Chapter 17
AJ's POV
IT'S ALREADY 12:00 AM, and guess what ngayon lang ako nagising
Lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo ng Garden, nakita ko si sir na nakaupo sa may bench kaya pinuntahan ko
"Sir, alanganing inom yan ah" sabi ko kaya napatingin sya sakin
"Sitdown" sabi nya kaya umupo Ako sa tabi nya
"Ayos naba ang pakiramdam mo?" Tanong nya
"Maayos na Sir" nakangiting sagot ko
"Don't call me Sir, just call me Xavier or James" ani nya kaya medyo nailang ako
"Uhmm, O~okay James" sabi ko
"You know what, nakikita ko sayo ang asawa kong namatay" panimula ni Si--James kaya napatingin ako sa kanya. "Sobra din syang maalaga sa bata kagaya mo, at kapag pinapagalitan ko ang mga bata inaaway nya ako kaya sa labas ako natutulog"
Natawa ako sa kwento ni Si-James. "Sir, if you don't mind Ano ikinimatay ni Xyleene?"
Alam kong wala akong karapatang itanong yon pero curious lang
"Ginahasa sya at pinatay" sagot nya na ikinagulat ko. "Madami akong kalaban sa negosyo at marami na ring nagtangka sa buhay ko pero hindi nila ako mapatay kaya ang pamilya ko ang ginantihan nila"
May isang butil ng luha ang bumagsak sa pisngi ni James
"Iniwan nila ang mga anak ko sa kotse na may bombang nakakabit. Kaya tinanggal ko iyon, pero nahuli ako para iligtas si Xyleene dahil wala na sya. Patay na sya!, Wala na"
Niyakap ko si James na ngayon ay humahagulgol
"Kasalanan ko kung bakit sya namatay" sabi pa nya
"James, wala kang kasalanan sigurado akong masaya si Xyleene kung nasan man sya ngayon. Mas gugustuhin ng magulang na sila ang mamamatay kesa ang mga anak nila" sabi ko
Humiwalay naman sya sa yakap atsaka pinunasan ang mga luha nya tapos tumingin sya sakin
"Salamat" sabi nya
Namalayan kona lang na naghahalikan na kami at palalim na ng palalim yun
"MAMA!! DADDY!!" agad kong naitulak si Sir dahil sa sumigaw
"Mama, Anong ginagawa nyo dyan ni Daddy?" Tanong ni Xion na kasunod ang anim
"Uhmm ano. Uhmm" KINGINA naiilang ako
Lumapit ang mga bata samin. Si Xace kumandong sakin tapos and triplets sa tabi James at yung dalawang lalaki umupo sa magkabilang dulo namin ni James
"Nice lips, I want to taste that again" bulong sakin ni James kaya agad akong napaiwas ng tingin
"Mama, bakit ang red ng cheeks mo?" Tanong ni Xace
"Ano kaba Xace, natural yan" sagot ko lang pero si James tumawa lang
"Wag ka ngang tumawa!!" Inis kong singhal kay James pero tumawa lang uli sya
"Our dad is Crazy" sabi ni Xian
"Daddy may sanib kaba?. Tumatawa ka mag isa eh" sabi ni Xion
"Bayaan mona, minsan lang tumawa yan" sabi ni Xyra and Xyna
"Kaya nga" sang ayon ni Xace
"Naku mga bata!. Siraulo na yang dadd--hmmmp"
Diko na naituloy ang sasabihin ko ng halikan nya ako sa labi
Walangya! Buti na lang di nakatingin yung mga bata

YOU ARE READING
I'm Babysitting the Billionaire's Kids
Romance~Akisha Jane Imperial Isang simpleng babae na may simpleng buhay. Ulila sa magulang kaya't nag-iisa nalang sa buhay. *Paano kung maging babysitter siya ng mga anak nito at unti unti ng mahuhulog ang luob niya sa kanyang amo *Ano kayang mangyayari...