AJ POV
"MAMA si Kuya may kaaway sa court!" Tili ni Xyra kaya agad kong lumabas ng kusina
Nadatnan ko naman ang mga Anak ko sa sala kasama ang Daddy nila
"Sino kaaway?" Tanong ko
"Yung Kapitbahay nating mukang adik" sagot ni Xane at Xace
"Ano pang hinihintay natin, sugod na!" Sabi ni Xander
Buong pamilya naman kaming lumabas ng bahay at nagtungo sa sinasabing court
Pagdating don ay nakita naming pinalilibutan si Xian ng mga mukang adik. Lima sila at malalaki ang katawan kaya hindi sila kaya ni Xian
"HOY MGA PANGIT LAYUAN NYO KUYA KO!!" sigaw ni Jax atsaka sila nilapitan
"Ikaw bulilit, wag kang makielam kung ayaw mong pitikin kita!" Sabi nung isa at nagtawanan sila
"Hoy pangit, gusto mo bang isumbong kita sa Daddy at Mama ko?" Matapang na tanong ni jax
"Kahit isama mo pa buong pamilya nyo hindi kami natatakot" sagot nung kapitbahay
"Ahh ganun!" Sabad ko kaya napatingin sila samin at nanlalaki ang mata
Sinong hindi matatakot samin. Isang buong pamilya kami at ang dami namin
"Kung ako senyo takbo na" pananakot nina Xyra Xyna at Xyla
Agad namang tumakbo ang mga ito paalis kaya nilapitan na namin si Xian
"Ayos ka lang?" Tanong ni Xander
"Yes Dad" sagot ni Xian
"Kuya naman kasi ang duwag mo, gayahin mo ako matapang" mayabang na sabi ni Jax
"Hindi ako duwag, madami lang kasi sila" Sagot ni Xian
"AYUN SILA!"
Napalingon kami sa sumigaw, kingina bumalik pa talaga ang mga Adik na ito
And take note ang dami na nila ngayon
"Anong dapat gawin kapag maraming kalaban?" Tanong ni Xander
"TUMAKBO!" sabay sabay na sagot namin kaya tumakbo na kami
At yung mga Adik hinabol naman kami
Masarap magkaron ng malaking Pamilya lalo na at kaya nilang sabayan ang trip ng isat isa
The end

YOU ARE READING
I'm Babysitting the Billionaire's Kids
Romance~Akisha Jane Imperial Isang simpleng babae na may simpleng buhay. Ulila sa magulang kaya't nag-iisa nalang sa buhay. *Paano kung maging babysitter siya ng mga anak nito at unti unti ng mahuhulog ang luob niya sa kanyang amo *Ano kayang mangyayari...