba sabi nyo sakin kahapon kayo maglilinis ng kwarto nyo"
Napatingin naman sila sakin ng nagtataka kaya binigyan ko sila ng 'SAKYAN NYO NA LANG' look
"Ay, oo nga pala" sabi ng Triplets atsaka tumabi sakin
Ganon din ang ginawa ng Tatlo
"Umakyat na kayo, ako na bahala sa tatay nyong bubuga ng apoy" bulong ko sa kanila
Kinuha naman ni Xian si Xace sa likod ko tapos umakat na sila sa taas
"AJ, sitdown to sofa now!" Utos nya kaya agad akong umupo
Pumasok naman sya ng kusina at pag balik nya ay may dala na syang yelo na nakalagay sa parang tela
Lumuhod sya tsaka biglang hinila ang paa ko
"Aray! Huhuhu" mangiyak ngiyak kong sabi
"Sorry" sabi nya
Tapos inilapat nya ang yelo ko sa paa ko ng dahan dahan
Habang ginagawa nya yun ay may pumasok na magandang babae na kinulang sa tela ang damit
"HONEY!" sigaw nya
"Honey" sabi naman ni Sir Xavier
Tumayo sya atsaka nilapitan yung babae tapos niyakap
"Kailan kapa nakauwi?" Tanong ni Sir sa babae
"Kanina lang. Namiss na kasi kita pati yung mga bata" sagot nung babae atsaka bumaling sakin
"Who are you?" Tanong nya atsaka ako tinaasan ng isang kilay
"I'm AJ, new babysitter" sagot ko
"Puntahan mo muna ang mga bata sa taas, pakisabi bumaba na" utos ni Sir Xavier kaya dali dali akong tumayo
Hindi na gaanong masakit ang paa ko kaya agad akong nakarating sa taas
Pumasok ako sa kwarto ni Xian. Nandon sya kasama ang anim
"Mga bata, pinatatawag kayo ng daddy nyo may dumating kasing mangkukulam este babae" sabi ko
"Andyan na naman sya" sabi ng Triplets palaging sabay kung mag salita
"Ayokong bumaba" sabi naman ni Xian
Lumapit naman ako sa kanila atsaka umupo sa upuan sa tabi ng kama
"Sino ba yung bruha na yun?" Tanong ko
"Sya si Tita Stacy, ang fiance ni Daddy" sagot ni Xian
"Pero ayaw namin sa kanya" singit ni Xyla
"Maarte sya at sama ng ugali" sabi ni Xyna
"Tsaka lagi nya kaming sinasaktan pag wala ang daddy" sabi ni Xace
"Bakit di kayo nagsusumbong?" Tanong ko
"Tinatakot nya kami eh" sagot ni Xion
"Bruha pala yun eh. Matulog na lang kayo, babantayan ko kayo" sabi ko
Humiga naman Agad sila tsaka nagsipikit. Di rin nag tagal ay nakatulog ako

YOU ARE READING
I'm Babysitting the Billionaire's Kids
Romance~Akisha Jane Imperial Isang simpleng babae na may simpleng buhay. Ulila sa magulang kaya't nag-iisa nalang sa buhay. *Paano kung maging babysitter siya ng mga anak nito at unti unti ng mahuhulog ang luob niya sa kanyang amo *Ano kayang mangyayari...